Cultivation o Paglilinang

329 27 2
                                    

Pagsasalaysay

Kailaliman na ng gabi, sa isang silid ay pikit-matang nakalumpasay sa ibabaw ng kama ang isang nilalang habang napapalibutan siya ng misteryosong ilaw na may iba ibang kulay, kung pagmamasdang maigi ay mapagtatantong ang mga nagsasayawang ilaw o mas tamang ilarawan bilang inerhiya ay pumapasok sa loob ng katawan ni nilalang, ang nilalang na ito ay si Dravius.

Matiwasay na lumipas ang una't nakakapagod niyang araw sa panuluyan ni Lufeng. Wala naman siyang ginawa kundi ang magbuhat ng kung ano ano, kabilang na dito ang mga bagay na ngayon lamamg niya nakita sa buong buhay niya.

Katulad na lamang ng mga kakaibang bato o kaya mga halamang may hugis na mukha at may taglay na talino at kayang magbigkas ng mga salita. Mayroon ding mga hayop na kakatwa. Sa kabuuan, ang mga nilalang na kaniyang nakita sa buong araw ay mga nilalang na wala sa Irebus.

---

"May kakaiba sa kanya... Waring... Hindi kaya... Hayaan na nga, masipag naman siyang nilalang."
Bulong ni Lufeng sa kaniyang sarili haban nagmumuni-muni at inaalala ang mga kakaibang kilos ni Dravius sa araw na ito.

---

Dumaan ang mga araw sa panuluyan ni Lufeng.

Habang si Dravius ay unti-unting nasasanay sa mga kakaibang bagay na ngayon niya lamang nakita, hindi niya namamalayan na limang araw na lamang ang nalalabi sa kaniyang pagtatrabaho kay Lufeng, at hudyat ito na magsisimula na ang pasukan sa Laws of Heaven Gates.

"Dravius, magpahinga ka muna. Mamaya ay may ibibigay ako sa iyo."
Bilin ni Lufeng nang madaanan nito si Dravius na nakaupo sa isang tabi habang tumataas-baba ang kaniyang dibdib at pawis na pawis, hudyat ng labis na kapaguran.

Tumango lamamg si Dravius dito bago tumayo at umalis papasok sa kaniyang silid.

Kakaiba ang mundong ito para sa kaniya. Nasanay siyang gumamit ng kapangyarihan noon sa pagkilos at ganoon din ang lahat ng mga nilalang sa Irebus, ngunit kumpara sa mga nilalang dito sa Blood Sapphire, mahinang maituturing ang mga bampira, taong lobo, o ang lahat ng mga nilalang ng Irebus.

"Cultivation..."

---

TOK•TOK•TOK

Katok ni Dravius sa pintuan.

"Tuloy..."
Mula sa loob ay narinig niya ang tinig ni Lufeng kaya walang anu-ano ay bnuksan niya ang magarang pinto at doo'y natanaw ni Dravius ang likuran ni Lufeng.

Nakaharap ito sa malaking bintana at mula rito ay kitang-kita ang tanawin ng papalubog na araw at ang lumililim na kalangitan.

Ang tahimik na paligid ay nagpapadagdag sa tensiyon sa loob ng silid na iyon.

"Pamisteryoso... Hmp!"
Saad ni Draviis sa kaniyang isipan, ngunit kung gaano kaingay ang kaniyang utak ay kasalungat nito ang ipinapakita ng kaniyang mga mata... Nagpapatunay lamang ito na si Dravius ay magaling sa.... Pagsisinungaling...

"Limang araw na lamang Dravius... At nabanggit mo sa akin noon na ika'y nanggaling sa hindi pinalad na angkan... Kahit ang totoo, halatang hindi naman..."

Saad ni Lufeng, ngunit ang hulong salita ay binigkas niya na lamang sa kaniyang isipan.

"Ganoon na nga ho, Ginoong Lufeng..."
Kalmadong saad ni Dravius. Sa tono ng kaniyang pananalita ay puno ng pagsang-ayong at tila nakakaawang pulubi habang nakaguhit ang kaniyang mapaglarong ngiti sa nakatalikod na si Lufeng.

"Hmph! Ang totoo, tila kaya ko namang durugin ang matandang ito, ilang taon na kaya siya?"
Bulong ni Draviis sa kaniyang isipan.

"Hmm... Ito, pag-aralan mo ang mga iyan, sa loob ng limang araw ay maaari ka nang mamahinga at mag-ensayo sa iyong silid."
Saad ni Lufeng, matapos ito ay lumutang mula sa kaniyang mga palad ang dalawang bagay na kulay itim, sinlapad lamang ng tatlong daliri at may taas na apat na pulgada at may kapal na dalawang milimetro, subalit sobrang tigas nito, kung pagmamasdan, tila isa lamang itong makintab na bahagi ng bakal. Sa labas ay may nakaukit marka (formation) na kumikintab ng kulay dilaw.

Hindi na nabigla pa si Dravius sa mga bagay na ito. Sa halos isang buwan niyang pagtatrabaho kay Lufeng ay ilang beses na siyang nakakita nito.

"Metal Slip, maraming salamat ho Ginoo."
Ang totoo, ay labis-labis ang tuwa ni Dravius nang siya'y pagkalooban ni Lufeng nito.

Ang metal slip ay isang uri ng aklat sa mundong ito kung saan naglalaman ng lahat ng impormasyon sa isang maliit lamang na kapiraso ng bakal na may nakaukit na formation kung tawagin.

"Ito ang storage mark, ipinagawa ko pa iyan..."
Wika ni Lufeng saka niya ipinitik ang kaniyang kamay at lumipad patungo kay Dravius ang isang maliit na simbolo, o isang misteryosong formation.

Nang pumasok ito sa kaniyang kanang kamay ay naramdaman ni Dravius ang bakanteng espasyo aa kaniyang katawan.

Ang storage mark ay isang uri ng misteryosong formation na gumagamit ng batas ng kawalan (space) upang magkaroon ng espasyo o lalagyan ang loob ng katawan ng isang nilalang at ang laki nito ay nakabatay sa kapangyarihan ng naturang nilalang na nagtataglay nito.

"Segi na, alis na..."

"Maraming salamat po Ginoo..."
Yumuko muna si Dravius bago umalis.

"Galingan mo..."
Bulong ni Lufeng sa hangin.

Kita sa kaniyang mga mata ang kasiyahan habang inihahatid ng kaniyang paningin ang lalaking masayang nagtatatakbo.

"Hindi ko mabasa ang antas ng kaniyang kapangyarihan..."
Saad niya bago umiling.

---

Sa isang silid naman ay mabilis na naglumpasay si Dravius sa kaniyang kama.

Pinadaloy niya ang kaniyang enerhiya sa kaniyang kanang kamay kung saan naroon ang storage mark...

*Crack!*

"B-bakit ganoon!?"
Nabigla si Dtavius nang makitang ang marka sa kaniyang kanang kamay ay biglang nabitak...

"Eh? Ganoon ba kalakas ang aking kapangyarihan?"
Tanong niya sa kaniyang sarili.

"Ang Metal slips!?"
Nagulantang naman siya nang mapagtantong maaaring mawala ang mga metal slips na nakalagay sa storage mark niya.

"Bakit pakiramdam ko..."

*swoosh*

Iwinagayway ni Dravius ang kaniyang kamay at biglang nagkaroon ng bitak ang kawalan, kulay itim ito at nagbubuga ng mapanirang kapangyarihan...

Kunot-noong ipinasok ni Dravius ang kaniyang kamay at umaktong tila may kinukuha sa loob... At ilang sandali pa ay nakangiti niyang hinatak palabas ang kaniyang kamay habang hawak-hawak ang dalawang metal slips. At sa muling pagwagayway niya ay muling nagsara ang bitak sa kawalan.

Agad niyang pinadaloy ang kaniyang kapangyarihan sa isa sa dalawang metal slip na agad namang naglabas ng liwanag na pumasok sa kaniyang noo at kasunod nito ay ang pagbaha ng napakaraming impormasyon sa kaniyang isipan.

"Cultivation. Paglilinang."
Bulong niya sa kaniyang sarili.

"Energy Cultivation... Soul Cultivation.."

"Energy Cultivation, gamit ang enerhiya ng paligid ay malilinang ang enerhiya ng katawan ng isang nilalang sa pamamaraang nakasaad sa cultivation techniques. At nakasaad dito ang aplikasyon o sining sa pakikipaglaban..."
Ito ang dahilan kung bakit ang mga nilalang ng Irebus, kumapara sa mga nilalang ng Blood Sapphire ay mas mahina. Cultivation Techniques. Isang gabay sa paglilinang ng enerhiya.

Dug•Dug•Dug

"Pakikipaglaban..."

Kung ganoon, ang paggamit ng kapangyarihan sa Irebus ay maituturing na sobrang gaspang...

"Soul Cultivation. Ang soul o kaluluwa ng isang nilalang ay tahanan ng kaniyang damdamin, emosyon, o kapangyarihan ng isip. Ang pag-unawa, kapasidad at kakayahan ng isipan ay nakabatay sa soul sense o kaluluwa..."

"Ngunit ang Soul Cultivation techniques ay bihira lamang kahit aa buong sanlibutan... Ang pinakadirektang paraan ng pagpapalakas ng kaluluwa ng isang nilalang ay ang paggapi sa mga pang-emosyonal na hamon ng buhay at ang pag-unawa sa mga batas ng kalikasan o ang tinatawag na Dao."

"Batas ng kalikasan..."

"Dao..."

----

A/N:

SORRY SA TYPOS...

Ardon (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon