Chapter 27-Chad in Danger

132 9 0
                                    

Dana's Pov:

Waaaaaaahhh!!!!!!
Namiss ko talaga tong tao na to!!!!
Pero teka may atraso pa to sa akin.
Kumalas naman ako sa pagyayakap sa kanya at ngumiti sya ng bahagya. Jusko! Parang gumagwapo na naman tong mokong nato. And in one snap binatukan ko sya ng kay lakas. Yung mapapa-aray sya.

"Araaaaaaay! Bakit mo naman ako binatukan?! "sabi niya habang nanglilipit sa sakit. Kitams? Sabi ko sa inyo eh wahahahaahha "May kasalanan ka pa sa akin. Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka pala agad agad? Huh? Ang sama mo! "tampo kung sabi sa kanya.

"Tch, tampo agad? Kakarating ko lang dito tapos hahampasin mo lang ko? Di ba sinabi ng butler ko na aalis ako kaagad kasi may emergency meeting sa New York kaya hindi na ako nagpaalam sayo"pagpapaliwanag niya. But still- di man lang tumawag o nagchat tch.

Pinagpatuloy ko pa rin yung tampo ko kahit sa totoo lang trip ko lang talaga ang magtampo ahahaha. "Wag ka ng magtampo sa akin. Bumalik naman ako ha. Binalikan nga kita agad as soon na natapos na yung tungkulin ko dun sa New York"

Waw naman! Kung makasabi naman na bumalik agad, ano ako girlprend mo? "Atsaka alam mo ba yung kasabihan na hindi lahat ng umaalis ay babalik at hindi lahat ng iniiwan ay maghahabol. Pero look at me right now....binalikan kita kasi mahal kita. Alam mo naman na para ng kapatid ang turing ko sayo"sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Oh, ano ka ngayon Dana? Nga-nga? "Ano bah! Wag mong guluhin ang buhok ko! Tch"sabi ko sa kanya habang inaayos ko yung buhok ko.
"Okay. Fine. By the way may ireregalo ako sayo. Binilhan talaga kita nito sa New York para may pasalubong ka pero since nagtatampo ka naman peace offering ko na lang din ahahaha. Don't worry masarap yan. Galing pa yang New York. Imported chocolate pa yan. Dinami ko na din para kay tita"sabi niya at walang hiyang pumasok sa bahay ko. Anak Ng! Argh! Hindi ko alam kung magtathank you ako sa kanya o maiinis dahil pumasok lang agad sa bahay ko.

O-M-G! Nakalimutan ko pala na ang dumi ng bahay ko. Madaming kalaaaaaaaat!!!! Pumunta agad ako sa living room at don na ako nagsimula mag-ayos ng kalat habang sya walang hiyang tinignan ang bahay ko.  Gago bah to? Ang lakas ng loob na pumasok sa bahay ko?!

Teka nga Daniel dahan dahan ka naman sa pagtingin sa mga kwarto at baka may makita kang kababalaghan dyan at ako pa ang Mapahiya ng lubos.  "Wow Dana di ko pala alam na ang hilig mo pala sa mga blue bra at infairness ang cute ng sponge bwahahaha"sabi niya habang nasa pinto ng kwarto ko at tinignan yung nasa loob ng kwarto ko.

😲😲😲😲😲😲

😫😫😫😫😫😫😫😫😫

PUTANGINAAA!!!!!!


Kakasabiiiii koooo laaaaang eeeehhh!

Nakita nyaaaaaa!!!!!

Eh kasi naman nagliligpit ako ng mga damit ko sa closet kasi ang kalat at nakalimutan kung ipasok sa closet ko. Agad naman ako umakyat ng room ko at agad ko sinira yung pinto ko. "Ano ka ba?! Wag ka nga pumasok sa kwarto ko! Alis syoh! "sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako pumasok ha. Atsaka ang gwapo ko naman na para maging aso lang"sabi niya. Tch. Ang yabang talaga."Wala akong pakialam basta umalis ka dito. Alis! Bumaba ka nga na"inis kung sabi. Napatawa na lang sya at bumaba na sa baba. Tch. Kainis!

Leo's pov:

"596...597....598...599...600"pagbibilang ko habang naka push-up. Ang hirap talagang magpagwapo para manatili yung figure mo. Napagisipan ko naman na huminto muna sa pagpupush-up at magpahinga ng saglit. Umupo ako sa upuan at kinuha yung tuwalya sa side table at pinahid sa mga pawis ko. Sakto naman na dumating si Matt.

"Matt, nakita mo ba sina Eric at Chad? Kanina ko pala sila hindi nakikita"tanong ko sa kanya. "Aba malay ko. Hindi naman ako guwardya nila para bantayan sila palagi"sabi niya at nagsimula ng mag ensayo. Wow, ang galing! Nahawa yata to ni Chad sa pagkapilosopo. "Siguro nahawa ka na yata ni Chad sa pagkapilosopo. Nagtatanong lang yung tao eh"sabi ko.  "The question is, tao ka ba? "sabi niya sabay smirk.

Aba! Aba! Aba! Basagin ko kaya yung bunganganga mo para di ka na makapagsalita pa tch. Dumating naman si Eric..... "Saan ka galing? Nasan si Chad? Nagkita ba kayo?"tanong ko.  Kita naman sa mukha ni Eric ang pagkaalala. Umupo naman sya sa upuan.  "Oh ano, nakausap mo na ba si Chad? "curious kung tanong sa kanya.

"yes"tipid niyang sagot.  "and? " tch, pabitin din tong lalakeng to.  "Pakiramdam kung nagsisimula na syang ma sense na may tinatago tayo sa kanya. The way he acts earlier..... And I think nagsisimula na syang makaalala. Hindi niyo ba napapansin na para bang palagi na lang masakit yung ulo niya kung minsan naman lutang o may nagpapapagabag sa kanya"sabi ni Eric.

I think he's right. Palagi na lang ang pagkasakit ng ulo Niya and the way he acts these past few days parang hindi na malaki yung tiwala niya sa amin. Kailangan ko makausap si Chad.

Baka alam na niya. Remember nung naguusap kami tatlo nina Eric and Matt about nina Dana and Chad and then  napansin kong bukas yung pinto na parang may nakikinig sa amin kanina but Im not sure kung may tao bah. At malakas ang hinala ko na si Chad yun kaya dapat ko sya makausap.

Chad's pov:

Nasan ako? Nagkamalay na ako simula nong may umatake sa akin sa gubat. Hindi ko alam kung saan ako pinadpad ng mga halimaw nato. Heto ako nakakandado. The worst part yung kamay at paa ko pa ang gikapos ng isang bakal. At hindi lang ito isang ordinaryong bakal. Bakal ito para sa mga bampira. Tch. Tinignan ko naman ang lugar. Isang madilim na kwarto ako napadpad.

Bigla naman may dumating ng mga masasamang bampira at isang bampira na kinamumuhian ko din. "Long time no see Chad. Did you miss me? "malademonyong sabi ni Mark. Yung pinsan ni Max tsk.

"yah, namiss kitang gulpihin"sabi ko at nagsmirk.  Bahagya naman sya tumawa ng pa evil. "Ano na naman ba trip mo at inistorbo mo ko sa gubat"tanong ko sa kanya. "You will know later "sabi niya. "Wag kang atat okay. Sooner or later susunod ka din sa gusto Ko whether you like it or not ahahaha"sabi niya at nagsmile ng pa evil.

Tch. Anong ibig sabihin niya? Is he joking? That would never gonna happen. Napatawa naman ako. What a joke. Bigla naman pumasok yung isang alipin na bampira at may dala dalang isang injection. "oh, andito na pala to" sabi niya at kinuha yung injection sa babae na bampira at dahan dahan na lumapit sa akin.

Masama ang pakiramdam ko sa gagawin ng mokong ito. Gumawa naman ako ng paraan para makalabas pero parang sinasaktan ko lang yung sarili. Nasusugatan na ako at tumutulo na yung dugo sa mga paa at kamay ko. "Hold still Chad Santiago mabilis lang ito"sabi niya ng makalapit na sya sa akin.  "Don't you dare Mark. Im warning you"banta ko sa kanya.

Ngumiti naman sya ng malademonyo at tinusok sa may right neck ko.  Napangiwi ako sa sakit.  "Well, I just did"sabi niya at nagsmirk. Argh! This is so weird. Arghhhhh!  May nararamdaman akong kakaiba. Anong klaseng gamot ang tinurok niya sa akin?!Arrrrrggghhhh!  Mahapdi na masakit at ang naririnig ko lang ang tawa ni Mark ng malademonyo.

"Aaaaaaaaaahhhhhh!!!! "sigaw ko and then everything went black.

************************************
Hi guys!
Long time no see
Im baaaackkk!!!!
Ahahahaha btw thank u talaga for still supporting my story
And sorry to the highest level for super duper to the highest level late UD
Ahahahahah
I hope u like this chapter
Sorry sa type errors and grammars
Enjoy and till next UD.....

#Wattys2019VAMPIRE'S KNIGHT 2: MEMORIES OF LOVE(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon