Chapter 18-Greatest Nightmare

223 14 2
                                    

Dana's pov:

Napahikab naman ako, waaahh! Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Sila kasi! Kasalanan nila eto. Yan tuloy.... ang aga pa naman kaya inaantok pa ako. 6:30 am pa ng umaaga. Wala pa naman tao eh so magkakape muna ako. Kumuha muna ako ng plastic cup at sachet ng kape then kumuha ng mainit na kape.

Inimixed naman ko eto. Hays, kamusta na kaya si Daniel. Maglilimang araw na nung umalis siya ng walang paalam. Galit bah siya? Aish! Nung makasigurado na akong malamig na ay dun ko na eto zinip. "Good morning Dana!" bati ng pamilyar na boses, napatingin naman ako at naibuka ko kaagad yung kape sa bibig ko.

Pwe! Ano bah ang ginagawa nila dito?! Tama, NILA!!! nandito silang lahat. "Bakit kayo nandito?!" takang taka kong tanong. "Bakit sayo bah toh? Atsaka bibili kami ng drinks" sabay lapag ng mga energy drinks nila at ngitian lang ako except nina Chad and Raven. Tch, tama naman siya Dana. Tanga mo rin eh.

Nilinis ko naman yung desk bago ko ginampanan yung trabaho ko. "250 lahat SIR" diniin ko talaga ang sir. "Here (sabay abot ng 300) just keep the change" sabi ni Leo at kinuha na nila isa isa yung mga drinks nila at dito uminom ng drinks nila. Wala bah silang planong umupo?! Tch.... mga childish tsk.


|Fast Forward|


Hapon na, at andito pa rin sila sa 7/11. Grabeh, dito bah sila para tumambay o bantayan ako? Hindi naman ako bata na tatakas basta basta dahil grounded ako tch. Dumating naman ang papalit ng trabaho ko. Hay, salamat naman. Lumabas naman agad ako sa store. At ramdam ko na sumusunod pa rin yung apat. Nilingon ko naman sila. "Ano bah?! Ba't bah kayo buntot na buntot sa akin?! Your not my tail!!! Kaya please stop following me" inis na sigaw ko.

"Wow kapal din ng mukha ni ate. Siya pa ang may ganang magalit eh ang suwerte suwerte kaya niya dahil may apat na lalake na hulog ng langit ang sumusunod sa kanya tch. Akala naman niya, maganda siya" sabi ni ate. Ewan ko bah kung nagpaparinig bah siya o bulong yun.

Hiyang hiya naman ako sayo ate. Eh kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ko. Tch, di mo kasi alam ang lahat kaya wag judgemental. Hindi ko na lang siya pinansin. Baka may gulo pa ang mangyayari, mahirap na. Tinignan ko naman silang apat at anong ngiting ngiti ni Leo. Eh kasi yung ngiti niya mapangasar. Tch.

Nung makaalis yung babae ay binelatan ko siya para sa ganon makaganti naman ako noh. Napatingin naman ako sa kanila at tinawanan ako? Seriously?! Anong nakakatawa sa ginagawa ko? "Ba't kayo tumatawa aber?" sabay taas na kilay na tanong ko. "Wala" tipid na sagot nina Leo at Eric habang sina Chad at Raven Childish ang sagot nila. Grabeh noh, magpinsan talaga sina Chad at Raven.

Fine. Childish na kung childish. As if I care anyway. Total buntot na buntot sila sa akin. How about samahan nila ako magenjoy sa park total boring naman dibah? "Fine. Kung palagi kayo buntot na buntot sa akin. How about samahan ninyo ako mamasyal" sabi ko at ngumiti ng malapad na ngiti.

Kahit hindi pa sila nakakasagot ay agad ko naman hinila sina Chad at Raven. Alam kung kasi na hindi sila sasama. Kaya inunahan ko lang dibah 😏😏😏😏. Agad ko naman sila dinala sa park. Medyong maraming tao kasi sunday ngayon. Nakita naman akong may swing na available at tuwang tuwa naman ako kasi nakakamiss na kaya magswing dibah. "Don tayo sa swing. Bilis!" excited na sabi ko.

#Wattys2019VAMPIRE'S KNIGHT 2: MEMORIES OF LOVE(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon