Special Chapter 1 : Goodbye, Patricia

1.1K 28 3
                                    

So ito na po ang Special Chapter 1 :) Hanggang 3 lang po ang special chapters ^__^  

PS : Maikli lang po ito!

_____________

Sharlene's POV

Mahigit isang buwan na rin naming hindi nabibisita si Patricia sa Ospital. Wala na rin kaming balita sa kanya, kaya naman naisipan naming lahat na bisitahin s'ya ngayon. Pero nung isang araw ay nadalaw ko naman siya.

Sa dami ng nangyari, nakalimutan na naming bisitahin s'ya. Pero babawi naman kami ngayon.

Kabababa lang namin ng kanya kanya naming sasakyan. Hindi na muna ako sumasabay sa sasakyan nila King, medyo malaki na rin kasi ang tyan ko. 

Pumasok na kami sa Ospital at agad na dumiretso sa kwarto ni Patricia pero nagulat kaming lahat ng wala kaming nakitang kahit isang tao sa loob. 

"Nasaan si Patricia?" Tanong ko. 

"Hindi ko alam, itatanong ko lang sa nurse" sabay takbo ni Mika at tinanong yung isang nurse. 

Nakita naman naming biglang lumungkot ang mukha ni Mika na tila ba pinag-sakluban ng langit at lupa. Nagsimula na rin akong kabahan dahil sa itsura n'ya. 

Naglakad na ulit s'ya palapit sa amin habang tila ba naiiyak na. 

"Si Patricia...." Pagbabangit n'ya sa pangalan ni Patricia pagkalapit n'ya sa amin. 

"A-anong nangyari sa k-kanya?" Nauutal na tanong ko. Kinakabahan ako, sana naman walang masamang nangyari ---- 

"She's dead." Para akong nabingi sa sinabi ni Mika, ramdam ko na ang pagpatak ng mga nag-uunahan kong luha. 

Agad kong nilapitan si Mika at hinawakan sa magkabilang balikat n'ya. "Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi pa s'ya patay!" 

"Hindi pa s'ya patay! Lumalaban s'ya sa sakit n'ya eh! Hindi s'ya dapat mamatay!" Binitawan ko na ang balikat ni Mika at humarap kay Nash tsaka ko s'ya niyakap. 

"Nash, si Patricia, buhay pa s'ya diba? Lumalaban s'ya eh! Nung isang araw lang dinalaw ko pa s'ya! Maayos naman ang lagay n'ya nun eh! Kinausap n'ya pa nga ako!" 

Halos pumiyok na ako sa pagsasalita ko. Maayos naman s'ya nung isang buwan eh! Sabi n'ya, lalaban daw s'ya! Sabi n'ya, hindi n'ya kami iiwan... 

"Shh... Tama na Sharlene, 'wag ka ng umiyak. Makakasama 'yan sa baby natin." Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya. 

"Si Patricia, kung totoong patay na s'ya, gusto ko s'yang makita..."  Mahinahon na sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. 

"Sharlene?" Napatingin ako kaagad sa taong nagsalita. 

"Tita? Si Patricia po? Bakit wala na po s'ya dito? Nilipat na po ba s'ya ng Ospital?" Pa-inosenteng tanong ko. 

Ayoko, ayokong tanggapin na patay na s'ya. Kausap ko pa s'ya nung nakaraang buwan eh! Sabi n'ya pa nga, mag-iingat daw kami palagi. 

"Pinabibigay n'ya sayo *sabay bigay ng sulat* sabi n'ya, ibigay ko daw 'yan sa'yo, 'Yan ang huling habilin n'ya" napaiyak ako lalo dahil sa narinig ko. Kinuha ko ang sulat at binuksan iyon. 


Dear Sharlene, 

  Sharlene, may aaminin ako sayo. Pasensya ka na kung traydor rin ako, ako kasi yung pinadala ng gang na kaaway n'yo dati eh. Sabi nila matyagan ko daw ang bawat galaw n'yo. Oo, peke lang lahat ng pinakita kong mga pinsan at magulang. Hindi ko ka-ano ano yung mga pinakilala ko sa inyo, binayaran ko lang sila para magpanggap. 
Sorry Sharlene ah, sorry talaga. Ito na rin siguro yung karma ko sa nagawa ko, nakatakda na siguro talagang magka-leukimia ako. Stage 4 na ang leukimia ko, kakasabi lang ng doktor. 
Diba sabi ko lalaban ako? Pero mukhang hindi ko na yata kaya, pinasulat ko lang ito sa nurse kasi hinang-hina na ako. Pero sana, mapatawad n'yo ako sa nagawa ko. Alam kong kababata ako nila Joaquin pero nagsinungaling parin ako. Pero isa lang ang maipagmamalaki ko sa iyo, na totoo lahat ang pinakita kong ugali sa'yo. Totoo lahat 'yon, pero sana maniwala ka. Siguro habang binabasa mo ito ngayon, nasa kabaong na ako at natutulog ng mahimbing. Na kailanman ay hindi na magigising. Sige na, tatapusin ko na 'tong sulat ko na pinasulat ko lang sa nurse. Mamimiss ko kayong lahat! Sana mapatawad n'yo ako..... Nga pala. kakapalan ko na rin ang mukha ko, pwedeng sa akin mo nalang ipangalan ang magiging anak mo? Kung ok lang, iyon lang. Paalam....

                                                                                                                         
Agad akong napahawak sa kamay ni Nash para may suporta ako. Feeling ko kasi matutumba na ako at mahihimatay. Patay na talaga s'ya, ni hindi ko manlang s'ya nakita bago s'ya mamatay. Ni hindi ko manlang s'ya nakausap o nahawakan. Ni hindi ko ako nakapag-habilin sa kanya. 

"S-si Patricia, pa-patay na talaga s-s'ya..." Pinilit ko paring hindi pumiyok habang nagsasalita. 

Akala ko, magiging ok na kaming lahat. Na masaya kaming lahat, na walang mawawala at magkakasama parin kami hanggang sa huli, pero hindi parin pala. 

Sa aming mag-kakaibigan, si Patricia yung palaging nag-papasaya sa amin. Yung nagpapatawa sa amin, yung laging masasandalan namin kapag may problema kami. 

Pero ngayon, iniwan n'ya na kami. Wala na talaga s'ya. Ni hindi ko naisip na mangyayari ito, na pwede palang mangyari ito. 

Hindi ko maisip na wala na s'ya, paano nalang kami? Sino nalang yung mag-papatawa sa amin kapag feeling namin katapusan na ng mundo? 

Wala na, wala na yung babaeng nakasama namin kahit isang taon lang. 

Wala na si Patricia...

I'll never forget you, Patricia, and i'll forgive you. Goodbye, Patricia.....


___________________

Diba, maikli lang? Anong masasabi n'yo? Nilagyan ko s'ya ng special chapter kasi diba nawala s'ya bigla sa scenes? 

Leave comments guys! Salamat talaga sa inyong lahat!

~Ann

Revenge Is MINE (Nashlene & Sharquin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon