Chapter 1 : The New Sharlene

7K 147 39
                                    

Sharlene 's POV

"Babaita gising na!" rinig kong boses ni Mika habang niyu-yugyog ako. 

Mika Dela Cruz. My childhood bestfriend. 16 years old katulad ko, Isa rin syang sikat na model dito sa Amerika. 

"Naman eh! Sabihin mo hindi ako pupunta ngayon sa pictorial!" sabi ko at tumagilid. 

"Gaga! Pina-cancel na nga ni Manager Edmar yung pictorial ngayon eh! " sabay hampas nya sakin. 

Napabangon ako agad dahil sa sinabi ni Mika. Pina-cancel? Aba himala!

"Bakit daw?" tanong ko habang tinatanggal ang mga muta ko. 

"Ulyanin lang teh? Diba nga nag-paalam ka kahapon sa kanya kasi may pupuntahan tayo" sabi nya. 

"Oo nga pala" sabi ko at tumayo na. Dumiretso ako sa CR para mag-hilamos at mag-toothbrush. 

Pag-katapos ko ay kinuha ko ang towel ko at pinunasan ang mukha ko. 

"Babaita uso bilisan ang kilos?" inis na sabi sakin ni Mika. 

"Excited? Edi mauna ka na! Mag-lakad ka ah!" sabi ko naman. 

"Sabi ko nga eh. Sige na, bagalan mo pa" 

Bumaba na ako at sumunod naman sa akin si Mika. 

"Kumain ka na?" tanong ko at umupo sa sofa. 

"Yup" tipid na sagot nya. Umupo rin sya sa sofa habang nag-lalaro sa cellphone nya. 

Say your sorry that face of an angel .... 

Kinuha ko agad ang phone ko na nakapatong lang sa mini table dito sa sala. 

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag si Sophia pala.

Sophia Garcia. Friend ko sya sa Pilipinas at naging close ko rin. Kasing edad lang din namin sya ni Mika.

[Phone Conversation] 

[Hello?] 

[Uy Shar anong gagawin ko? Hanggang ngayon tinatanong nya parin kung saan ka naktira dyan sa Amerika!]


[Edi dedmahin mo!] galit na sabi ko. Ang kulit nya talaga huh! Masyado nya ba akong na-miss?

Dont worry Aguas, Makikita mo na ako bukas. 

[Lagi ko namang ginagawa yun eh! Ah basta, umuwi ka na nga dito sa Pilipinas para naman hindi na ako mai-stress.] 

[Kahit hindi mo sabihin babalik at babalik ako dyan. Sige na bye, see you tomorrow] pag-katapos ay binabaan ko na sya nang telepono. 


   "Maliligo na ko" sabi ko at tumayo na. 

"Huh? Eh hindi ka pa nga nag-aalmusal eh" sabi naman ni Mika. 

"Wala na akong ganang kumain" at pag-katapos ay umakyat na ako. 

Humanda ka Aguas, pag-babayaran mo lahat nang kasalanan na ginawa mo sa akin. 

Mika's POV

Hindi na ako mag-tataka kung bakit ganyan ang inaasal nya. Maraming nag-bago simula nung dito na kami tumira sa Amerika. 

Hindi deserve ni Sharlene ang mga sakit na dinanas nya. Nagmahal lang naman sya, pero ang daming nawala sa kanya. 

Naaalala ko pa noon kung anong nangyari nung araw na yun.
 

*FLASHBACK* 

Fisrt monthsary ni Nash at Sharlene noon. Nag-pasama sya sa akin dahil kinakabahan daw sya. First time nya kasing mag-karoon nang special date sa special day nila ni Nash. 

"Mika ok lang ba yung suot ko?" tanong nya sakin bago kami pumasok nang Restaurant. Mukhang pina-private ni Nash ang Restaurant dahil walang katao-tao sa loob. Kitang-kta naman kasi sa loob nang Restaurant sa labas.

Tiningnan ko si Sharlene. Maganda naman sya. Naka-suot sya nang jeans and t-shirt, naka eye glasess rin sya. Ganyan ang porma nya, ayaw nya kasing nag de-dress. Naka pony-tail rin sya at hindi naka make-up. 

"Oo naman! Ang ganda mo nga eh! Sayang nga kasi wala si Alexa. Edi sana nakita nya kung gano ka kaganda" pag pu-puri ko sa kanya. 

"Oo nga, pero ok lang. Ayoko namang maging sagabal sa mga ginagawa nya eh" sabi ni Sharlene. Hindi naka-sama samin si Alexa kasi marami syang ginagawa sya sa School dahil member sya nang council. At ang School na pinapasukan namin ay pag-mamayari nila Sharlene.

"Pasok na tayo" tumango naman sya. Pinag-buksan ko nang pinto si Sharlene. 

"Mam this way po" tapos sinundan namin yung waiter na lalaki. Umupo si Sharlene sa table nila ni Nash. Samantalang ako ay sa ibang table umupo, syempre baka mailang sila sakin. 

Mga tatlong table lang ang layo ko sa table nila Sharlene. "Ahm si Nash?" rinig kong tanong ni Shar. 

"Ah nasa private room po" sabi nung waiter na lalaki na nag guide samin kanina. Hindi parin kasi sya umaalis nandun parin sya sa gilid nang table nila Sharlene.

"Huh? Private room? Saan yun?" takang tanong ni Sharlene doon sa waiter. 

"Diretsuhin nyo lang po itong daan na ito tapos yung pangatlong pinto po" sagot nung waiter. 

Sinenyasan ako ni Sharlene na samahan ko sya kaya tumayo ako at sinamahan sya papunta doon sa itinuro nung waiter. 

Dahang dahang binuksan ni Sharlene ang pintuan. Alam kong kinakabahan sya. 

Nang bukas na ang pinto ay parang nanigas si Sharlene sa kinatatayuan nya. 

Si Nash at Alexa , nag-hahalikan. 

Gustong gusto kong sugurin si Alexa. Kaso inaalala ko si Sharlene. Alam kong mas nasasaktan sya kesa sa akin. 

Nagagalit ako kay Alexa. Sa ginawa nya kay Sharlene. Sa mga panlolokong sinabi nya samin. 

KATAHIMIKAN 

Nag-hahalikan parin ang dalawa sa harap namin. Mukhang hindi nila nararamdaman ang presence namin ah. 

Maya maya ay nag-salita na si Sharlene. 

"Nash anong ibig sabihin nito?" 
naiiyak na sabi ni Sharlene. 

Naaawa ako sa kanya. Matagal nya nang gusto si Nash kaya ang saya saya nya nung naging sila pero ito lang pala ang mangyayari. 

Tumigil naman sila sa pag-hahalikan at umupo nang maayos. Nag-holding hands pa sila habang si Alexa ay naka dekwatro pa. 

Hinawakan ko ang kamay ni Sharlene. Alam kong pinipigilan nya lang na umiyak. 

"Ano naman kasing tingin mo sa sarili mo? MAGANDA?!" mayabang na sabi ni Nash. 

Ang kapal nang mukha nya! May gana pa syang sabihin yan!

"Sabihin mo, anong dahilan at nagawa mo akong lokohin?" sabi ni Sharlene. 

Bilib rin ako sa kanya kasi nagawa nya pang tanungin ang dahilan yung ibang babae kasi mag wa-walk out nalang bigla kapag ganito ang nagyayari. 

Gusto kong sabihin sa kanya na 'wag na Sharlene, lalo ka lang masasaktan' kaso hindi ko magawa. Parang nanigas ang bibig ko. 

"Bakit, umaasa ka pa ba na may mag-mamahal sayo? Tsaka wala lang, trip ko lang. Gustong gusto ko kasing nakaka kita nang panget na umiiyak" sagot ni Nash habang magka-holding hands parin sila ni Alexa. Si Alexa naman parang wala lang, naka-dekwatro parin at nilalaro ang kamay ni Nash. 

Nakita kong nag-sarado agad ang kamao nya. Hindi, alam kong hindi marunong magalit si Sharlene. 

At alam kong hindi sya marunong guman ----- 

"Humanda kayo, Babalik ako at sisirain ang mga buhay nyo!" galit na sambit nya, nagulat ako sa sinabi nya. Sumira nang buhay nang iba? Ni ipis nga hindi nya mapatay!

Tumalikod na sya habang ako ay naka harap parin kina Alexa. 

Aalis na sana sya kaso tumigil sya at .... 

"By the way guysdont forget that REVENGE IS MINE" 

*END OF FLASHBACK* 

Simula nang araw na yun ay nag-bago si Sharlene. Lagi syang tulala, hindi sya lumalabas nang kwarto nya, wala rin syang kinakausap kahit sino at madalas kapag pumapasok ako sa kwarto nya ay lagi kong nakikita na may mga basag na gamit at may bote nang alak. 

Matagal tagal rin sya bago naka recover. Kaya para maka fully recover sya at dito kami nag stay sa Amerika. 

Ako naman, nanatili akong tahimik. Pero gusto ko ring mag-higanti kay Alexa. Hindi lang dahil sa ginawa nya noon kay Sharlene. Kundi dahil narin sa inagaw nya rin ang isa sa pinaka-mahalagang tao sa buhay ko.

Sharlene's POV 

Bumaba na ako dahil naka-ligo at naka bihis na rin ako. 

Naka suot ako nang high heels at naka black dress rin ako. 

"Tara na" sabi ko kay Mika. 

Lumabas na ako nang bahay at dumiretso sa garahe. Sumunod naman si Mika. 

Sumakay na ako sa kotse at ganun rin naman sya. 

Pinaandar ko agad ito papunta sa Sharlene's Company. 

Nang makarating kami ay bumaba ako sa sasakyan pati si Mika, binigay ko yung susi nang kotse kay kevin na isa sa mga guards sa company ko. 

Kinuha naman nya yun. "Subukan mong gasgasan yan, baka bukas wala ka nang pamilya. Dapat makarating yan sa Parking Lot nang buo" pag ba-banta ko sa kanya. 

Dumiretso na kami agad ni Mika sa Elevator. Pinindot ko na yun at pumasok na kami. 

Buti nalang talaga nag-pagawa ako nang private elevator ko. 

Pinindot ko na ulit ang elevator para makarating kami sa 13th floor. 

*TING* 

Lumabas na kami nang elevator at pumasok sa Private room ko. 

"Mam Sharlene, buti naman po at dumating na kayo. Ito na nga po pala ang passport nyo" tapos inabot sakin ni Amanda yung passport ko. 

She's Amanda Aquino. Personal Assistant ko sya and She's Filipino. 

Inabot ko naman yun. 

"Yung mga gamit ko para bukas, naka handa na ba?" tanong ko. 

"Opo" sagot nya. 

Everything is ready. Wait for me, Aguas. 


~*~*~*~*~*~*~

EDITED! Dami ko pang i e-edit! Sakit rin sa kamay! 

~Ann




Revenge Is MINE (Nashlene & Sharquin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon