Chapter 23 : Huh?

2.3K 49 4
                                    

Joaquin's POV

Kinuha ko ang katana ko at sinaksak ang isa sa mga Gangsters na sumubok na mang-bugbog kay Vianca. 

"Tang*na pre! Ang pa-panget nila!" rinig kong sabi ni Grae. 

"Alam ko pre , Di ako bulag!" sabi naman ni Brace. 

*Bang!* 

"Fvck!" nyeta! May bumaril sakin sa likod!

Agad akong tumingin sa likod at nakita ko yung mukhang adik na lalaki na nakangisi. 

"Yan lang ba ang kaya mo?" nang aasar na tanong ko. 

"Joaquin Lucas Reyes , The ultimate KING GANGSTER" nang gigigil na sabi nya. 

I knew it! Naiingit sya! Tingnan natin ang tapang mo ungas! 

"Oh , Sikat na pala ako? Bat di ko alam yun?" nang aasar na tanong ko. 

"Hayop ka! Pinatay mo sya!" sinugod nya agad ako at pina-ulanan ng bala ng baril pero mabilis naman akong naka-iwas. 

Hinawakan ko ng mahigpit ang katana ko at "Die" pinugutan ko sya ng ulo. 

"Tsk. Joaquin naman , Sinabi ko na sayo kanina na wag kang mag-kakalat ng dugo eh" sabi ni Brace. 

"Gusto mo dugo mo ang kumalat dito?" pag babanta ko sa kanya. 

"Sabi ko nga mag-kalat ka pa eh" sabay kamot nya sa ulo nya. 

"FVCK ALL OF YOU!" naramdaman kong may papalapit na matulis na bagay sa likod ko at dahil sa masyado nang malapit yun ay hindi ko na maiilagan. 

Inintay ko nalang na saksakin nya ko pero .... 

*BANG BANG BANG BANG BANG* 

Napatingin agad ako sa likod ko , Ang daming tama ng baril nung lalaking sasaksak dapat sakin. Buti nalang hindi ako natamaan! 

Napatingin agad ako sa pintuan at nakita ko si Queen. 

"Queen!" sabay sabay na bati namin pero si John , Hindi nag-salita. 

Nilapitan agad ni Grae ito. "Queen pasensya na --- 

"Dont call me Queen , Just call me Lene" 
sabi nya. 

Lene? Sa pag kakatanda ko ayaw nyang may tumatawag sakanya nang Lene eh.

"O-ok" sagot ni Grae. Makalipas ang ilang segundo ay nabalot ng katahimikan ang paligid. Ramdam na ramdam ko rin ang awkwradness namin sa isa't-isa. 

"Umuwi na kayo, Susunod nalang ako kapag tapos ko na ang ginagawa ko" sabi nya at nag lakad papaalis. 

"Pe-pero Queen, Este Lene. May dinner party mamaya sa bahay diba?" pag-hahabol na tanong ni Brace bago maka-alis nang tuluyan si Queen. 

Hindi talaga ako sanay na tawagin syang "Lene" ayaw nya kasi na tinatawag sya nun eh. Ewan ko kung bakit basta bigla nalang nag-iiba ang mood nya kapag binabanggit yun. And also , i'll prefer for "Sharlene or Queen" kasi sanay na ko tsaka aish! Ewan! Basta ayoko talaga! 

"Ha?" gulat na napalingon samin si Queen. 

Nakalimutan nya na ba? Kaninang umaga sa bahay nya yun sinabi eh. 

"Nakalimutan mo? Hindi ka naman ulyanin ah" sabi ko naman. 

"Hi-hindi ko nakalimutan, Bahala na basta umuwi na kayo" sabi nya at tumakbo na papaalis. 

Ang weird ni Queen ngayon ah! 

John's POV 

Napatulala nalang ako dahil nakita ko kung sino ang nandito ngayon. 

She's here. 

Malala na to! Dapat kasi noon palang kumilos na ako! 

Dapat hindi na sya bumalik! Magugulo lang lalo ang lahat! 

"Huy John! Anyare sayo?" napabalik ako sa realiddad dahil sa pag-salita ni Joaquin. 

"Wala" sabay iwas tingin ko. 

"Tara na, Umuwi na tayo" tumango nalang kami sa sinabi ni King. 


 Nang makarating kami sa bahay ay nandun si Queen at Princess , Pati pala si Vianca nandito rin. 

Nakahanda na rin ang mga pagkain para sa dinner party namin ngayon. Actually , kami kami lang naman din ang mag-paparty. Syempre konting salo-salo rin para samin dahil sa AKALA nila maayos na ang lahat. 

"Oh Queen-- Este Lene , Buti naman tapos na yung ginagawa mo?" agad na tanong ni King. 

Para namang naging bato sya bigla. Sinasabi ko na nga ba.... 

"Le--lene?" agad na tanong ni Queen. 

"Diba sabi mo samin kanina tawagin ka naming Lene , Wag Queen?" sabi naman ni Grae. 

"Huh? Kanina? Eh hindi na kami umalis dito sa bahay kaninang umaga kasi nag-girl talk kami" sabi naman ni Princess. 

"Nagbibiro ka ba Mika? Eh kanina lang ay pinag-babaril pa ni Lene yung muntikang sumaksak kay King eh" bwelta naman ni Brace. 

"Teka nga, I-klaro ko lang ah. Kanina sa school pumunta kami sa tambayan nyo at doon kami kumain ng lunch pagkatapos nun ay pinag-tripan na ni Sharlene si Alexa gamit ang pag-kuha nang video , Tapos si-nend na ni Mika kay Nash pagkatapos nun ay nag-panggap si Sharlene na nabugbog sya ni Alexa kaya pumunta kami sa Ospital. At pagkatapos naman nun ay pumunta na kami dito sa bahay nyo at nag-girl talk , Nag-prepare nga rin kami para sa dinner party eh" pag-papaliwanag ni Vianca. 

"Eh pinag-loloko nyo yata kami eh! Kitang kita ng mga mata namin si Lene kanina tsaka kinausap nya pa nga ako eh" bwelta naman ni Grae. 

Nakatitig lang ako kay Queen na ngayon ay gulong-gulo at tahimik. Alam kong nagugulahan sya. 

Nag-katinginan lang si Queen at Princess at para bang nag-uusap gamit ang mga mata nila. 

"Imposible" sabi ni Princess at umiwas tingin kay Queen. 

"Alam kong imposible pero pano kung ------ 

hindi na natapos ni Queen ang sasabihin nya dahil nag-salita na ulit si Princess. 

"Imposible yun Sharlene! Nandun tayong dalawa nung mangyari ang aksidenteng yun!" medyo tumaas na ang boses ni Mika. 

"Tama ka , Imposible nga yun" malungkot na sabi ni Queen

"Oo , Sya ang tumanggap sayo ng buong-buo , Nag-alaga nang lubusan, At sya ang nag-palakas sayo. Pero itatak mo sa isip mo na wala na sya!" This time mataas na ang boses ni Mika. 

Konti lang ang nalalaman ko tungkol sa past nila, Pero isa lang ang sigurado ako. Yun ay ang Malaking gulo ito. 

Lumungkot ang mukha ni Queen, Alam kong umaasa parin sya hanggang ngayon.

Umusog pa nang konti si Mika kay Sharlene at hinimas ang likod nito. Kami namang apat ay nanonood lang sa kanila. Oo , Magulo ang lahat para kina Grae dahil wala talaga silang alam. Pero ako mas gulong-gulo dahil kahit may nalalaman ako, Hindi ko alam kung tama bang ilihim ko parin ito. 

"Don't underestimate me Shar, Ayoko lang na umasa ka sa wala" sabi pa ni Mika. 

"Im not hoping for nothing, Forget about it. Kumain nalang kayo" sabi ni Queen at tumayo na at umakyat na rin sa taas. 

Napa-buntong hininga nalang ako. Ano nga bang magagawa ko sa mga sitwasyon na ganito? 

Nang maka-ramdam akong may nag-mamasid sa amin ay agad akong napatingin sa likod. 

Nandito sya! 

Agad akong tumakbo papalabas ng bahay at hinabol sya. 

Dumaan sya sa isang eskinita, Pero dahil sa mabilis akong tumakbo at alam ko ang shortcut dito ay nahabol ko sya. 

Hinawakan ko nang mahigpit ang braso nya. Mahirap na , Baka makawala pa. 

"Let me go!" mataray na sabi nya. 

"Wag mo nang ituloy ang plano mo" 

"What? What do you know about me? You dont know anything!" galit na sabi nya. 

"You dont know me, But i know you. And also, I know your plan" 

"Psh. I dont care about you b@st@rd guy! Just let me go!" 

"Why are you doing this? Hindi mo ba alam na maraming inosenteng tao ang madadamay?!" galit na tanong ko rin. 

"I.DONT.CARE! They are the one who start this, And both of us should end this" tapos umiwas tingin sya.

"Hayaan mo na sila, Gu-gulo lang ang lahat kapag bumalik ka!" at mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak ko sa braso nya.

"I SAID I DONT CARE! THEY ARE THE ONE WHO MAKE HER LIFE MISERABLE! AND THEY HAVE TO PAY FOR THIS!" at tumakbo na sya papalayo. 

Mukhang wala na nga akong magagawa, Kasi itutuloy nya talaga ... 

Someone's POV [To Be Revealed Soon] 

"Nakakainis! Ano bang pakialam nya?! Mga pakialamero talaga sila sa buhay namin!" sabay suntok ko sa punching bag pero nabutas lang ito dahil sa lakas nang suntok ko. 

"They have to pay for this, Akala ba nila sila lang ang may karapatang sumaya? Gagawin ko ang lahat para lang mapag-higanti sya!" Tapos binato ko yung dagger ko sa may pinto. 

"Ay tipaklong!" napatingin ako sa pintuan. Nandito na pala sya. 

"Grabe ka naman, Mamamatay ako nang wala sa oras eh" reklamo nya. 

"Gusto mo bang patayin kita?" binigyan ko pa sya nang matalim na tingin. 

"Wala akong sinasabing ganyan. Nga pala, Bakit parang ang init nang ulo mo ngayon? Kakabalik mo lang dito sa Pilipinas ah" sabi nya at kumain ng nachos. 

"May nakakaalam ng plano ko" sabi ko naman. 

"Ano?! Baka pumalpak yan pag nag-kataon!" sabi nya pa at uminom nang coke na hawak nya. 

"Bakit, Sa tingin mo ba papayag akong pumalpak ang plano ko? Ipaghihiganti ko sya. Dahil hindi lang sya ang dapat lumaban, Dapat kasama rin ako".

Vianca's POV 

Naiwan kaming naka-tulala dito. Miski isa samin yata ay walang naiintindihan sa mga nangyayari. 

Pero duda ako kay John, Feeling ko kasi may alam sya. 

"Matutulog na ko, Sige Vianca bukas nalang" at umakyat na rin si Mika. 

Napabuntong hininga nalang ako. Ano ba tong napasukan ko?

Nagkaroon nga ako ng mga kaibigan pero ang dami kong hindi alam sa kanila. At ang masaklap pa ay ang gu-gulo ng mga buhay nila. 

"Sa tingin nyo ba ok lang sila?" tanong ko sa tatlo. 

Si John hindi parin bumabalik, Ewan ko nga kung saan pumunta yun eh. Hindi na rin namin sinundan kasi gulong-gulo na kami.

Nag-hikbit balikat nalang sila. Hayy sana naman maging maayos na ang lahat. 

"Sige, Uuwi na ako" paalam ko at lumabas na. Nag-ingat ako sa pag-labas sa bahay nila dahil sa marami itong patibong. 

Sasakay na sana ako sa motor ko kaso nakita ko si John na tumatakbo papunta dito. 

"Saan ka galing?" tanong ko nang maka-lapit sya sa tapat ng bahay nila. 

"You don't have to know" at pumasok na sya sa loob. 

Why so mysterious, Legendary Sniper? 




~Ann

Revenge Is MINE (Nashlene & Sharquin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon