OMG!!!!! Eto na talaga! #EpilogueisTheNext
____________
*MAKALIPAS ANG TATLONG BUWAN*
Sharlene's POV
Nakatapos na kami ni Nash ng High School, malaki na rin si Baby Shina dahil 1 year old na s'ya.
Nagli-live in na rin kami ni Nash. Pero hindi pa kami kasal.
Pero ang masaklap, naging cold na s'ya sa akin simula nung nag-live in kami.
Kahit ako, hindi alam ang gagawin. Ayoko naman sanang isipin na may iba s'yang babae pero sumasagi talaga 'yon sa isip ko.
"Sweetheart, baon mong lunch oh." Sabay abot ko sa kanya ng lunch box na may lamang ulam at kanin na niluto ko.
Sabado ngayon pero may pasok s'ya.
"Hindi na, magpapa-order nalang ako. Sige na, kailangan ko ng umalis." Sabay kiss n'ya sa pisngi ni Baby Shina na ngayon ay tulog at labas na ng bahay.
Napabuntong hininga nalang ako at nilagay sa lamesa yung lunch box n'ya. Sayang lang yung niluto ko.
Buti pa si Baby Shina, kahit tulog may goodbye kiss. Samantalang ako, wala. Ni-hindi n'ya manlang ako tinawag sa indearment namin. Ni-hindi manlang s'ya nag-paalam sa akin.
"Mukhang problemado ka ah" napatingin naman ako sa may pintuan. Si Kuya JD pala.
"Pasok ka Kuya" umupo naman s'ya sa sofa. Tumayo naman ako at tinabihan s'ya.
"Kuya, sa tingin mo ba, may ibang babae si Nash?" Tanong ko. Alam ng pamilya ko ang tungkol dito pero kay Kuya JD ko lang talaga sinasabi ang lahat.
"Hindi ko rin alam Sharlene. Hindi ko naman kasi masasagot 'yan eh. Mukhang wala akong maipapayo sa sitwasyon mo ngayon" malungkot na sambit ni Kuya.
Napabuntong hininga nalang ako at napayuko. Ramdam ko na rin ang pagtulo ng mga luha ko.
"Kuya sniff pano kung sob may ibang sniff babae si sob Nash?" Ramdam ko ang paghimas ni Kuya sa likod ko.
"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Agh! Wala talaga akong maisip na maipayo sa'yo!" Inis na sambit n'ya.
Pinunasan ko ang mga luha ko, magsasalita pa sana ako ng bigla akong naduwal.
Agad akong nag-tatakbo papunta sa may lababo at sumuka. Nahihilo na rin ako..
"Anong nangyari sa'yo Sharlene? Ok ka lang ba?" Bakas sa boses ni Kuya ang pag-aalala.
Mahigit isang buwan na rin akong ganito, nasusuka pero wala namang sinusuka minsan. Palagi rin akong nahihilo.
"Ok ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"
Buti pa si Kuya, nandito s'ya palagi para sa akin....
"Kuya...." At bigla nalang nag-dilim ang lahat.
Nagising ako ng nasa puting kwarto ako. Nasa ospital ako?
"Gising ka na pala" napatingin naman ako sa tabi ko.
"Kuya, bakit nandito ako? May sakit ba ako?" Takang tanong ko. Ang naalala ko lang naman, sumuka ako tapos nahimatay ako..
"Hindi, normal lang daw yan" sabi ni Kuya. Pero bakit parang hindi ko mainitindihan ang reaksyon n'ya?
BINABASA MO ANG
Revenge Is MINE (Nashlene & Sharquin)
FanfictionKINDLY READ THE IMPORTANT ANNOUNCEMENT ON THE LAST CHAPTER OF THIS BOOK. AGAIN, IT'S IMPORTANT. Thank you :) [COMPLETED : 11/26/14 ] [UN-EDITED.] This work is FULL OF WRONG GRAMMARS AND TYPOS. Sorry po, pagpasensyahan n'yo na dahil ito ang 1st sto...