Dana's pov:
Hmmmm... Ang sarap naman ng mga pagkain dito. Yummy! Parang delikado yung tummy ko kasi nakacrop top ako na rush guard baka di na flat eto. Hindi ko kasi kahiligan mag gym. Asan bah yun si Daniel? Sabi lang niya may bibilhin lang sya sa labas. Mas nauna kasi sya natapos sa pagkain. Hindi naman masyado madami ang nakain niya.
Nagdadiet siguro. Wahahahaha. Pwede naman siguro lumabas na muna kasi tapos na akong kumain at gusto ko magpahangin sa labas. Awieeee. Dali dali naman ako uminom ng juice at lumabas na sa labas. Ang ganda talaga ng dagat noh. No wonder kung bakit favorite place ko yung dagat. At infairness white sand pa yung buhangin.
"Here you are! "panggugulat ni Daniel sa akin. Dahil sa kanya ay nagulat naman ako. "Ano ka bah wag ka naman manggulat tch. Teka, bumili ka ng bagong sando? "tanong ko sa kanya. Eh kasi naman sinabihan ko sya sa room bago pami kumain na magbihis muna sya ng pangitaas kasi kakain pa kami eh ayaw naman niya. Gusto niya maexpose yung katawan daw niya tapos bibili lang pala sa baba. Nagaaksaya lang ng pera. Tch.
"Ang init kasi ngayon atsaka naiilang ako sa mga tingin ng mga babae pagnadadaanan ko sila"sabi niya at umiiling pa. Huwaw! Kung magkasabi naman akala mo naman hindi niya gusto tsk. "Waw, ngayon ka pa talaga naiinitan eh kanina lang natamaan na ng sikat ng araw ang katawan mo atsaka gusto mo naman na tinitignan yang katawan mo! Wag ngayon Daniel baka bumagyo. Tignan mo yung araw,ang ganda kaya wag mong sirain"sarcastic kung saad niya. Alam niyo kung anong natanggap ko? Napatawa naman sya ng bahagya.
Bakit napapansin kung palangiti ngayon si Daniel? Dahil bah kaarawan niya yun? Or naiinlove na itong mokong nato? "just forget it ahahaha let's enjoy this day na lang. Ano bah gusto mong unahin ngayon? Ummm... Gusto mo muna sa jetski? "tanong niya sa akin. Jetski? Hindi pa ako nakakasakay non atsaka natatakot ako. Hindi kasi ako marunong lumanggoy. Sa tanda kong to hindi pa din ako marunong lumanggoy tch.
Nagets naman niya na hindi pako nakakasakay ng jetski. "first time mo Noh? Ahahaha don't worry, andito ako. Hindi kita pababayaan" seryosong saad niya sa last sentence. Tapos inioffer niya yung kamay niya sa akin. "Do you trust me? "tanong niya. T-Teka! Bakit feel ko narinig ko na yan sa ibang tao? Tinignan ko naman sya at ngumiti naman sya sa akin. Napangiti naman ako. Yan talaga ang nagustuhan ko kay Daniel eh ahahaha.
Tinanggap ko naman yung kamay niya at hinawakan ko to. "I trust you"sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin at hinila ako papunta sa mga jetski. Pumunta kami sa may jetski na tumatakbo habang hinahawakan niya yung kamay ko.
|Fast Forward|
Heto na guys! Papunta na talaga kami sa jetski, nakalife jacket na ako at syempre si Daniel na din. Ang mahal pala pagsumakay ka ng jetski noh. Nakalimutan ko yung price pero grabe ang mahal. Pwede ko na yata yun bilhin ng 5O kg na bigas or should I say isang sako na bigas tsk. Si Daniel muna ang unang sumakay. Tapos nung comportable na sya sa position niya ay inioffer naman niya yung kamay niya sa akin.
At syempre tinanggap ko naman at dahan dahan din naman ako inaalalayan sa mga trabahador na naka assign sa jetski nato. "Oh ano, ready ka na? "tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya sinagot dahil mas nangingibabaw yung takot ko. Ngumiti naman sya ng bahagya. "Wag kang matakot,andito ako. Just hold tight"sabi niya at pinahawak niya ko sa may tiyan niya para bang back hug lang yung peg. Napatingin naman ako. Hindi ko alam kung pwede ba kiligin ngayon.
At yun na nga pinaandar na niya yung jetski. At wow! Ang sarap pala ng hangin. Ito naman sya nung na sense niya na parang hindi na ako natatakot ay mas binilisan niya ang pagpatakbo at sumigaw pa talaga na nageenjoy talaga siya at eto naman ako kumapit ng mas mahigpit. "Woaw! Ahahaha ano Dana, did you like it? "tanong niya nung huminto muna niya yung jetski.
"kunti"sabi ko sa kanya. "huh? Bakit naman? "tanong niya. Binatukan ko naman sya. Anong klaseng tanong niyan. "Nahihibang ka bah, sino bah hindi matatakot kung binilisan mo yung takbo eh alam mo naman na matatakutin ako"pagsesermon ko sa kanya. Tumawa lang naman siya. Oh, ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? Aish! Napatingin naman ako sa paligid. Medyo malayo layo na din yung napuntahan namin huh. Tapos maganda yung dagat at sobrang laliiiiiiim!!!!!
Napalunok naman ako. Gosh! "Bumalik na kaya tayo"pagsusuggest ko sa kanya. "Mamaya na. magswiswimming muna ako "sabi niya at nagulat ako sa ginawa niya. Hinubad niya yung life jacket niya at tumalon sa jetski. Napakapit naman ako sa upuan baka ako pay mahulog. Kahit may life jacket ako kailangan ko pa din magingat lalong lalo na hindi ako marunong lumanggoy tch.
Gago din to si Daniel eh! Aish! Kung hindi mo lang kaarawan ngayon! Kanina ka pa sa akin bogbog. Buti pa sya marunong siya lumanggoy. Eh ako? Huhuhuhu. Hindi ko alam kung ilang oras na siya nagbabad sa tubig, hindi pa bah siya pagod? Feel ko mga 1 hour na siya nagtatampisaw sa dagat at 1 hour ko din sya tinitignan ahahahahaa.
Naaaliw kasi siyang tignan eh hehehehe. Nung pagod na sya sa paglanggoy ay umahon na siya sa dagat at sumakay na ulit sa jet ski. "woohh! Ang sarap talagang maligo sa dagat ahahaha. By the way, Salamat pala Dana dahil sinamahan mo ko sa kaarawan ko"sabi niya. Napangiti naman ako. "Wag ka nga magthank you. Pero welcome na din ahahaha. Happy Birthday Daniel"greet ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng bahagya.
"Thanks"pagsasalamat din niya. Hinubad naman niya yung suot niya. Nagtaka naman ako. "Bakit mo hinubad yung damit mo? "tanong ko sa kanya. "syempre para hindi ka mabasa"sabi niya at sinuot niya yung life jacket niya. "Loko-Loko ka bah, paano kung magkasakit ka" pag-alalang tanong ko sa kanya. "Don't worry hindi ako magkakasakit"sabi niya. Huh? At paano naman sya nakakasiguro na hindi siya magkakasakit? Birthday mo naman ngayon, ayokong magkasakit ka. Aangal na sana ako ng pinaandar na naman niya yung takbo at dahil sa gulat ko ay napayakap ako sa katawan niya. Jusmiyo feel na feel ko yung wet abs niya. Hoy Dana!Wag kang lumandi ngayon! Aish! Hindi ka manyak okay. Wag mong bigyan ng meaning ang paghawak mo sa mga pandesal niya.
> ////////////////////////<
Leo's pov:
"Oh ano? Nahanap niyo ba si Chad? "tanong ko sa mga ibang bampira. Eh kasi hindi pa nagpapakita si Chad. Hindi din namin sya matrack o ma sense man yung aura niya. Pinuntahan na namin lahat ng mga posibilidad na puntahan niya. Sakto naman na nagkasalubong mi nina Eric at Raven. "Anong Balita? "tanong ko nila. Umiling naman sila. What the fudge! Saan bah nagsusuot yung hinayupak nayun.
Chad nasan ka naaaa?!
"Ipagpapatuloy natin ang paghahanap sa kanya. Wag kayong tumigil. "utos ko sa mga bampira. At pinagpatuloy na nila ang paghahanap kay Chad. Saan ka na bah Chad? Nag-alala na kami sa iyo lalong lalo na yung hari. Baka pumunta siya kay Dana, pero imposible naman dahil hindi pa naman sya nakakaalala. Tignan ko na lang kaya at baka tama yung hinala ko.
************************************
Hi guys!
Im baaaaack!!!
Hindi na masyado matagal yung UD ko at sana magpatuloy pa ito.
Hope u like this chapter
Sorry sa type errors and grammars
Hope you enjoy don't forget to vomment
Till next UD

BINABASA MO ANG
#Wattys2019VAMPIRE'S KNIGHT 2: MEMORIES OF LOVE(SLOW UPDATE)
Vampir"We May Forget The Person We Love, But Memories Stay There Forever." - Vampire's Knight 2 Quote After 5 years maraming nagbago,isa na doon ang pagmamahalan nina Chad at Dana..... Nagmahalan sila at pinaglaban ang pagmamahalan nil...