Pagsasalaysay
Mabilis na tinahak ng pangkat nina Dravius ang himpapawid patungo sa isla.
Tumambad sa kanilang paningin ang lugar na maituturing na paraiso. Isang nagniningning na talon ang sa kanila ay agad na sumalubong. Isang napakataas na talon na kung titingnan ay wari lamang silang mga maliliit na langgm kumpara rito. Ang totoo ay hindi ito isang isla lamang kundi isang bansa. Maraming nagliliparang hayop sa himpapawid, hindi mga ibon kundi mga dambuhalang tigreng may pakpak ng ibon, kulay puti ang buong katawan at animo'y mga obrang nilikha gamit ang basbas ng kagandahan, tila mga hayop na hulma mula sa malalamig na nyebe ang kanilang mga makikinis na balahibong may kulay-langit na asul na mga guhit sa kanilang katawan tanda ng pagiging kabilang sa angkan ng mga tigre.
"Snow Tigers... Pinaniniwalaang nakatungtong sa Supreme stage ang kanilang ninuno." Paliwanag ni Ferin nang makita niya ang mga nagliliparang tigre sa himpapawid.
"Pinaniniwalaang sila ay tagapagbantay ng islang ito." Saad naman ni Shan. "Bakit ba kailangang bantayan ito kung puno naman ng panganib?" Kunot-noong tanong ni Dravius. "Ito ang lihim ng islang ito. Hindi dahil sa mapanganib ang mismong isla, kun'di ay ang mga nilalang na nagbabantay rito ang pinakamapanganib sa lahat." Pliwanag ni Feyar.
Nanlamig naman ang buong katawan ni Dravius nang maring ang mga tinuran ni Feyar, kaya pala iba ang kaniyang nararamdaman sa tuwing pinagmamasdan niya ang mga hayop o halimaw sa himpapawid, siya'y nakakaramdam ng panganib sa kaniyang buhay habang tinitingnan niya ang mga ito.
"Pigilan niyo ang inyong mga presensiya habang papalapit tayo sa isla upang maiwasan nating matunton ng mga tigreng iyan." Paalala ni Granny Helyria saka sa lahat.
Tumango naman silang lahat at nagsimulang gawin ang suhestiyon ni Granny Helyria, subalit biglang nanlaki ang kanilang mga mata sa mga sumunod na pangyayari.
Bigla silang napatingin sa dako ni Dravius at lalo pang kumabog ang kanilang mga puso nang makita ang lalaki sa kaniyang kinatatayuan. Ang dahilan nang kanilang pagkabahala ay ang katotohanang naroon si Dravius sa kung saan siya nakatayo kani-kanina lamang subalit nang umpisahan na nilang itago ang kanilang mga presensiya ay hindi na nila mahagilap pa ang binata. Ito ay labag sa kanilang mga kaalaman, dapat ay hanggang ngayon ay nararamdaman parin nila ang presensiya ng lalaki kahit napakaliit na lamang ng bakas nito. Ngunit hindi, si Dravius na nasa kanilang harapan ay nandiyan ngunit tilang wala. Walang bakas ni Dravius base sa kanilang 'soul sense' at kung hindi nakikita ng kanilang mga mata ang binata ay aakalain nilang wala doon ang huli.
Ngunit panandalian lamang ang kanilang pagkabigla at napalitan rin kaagad ito ng tuwa. Isang nilalang na may nakakakilabot na kakayahan ang kumakalaban sa Heavenly Light Clan, hindi ba't ibig sabihin nito ay isang nakakatakot na kaaway ang isinilang? Anong mangyayari sa hinaharap, sa mga darating pang mga panahon kung saan ang kapangyarihan ni Dravius ay lalo pang lalakas?
"Magaling, ngayon ay maghiwa-hiwalay muna tayo upang hindi kaagad tayo matunton ng mga tigre sa himpapawid." Nakangiting saad ni Shan na siya naming maganang tinanguhan ng lahat.
Dravius
Malawak na lupaing punong-puno ng yaman. Iyan ang aking paglalarawan sa lugar na ito. Maraming nagtataasang punong may mayayabong na dahon at mga nagniningning na mga bungang punong-puno ng buhay at enerhiya. Isang simpleng kayamanan ang islang ito.
Kung ganito sana kakapal ang enerhiya sa Irebus, tiyak kong mas mabilis ang paglakas ng mga nilalang doon. Kung sana'y pwedi ko lamang dalhin ang islang ito sa Irebus...
"Hayaan na nga, may mga bagay na mas kailangang pagtuonan ng pansin sa ngayon."
Tinahak ko ang mayabong na kagubatan, nakakabighaning ganda, kung sana ay pwedi akong mamuhay rito ng mapayapa, subalit may mga bagay na higit na mas mahalaga sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Ardon (Slow Update)
FantasyPanibagong kabanata, sa pagwawakas, siyang pag-usbong ng bagong simula... Sa likod ng bughaw na langit ay panibagong kalawakan ang matutuklasan, bagong mundo, bagong simula, kaganapang nakatala, mundong sinilangan, saan kaya nagmula? BOOK 2 of The D...