Special Chapter 3 : Her Mood Wings

1.1K 28 4
                                    

Bale, flashback po ang chapter na ito. Enjoy Reading! ^_^

PS : Maikli lang po ito :)

_______________

Nash POV 

"Nash... Nash gising! Uy! Gising!" Nakaramdam ako ng may umuuga sa akin kaya napabangon ako. 

"Ano 'yon?" Nakapikit kong sabi. Inaantok pa ako, anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa ang daming hinihingi ni Sharlene na mga weird na pagkain. 

"Ahmm.... Gusto ko kasi ng langka na may asukal at suka. Tapos gusto ko rin ng pakwan na may durog na paminta at siling labuyo." Pumapalakpak na sagot n'ya. Eto na naman po kami sa mga weird na pagkain na gusto n'ya. 

"Pwede bang bukas nalang inaantok pa kasi ako, Asawa ko eh." Nakapikit na sabi ko. 

"Sob.. Hindi sniff... Mo sob... Na ba sniff ... Ako sob... Mahal?" Napadilat ako kaagad ng marinig ko ang paghikbi n'ya, sh*t! Umiiyak s'ya!

"A-ano A-asawa ko, sorry sorry, s-sige bibili n-na ako ng pagkain m-mo, ba-basta 'wag k-ka ng u-umiyak." Kalmado pero natatarantang sambit ko. Hindi s'ya pwedeng umiyak, baka makasama 'yan sa Baby namin!

Tumigil naman s'ya sa pag-iyak at pumalakpak. "Yehey! Ang bait-bait talaga ng Asawa ko! Hihi. Ang gwapo-gwapo pa!" Sabay kurot n'ya sa magkabilang pisngi ko at tumawa. Pagkatapos ay niyakap n'ya ako ng mahigpit. 

"Ang lambot-lambot talaga ng asawa ko. Para kang teady bear hihi. Gusto ko, habang buhay kita yakap. Kaso gusto ko na ring kumain eh, kaya shoo! *Bitiw sa yakap at tulak kay Nash kaya nahulog ito sa sahig* Bilhan mo na ako bilis!" Masungit na utos ni Sharlene. 

Hay nako, nagbago na naman ang mood n'ya. Sayang, akala ko hindi na n'ya ako pabibilhin ng pagkain at yayakapin n'ya nalang ako kaso tinulak pa ako. Tsk, hirap talaga kapag may mood wings ang asawa. 

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na sabay labas ng kwarto namin. Ilang buwan na rin akong puyat dahil anong oras na akong nakakatulog dahil sa binabasahan ko pa si Sharlene ng mga kwento bago s'ya matulog, wala eh 'yun ang gusto ng asawa ko. Pero kahit ilang taon pa akong mapuyat at mapagod sa pag-aasikaso sa kanilang mag-ina ko, ok lang. Dahil mahal ko sila at mahalaga sila sa akin.

Bumaba na ako at dumiretso na sa kusina. Kinuha ko na ang asukal at suka tsaka paminta at siling labuyo. Magpapabili nalang ako sa sekretarya ko ng langka at pakwan.

Inilagay ko na iyon sa lamesa. Pumunta ako sa may sala at dinial ang phone ng Sekretarya ko para magpabili ng langka at pakwan. Laging ganito ang scenario namin sa madaling araw, ihahanda ko na ang mga karaniwang pampalasa/pagkain na nandito sa bahay at tatawagan ko ang sekretarya ko upang bumili naman ng mga prutas o gulay na wala dito. 

Dati, ayaw pa ng sekretarya ko na sundin ako. Hindi na naman daw kasi office hours kaya hindi n'ya daw ako susundin, pero nung sinabi kong may bonus s'ya buwan-buwan hanggang sa makapanganak si Sharlene, ayun pumayag rin. 

Makalipas ang mahigit 30 minutes ay dumating na ang sekretarya ko at binigay na sa akin ang pinabili ko. Pinauwi ko na rin s'ya kaagad dahil baka hindi na s'ya makapasok bukas dahil 3:00 na ng madaling araw. 

Kaagad ko namang hinanda ang pagkaing gusto ni Sharlene, pagkatapos ay agad din akong umakyat sa taas dala-dala ang tray na puno ng mga pagkaing gusto n'ya. 

Pumasok na ako sa kwarto at nakita ko si Sharlene na nasa may terrace ng kwarto namin at nakatingin sa kalangitan. Ibinaba ko muna ang tray na dala ko sa may lamesa at pinuntahan s'ya. 

Binuack hug ko s'ya at isinandal ang ulo ko sa balikat n'ya. "Nandun na po yung pagkain n'yo, Mrs. Aguas. Kumain ka na." Malambing na sambit ko. 

Humiwalay s'ya sa akin at humarap. Tumingin s'ya ng diretso sa mga mata ko at ganun rin naman ako sa kanya.

"Nash, sorry ha. Alam kong nahihirapan ka na dahil sa mood wings ko tsaka sa mga weird na pagkaing gusto ko, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko eh. Ganun kasi talaga kaming mga babae kapag buntis. Sorry talaga, sorry kung nahihirapan ka na." Bigla nalang pumatak ang mga luhang kanina n'ya pa pinipigilan habang nag-sasalita. Agad ko s'yang niyakap.

"Sharlene naman, 'wag mong isipin 'yon. Ginagawa ko naman ito para sa Baby natin at sa'yo. Kaya kahit ilang taon o dekada pa ako mahirapan basta para sa inyo. 'Wag mo ng isipin 'yon, ok? Mahal na mahal kita..." Humiwalay ako sa yakapan namin at hinalikan s'ya sa noo. 

"Mahal na mahal rin kita. To infinity and beyond?" Tanong n'ya. 

Kahit na inulit n'ya lang ang tanong na 'yan. Sasagutin ko parin ng iisang sagot.

"To infinity and beyond, Mrs. Aguas...." 


______________________


Anong masasabi n'yo guys? LEAVE COMMENTS! 

Abangan po ang author's note and etc. Pati ang about sa BOOK 2! ^__^ SALAMAT PO SA LAHAT NG SUMUPORTA! 

~Ann

Revenge Is MINE (Nashlene & Sharquin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon