Ang Panibagong Simula

991 40 2
                                    

Pagsasalaysay

Lumulubog ang araw, nag-iiba ang kulay ng kalangitan at dahan-dahang nilalamon ng kadiliman ang liwanag.

Isang nilalang ang nakaupo sa ibabaw ng bangin habang sa kaniyang ibaba ay naroroon ang nagkikiskisang alon sa karagatan.

Kulay itim ang kaniyang kasuotan, mula sa kaniyang damit pababa sa kaniyang bota. Ang kaniyang nangingislap na kulay gintong mga matang tila uhaw na puyo sa katubigan.

Malayo ang kaniyang tingin at tila abot niya ang hangganan ng buong Irebus, tila pinagmamasdan niya ang bawat nilalang sa paligid...

Hindi man nakikita ng ordinaryong mga mata, sa kawalan ay kaniyang tanaw na tanaw ang mga kaluluwa ng mga halaman, hayop, mga buhay na organismo at mga palipad-lipad na espiritung walang katawabg sisidlan, sasabay-sabay sa ihip ng hangin, sila ang kaluluwa ng mga yumao...

Sino nga ba siya?

Siya lang naman ang Diyos ng planetang ito, ng Irebus, si Dravius, taglay ang kapangyarihang lumikha at sumira.

Matagal na panahon na ang lumipas, dalawampung taon na ang nakararaan at sa bawat pagpatak ng segundo ay walang ginawa si Dravius kundi ang pagmasdan ang lahat...

Dalawampung taon siyang nakaupo sa ibabaw ng bangin habang pinag-aaralan ang takbo ng Irebus, ang lahat ng bagay sa Irebus, ng mundong maituturing na kaniyang pagmamay-ari.

"Kung ganoon ay ganito pala..."

Sa wakas. Sa loob ng dalawampung taon ay muling buka ang kaniyang bibig. Sa loob ng dalawampung tapng katahimikan ay muli siyang nagwika.

Umukit sa kaniyang labi ang isang pilyong ngiti at sa isang idlap ay nabalot ang kaniyang buong katawan ng kulay gintong liwanag na may bahid ng itim na usok saka siya naglaho...

Sa isang tahimik na bahagi ng Irebus ay isang nakakubling kweba ang naroroon, at sa likod ng kadiman ay dalawang kaluluwa ang palutang-lutang...

Ang isa'y tahimik at malayo ang tingin habang kasalungat nitoa ang isang nagpupuyos sa galit...

"Ako'y lalaya, kayo'y muli kong magagapi... Ahh!"
Sigaw ng itim na kaluluwa. Habang pumapadyak-padyak sa ere.

"Ano ba Silverius, ayaw mo bang makalaya!?"
Inis na tanong ng itim na kaluluwa sa kumikislap na usok sa ibaba... Ngunit tanging katahimikan ang sa kaniya'y itinugon...

"Ahh! Nakakainis!"

---

"Kumusta?"
Mula sa isang sulok ay isang ilaw ang biglang lumitaw, si Dravius.

"Ilang taon na nga ba? Dalawampu?"
Saad ni Dravius habang hindi alintana ang bugnot na si Goldur.

"Kumusta kaibigan?"
Nakangiting tanong ni Silverius aa bagong dating na si Dravius.

"Ang mundo'y payapa na... Maayos na pamumuhay ng magkakaibang lahi at kagaya ko noon, maraming hybrid ang isinilang..."
Dravius.

"Hmm... Ngunit nasira ang balanse ng buhay at kamatayan... Ang mahabang buhay ng bawat nilalang ang dahilan kung bakit hindi pa ito napapansin ng mga nilalang... Ang mga kaluluwa, ang muling pagkakatawang tao, maraming halaman at kagubatan ang namamatay dahil sa patuloy na pagdami ng isinisilang..."
Malungkot na aaad ni Dravius.

"Ahh..."
Tila hindi alam ng magkapatid na Silverius at Goldur ang kanilang sasabihin kaya patuloy lamang silang nakikinig.

"Ngunit aa palagay ko, matatapos na ang lahat..."
Saad ni Dravius...

"Masiaira na ba ang Irebus?"
Tanong ni Goldur.

Oo at siya'y puno ng kasakiman, ngunit kahit kailan ay hindi niya naisip na sirain ang mga buhay, ang kaniyang daigdig. Ang kaniyang mga hangarin ay pamunuan ang Irebus tungo sa tingin niya'y makakapagpabuti rito.

Ardon (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon