Chapter 30-Trouble

95 6 1
                                    

Dana's pov:

Andito kami ngayon sa restaurant kumakain. Restaurant sa loob ng resort. Grabe ang mahal ng pagkain. 1300 pesos per head pero buffet yung pagkain. Sulit lang sya sa mga mayayaman . Atsaka hindi ko din maintindihan ang mga pagkain dito. May ilan na hindi ko pa natitikman eh ahahaha. Eh hindi naman ako sanay sa mga pagkain mayayaman, kaya hindi masyado marami ang kinuha ko. Atsaka dapat kunti lang talaga kukunin ko at baka malait pa ako sa mga mamayaman dito. Ayaw ko naman mapahiya si Daniel noh. At nagdidiet din ako wahahahaha.

Teka lang, parang naiihi ako eh. "Umm... Daniel restroom muna ako ha"paalam ko sa kanya. "Okay. Take your time"sabi niya. Ang bagal naman kumain ng mokong to. Bahala siya sa buhay niya, malaki na sya eh. Tumayo naman agad ako at pumunta kaagad sa restroom.


Leo's pov:

Andito kami ngayon sa bar ni Raven. Hindi namin kasama ngayon si Eric kasi pinapunta namin siya sa bahay ni Dana since parang okay naman sila ng nanay nila at matanong kung pumunta ba don si Chad. Its been 3 days since hindi pa namin sya mahanap. Like hindi naman niya ugali hindi magpakita unless may nangyari sa kanya ng masama.

Hindi naman kami nag alala sa kanya kasi malaki naman sya,hindi na sya bata at kaya na niya yung sarili niya. Yung hari lang ang masyado nag alala sa kanya kasi sya lang naman nag iisang anak ng hari at ayaw niya itong mawala sa kanya kagaya ng nanay niya. Overprotective kung baga. Nakita naman namin na paparating si Eric sa amin.
"oh,Kamusta? Dumaan ba don si Chad? "tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Atsaka wala din don si Dana"balita niya sa amin. Huh? Wala don si Dana? "Ano? Wag mong sabihin na nawawala din si Dana? " shock kung tanong kay Eric. "Hindi. Nagbakasyon daw kasama ang kaibigan niyang lalake. 3 days outing at hindi naman alam ni tita kung saang lugar sila nagbakasyon tch" nakasimangot niyang sabi tapos agaw ng beer ko at uminom. Napatawa naman ako ng bahagya.

"Mukhang may kaagaw na kayo ni Chad kay Dana ha. Tanda ko pa na don din nagsimula sa friendship yung pag-ibig ninyo kay Dana ahahaha"insulto ko kay Eric. Sinamaan naman ako ng tingin ng mokong ito. Wahahahaha. "Don't take it serious. Nagbibiro lang ako wahahaah"sabi ko sa kanya at ti-nap ko sya sa shoulder. Napatingin naman ako kay Raven. para ding galit si Raven. Hmmmm... I smell something jealousy. Don't tell me na may pagtingin din si Raven kay Dana? Imposible naman noh? Pero pwede naman impossible ahahahaahah. "Okay lang yan. Sige mag-inoman na lang tayo. Bro, bigyan mo pa nga kami ng mga beers"sabi ko sa bartender.

Daniel's pov:

Tagal naman ni Dana magrestroom. Mapuntahan ko nga sa restroom at baka natatae na yun. Tumayo naman ako at lumakad na papunta sa restroom na napamulsa ng may bumanga sa akin at natapon yung drinks sa damit niya at sa damit ko. "What the hell! Bulag ka bah?! Tignan mo ang ginawa mo?! "mura ng mokong ito. Tch. Bulag? Eh ikaw nga ang bumangga sa akin eh? Gago ka!

"I'm Sorry okay.... And by the way it's not my fault. ikaw ang unang nakabangga sa akin and quits lang tayo kasi nabasa mo din yung damit ko. Well, if you excuse me- "kalma kung saad sa kanya at lalagpasan ko na sana sya ng hinigit niya ako pabalik. Tinignan ko naman yung kamay niya na hawak pa din yung braso ko. At tinignan ko sya ng paangas.


#Wattys2019VAMPIRE'S KNIGHT 2: MEMORIES OF LOVE(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon