Special Chapter 4 : His Promise

1.2K 25 11
                                    

May Special Chapter #4 pa pala! xD Nakalimutan ko kasi yung scene na ito kaya dito nalang :D 

PS : SOBRANG IKLI LANG NITO!

________________

Sharlene's POV

"Joaquin..." Tawag ko sa pangalan n'ya habang sya ay nakatalikod sa akin. Ni-hindi sya gumalaw o liningon manlang ako, nanatili syang nakatalikod sa akin. 

Mabigat akong napabuntong hininga at napatingin sa kanya, sa likod n'ya. 

"Pasensya ka na kung ngayon na lang ulit tayo nakapag-usap. Madami kasi ang nangyari eh, pero sana pakinggan mo ako..." Hindi nya ako inimik at nanatiling nakatalikod. 

"....Joaquin, alam kong nasaktan kita, at nasasaktan parin kita. Pero sana, maitindihan mo, na si Nash talaga ang mahal ko. Sana, maintindihan at matanggap mo." Kagaya kanina, hindi sya umimik o gumalaw. 

Nasasaktan ako kasi nasasaktan ko sya, kasi kaibigan ko sya. King sya ng gang namin kaya ayoko ng ganito. Ayokong nakakasakit ng iba. 

Alam kong mali ang ginawa kong paghihiganti, na maling manakit ng damdamin ng iba. Pero nagawa ko lang naman iyon dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko. Pero pinagsisisihan ko na iyon. 

Sa kabila ng mga nangyari, nanatili ang mga kaibigan ko sa tabi ko. Hindi nila ako iniwan at palagi nila akong sinasamahan at dinadamayan kapag nagkakaroon ako ng problema. Kaya malaki ang pasasalamat ko na dumating sila sa buhay ko, at hindi ko kayang mawala ang isa sa kanila... 

"Ayokong masaktan ka pa, kaya kalimutan mo na ---- 

Nagulat ako ng bigla syang humarap sa akin. Kitang-kita sa maamo nyang mukha ang lungkot at sakit, sakit na binibigay ko. 

"Na ano? Kalimutan kita? Na hindi na kita mahalin? Bakit, sa tingin mo ba madaling gawin iyon? Sa tingin mo ba, madaling makalimot?" Kalmado at walang emosyon sa sambit nya ngunit bakas sa pananalita nya na nasasaktan sya.

Hindi ako nakaimik, dahil tama sya. Hindi naman kasi talaga madali ang makalimot, ang makalimot ng nararamdaman. 

"Kung kaya ko lang, Joaquin. Kung kaya ko lang na burahin ang lahat ng alaala mo para hindi mo na ako maalala, para hindi ka na masaktan pa..." Napatungo nalang ako sa sinabi ko. 

Alam ko kung gaano kasakit na pumunta sa kasal ng mahal mo, kahit na tutol ka. Kahit na ayaw mo sana kasi gusto mo ikaw ang nandun sa may alatar at hinihintay sya. Pero nandun ka, para suportahan sya. Kahit masakit... 

Naranasan ko na iyon kaya naiintidihan ko sya, naranasan ko ng maramdaman ang sakit na iyon. Ang pakiramdam na hindi ka mahal ng mahal mo dahil iba ang mahal n'ya.

"Sharlene, sa tingin mo ba gusto kong kalimutan ka? Sa tingin mo ba kakayanin kong mawala ka?" Napaangat ang ulo ko dahil sa sinabi nya. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata nya na para bang isang salita nya pa ay bubuhos na ang luhang kanina nya pa pinipigilan...

Nagulat ako ng maglakad sya, palapit sa akin... 

Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng nasa harapan ko na siya, nanlaki ang mata ko sa sunod nyang ginawa...

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko, napatingin ako dun sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

Naramdaman ko ang isa nya pang kamay na humawak sa baba ko at marahang inangat ang ulo ko. 

"Sharlene, mahal kita. Sobra, kaso kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko, ayos lang. Mananatili akong nandito palagi para sa'yo, kahit na patuloy akong masaktan. Basta laging mong tatandaan, nandito lang ako palagi. At mahal na mahal kita..." 

Bakas sa boses nya na seryosong-seryoso sya. Naramdaman kong binitiwan nya na ang kamay ko at ang pagkakahawak nya sa baba ko. 

Naiiyak ako, naaawa ako sa kanya. Nagmahal lang naman sya, pero bakit sa akin pa? Bakit sa akin pang hindi kayang suklian ang pagmamahal nya?

"Joaquin, masuwerte ako dahil may isang katulad mo na nagmamahal sa akin. Pero hindi ko naman ito kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo, kaya pasensya na. Kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo." 

"Ok lang, tanggap ko naman iyon. Kung saan ka masaya, susuportahan kita." Nagkatitigan lang kami, maya-maya ay inilapit niya ang mukha niya sa akin. 

At, hinalikan niya ako sa noo ko. Lumayo na din siya kaagad sa akin. 

"Mahal kita ng higit pa sa sarili ko, Sharlene. At handa kong isakripisyo ang lahat para lang sa'yo, kahit pa ang buhay ko. Nandito lang ako palagi para sa'yo, sige aalis na ako." Sabay talikod niya sa akin at naglakad na paalis.

"Aalis ka na din ba ng bansa? Iiwan mo na ba ako? Iiwan mo na ba kaming Gang mo?" Gusto ko siyang lapitan at yakapin para pigilan siya pero hindi ko magawa at hindi rin pwede.

Hindi niya ako nilingon pero tumigil siya sa paglalakad, " 'Wag kang magalala, sandali lang naman akong mawawala. Babalik rin ako matapos ang isang buwan, kailangan ko lang mag-isip sandali. Hindi ko kayo iiwan, hindi kita iiwan..." Pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad paalis. 

Panghahawakan ko ang pangakong binitawan mo, Joaquin.... 

______________

Hey there guys! Sana may kinilig sa SHARQUIN! Hanggang diyan na lang po talaga ang special chapters haha. Maikli lang diba, pero sana sulit. Salamat sa lahat ng nagbasa nito! 

~Ann

Revenge Is MINE (Nashlene & Sharquin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon