Chapter 34-Expose behind the Hoodie

186 8 6
                                    

Dana's pov:

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Pinatay ko naman yung ingay at tinignan yung oras

Time Check

6:01pm

Gabi na pala hahayss. Nakaidlip pala ako saglit sa kama. Hahaysss nagaalarm kasi ako tuwing alas 6 kasi out ko na yun sa trabaho. Tinignan ko naman yung kisame ng matagal. Hahaysss gusto ko ng makausap si Chad. Tawagan ko kaya ulit si Eric. Nagkagat labi muna ako bago nagdial muli. Bigla naman ako nagulat na may narinig akong nagring sa kwarto ko. Hinanap ko kung saan galing yung ingay at andon sa may terrace. Pumunta naman ako don pero wala akong makita.

Nung lumingon ako pabalik sa kama ko ay napatalon ako sa takot at napahawak sa dibdib ko. Eh kasi naman bigla na lang sumulpot sina Eric, Raven at Leo. "Ano bah kayo, wag nga kayong manggugulat. Aatakehin nyo ko sa takot eh" sabi ko sa kanila habang pinapakalma ko yung sarili ko. "Totoo ba Dana na naalala mo na lahat?" tanong ni Leo sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at ngumiti. Pero bagkus pa din sa kanila na ayaw nilang maniwala. Naparolled eyes naman ako. Hahaayss. "Oo naalala ko na lahat. Simula sa unang pagkikita at pagkilala natin hanggang sa huling laban ninyo ni Chad kay Max. At yung spider tattoo, at yung fairy na nagbigay sa akin ng isang pagkakataon para buhayin si Chad kahit... kapalit nito ang mga alaala namin ni Chad" malungkot kong detalye sa kanila.

"Pero ang importante ay nakaalala na ako at alam kung hindi pa ako naalala ni Chad. At gagawin ko ang lahat para maalala niya ako muli. Alam kung nakalimutan na niya ako pero sa puso niya kailanman hindi niya ako makakalimutan" pagpapagaan ng loob ko. Ngumiti naman ako sa harap nila. "Teka nasan ba si Chad. May ginagawa ba siya? Puwede ko ba siya makausap kahit saglit lang. Kahit suplado yun kaya kong e handle yung attitude niya ahahaha" sabi ko tapos bigla nawala ang ngiti ko ng mapansin kung malungkot ang mga expression nila at si Raven walang emosyon na pinapakita.

"Bakit? May nasabi ba akong masama?" Takang tanong ko. Ba't ayaw nilang umimik? Kahit isang salita walang lumalabas sa bibig nila. Kinabahan naman ako. Sana hindi tama yung hinala ko. "Eh kasi Dana, 4 days na hindi nagpaparamdam si Chad sa amin. Bigla na lang siya nawala bigla pero huwag kang magalala. Pinapahanap na namin siya sa mga kalahi namin para mapabilis yung paghahanap sa kanya" sabi ni Leo. Whaatt?! Para naman ako nabagsakan ng lupa sa narinig ko. Nawawala si Chad? Baka may nangyari ng masama sa kanya?

Parang ayaw ko pa rin e digest yung nalaman ko. "Huwag niyo nga kayong magbiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa" sabi ko sa kanila. Ayaw kong maniwala. Sa hindi inaasahan ng pagkakataon ramdam ko ang pagyayakap ni Eric sa mga bisig niya. "Don't worry Dana. We will find him no matter what"pagcocomfort ni Eric sa akin.

#Wattys2019VAMPIRE'S KNIGHT 2: MEMORIES OF LOVE(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon