Chapter 23-Stand Out

185 8 0
                                    

Dana's pov:

"Surprise!"

O-My-G!

"Ma?! " Hindi makapaniwala na tanong ko. Totoo ba to, andito si mama? akala ko kasi next month pa siya uuwi. "Oh bakit naman ganyan ang reaction mo? Hindi ka ba masaya na sinuprise kita?" Tanong ni mama na para bang nagtatampo. "Ah eh-" naputol yung sasabihin ko ng biglang sumigaw si Leo.

"Dana baka luto na tong niluluto mo. Gutom na ko!" Sigaw ni Leo. PAtay! Hindi ko pa nasasabi kay nanay na may bago akong mga kaibigan. And the worst mga lalake pa talaga! "Sino yun?" tanong ni mama sa akin. "Ah ano.... si-" hindi na ko nakatapos sa pagsasalita ng pumasok agad si mama. Yare ako nito! Andito pa naman si Eric. Nakakaloka naman! Agad naman ako sumunod kay mama.

"Dana bakit ka nata-tita?" para naman nagulat si LEo ng makita niya yung nanay ko. Bakit nagagandahan bah siya kay nanay? Subukan lang niya. Suntok ang una niyang makuha sa akin. Pero bakit niya tinawag si mama na tita. Close sila? *note the sarcastic tone*

Bigla naman siniko ni Raven si Leo. "Sino ka? Sino kayo? Ba't mo ko tinawag na tita? Are we that close? At bakit kayo nandito sa pamamamahay ko? Dana, ano to? Sino sila? "tanong agad ni mama. Seriously ma? Ang Daming tanong. "Ah ano ma.. sina Leo, Raven at Chad. B-Bago kung kaibigan" nauutal na saad ko kay mama.

Ang mukha ni mama parang hindi mo maintindihan kung galit ba o masaya. Bigla naman lumabas si Eric sa CR at halatang gulat na gulat nung makita niya si mama. At si mama naman gulat na gulat din. "Eric?!" hindi makapaniwala ni mama ng makita niya si Eric. "Umm... tita" bati naman ni Eric na parang kinakabahan. Tinignan naman ako ni mama ng masama. "You should explain this Dana. Go to your room" utos ni mama.

Tinignan ko naman ang mga boys at senenyasan ko naman sila na ako-na-ang-bahala-kay-mama look. Pumunta muna ako sa stove para patayin yung apoy. Mamaya ko na lang to lulutoin. Bumulong naman ako kina Leo na "sorry" at agad ako umakyat sa taas.

Eric's pov:

Kinakabahan ako, alam kung galit pa si tita sa akin. Seryoso pa rin si tita. "Tita, wag po kayong magalit kay Dana. Magkaibigan lang po kami. Alis na po kami" sabi ko at senenyasan sina Raven, Leo at Chad na umalis na. Aalis na sana kami ng magsalita si tita. "BAkit ka pa nagpakita? Hindi ako naniniwala na kaibigan ang tingin mo sa kanya. And don't you ever call me tita kasi kahit kailan wala akong nakilalang Eric sa buhay ng anak ko. Wag na kayong babalik dito sa pamamahay ko. Putulin niyo na ang ugnayan niyo kay Dana" seryosong sabi ni mama. Kahit masakit ay umalis na lang ako. I think this is not the right time to stand out with Dana's mom.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at ramdam ko naman na nakasunod sina Raven, Leo, at Chad. Nang makalabas na kami sa gate ay napabig sigh ako. Kailan kaya ako mapapatawad ni tita? "Alam mo Eric, ang harsh ng sinabi ng nanay ni Dana. Kung ako pa yun. I will stand out for myself" sabi ni Leo. "Not for now Leo. Bigyan muna natin ng oras sina Dana at Dana's mom mag-usap. Mukhang hindi pa niya nababanggit na may bago siyang kaibigan" sabi ko.

#Wattys2019VAMPIRE'S KNIGHT 2: MEMORIES OF LOVE(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon