Pagsasalaysay
Nag-uumapaw sa galit ang mga mata ni Dravius. Naging mabigat ang kaniyang hininga...
Ang langit? Ang liwanag?
Dahil ba sa liwanag ang kaniyang kapangyarihan ay iniisip na niyang mabuti siyang nilalang? Papaano ang mga nilalang ng kadilimang may mabuting puso?At muli na namang nanumnbalik sa kaniyang ala-ala ang itinuring na niyang bahagi ng kaniyang pagkatao, si Ragoon. Isang nilalang sa Irebus na may kapangyarihan ng kadiliman ngunit may mabuting puso at may mabuting hangarin para sa mga nilalang na pilit siyang itinatakwil...
"Huwad na banal... Ngayon ay muli na naman akong papaslang nang iyong kauri, mga may kapangyarihang banal, ngunit may masamang puso."
Unti-unting saad ni Dravius habang nagngingitngit siya sa galit. Lalo pang lumalim ang pagkakakulay-itim ng kaniyang mga matang tila laman ang buong kawalan."Hah!"
Tila langgam naman siya kung ituring ng banal na nilalang sa langit. Sa isipan ni Feng ay tila nakikipaglaro lamang siya sa isang bubwit na sa isang pitik ay magagawa niyang patayin. Ngunit may kakaiba siyang napansin sa nilalang sa ibaba...
Kulay pulang sinulid ang tila nag-uugnay sa kanilang dalawa. Ang sinulid na ito'y hindi pangkaraniwang at umuusok pa ito ng kulay pula...
"Nilalang... Isa sa aming angkan ang iyong pinaslang..."
Kalmadong saad ng banal na tinig. Ngunit sa loob ng tinig na iyon ay nakatago ang labis na galit.Nang marinig naman ito ni Granny Helyria ay hindi siya makapaniwala at napabaling ang kaniyang tingin sa lalaki sa kaniyang harapan.
Sa lahat ng pangkaraniwang nilalang sa buong Myriad Stars, sino nga ba ang may lakas ng loob na pumaslang ng nilalang na nabibilang sa angkan ng Heavenly Light Clan? Ito ay dahil sa lawak ng teritoryong hawak ng angkan, at dahil na rin sa espesyal na bakas sa dugo ng bawat isang kasapi ng angkang ito.
Ngunit walang takot pa ring hinarap ni Dravius ang matandang nilalang sa langit.
"Heh! Ang walang kwentang nilalang na iyon ba ang iyong itinuturing? Naaalala ko pa kung papaano ko sinira ang kaniyang planong sambahin ng lahat ng nilalang... Naaalala ko pa kung papaano niya pinaikot sa kaniyang mga palad ang aking mga kaibigan, kaya pinaslang ko siya..."
Kalmado niyang saad ngunit naroroon ang pangungutya sa kaniyang pananalita.At dahil dito, nabigla ang napakaraming nilalang. Dinig na dinig nila ang mga salitang lumalabas sa labi ng dalawang nilalang sa langit at sa lupa.
Maging si Granny Helyria ay hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Walang dudang nagsasabi ng totoo si Feng, dahil kilala sa buong Myriad Stars ang tinatawag na 'Death Tie,' isang uri ng 'karmic thread' na nag-uugnay sa mga nilalang na pumaslang sa miyembro ng angkan ng Heavenly Light Clan.
"Isang diyablo, pinaslang mo ang isang anghel sa langit!?"
Galit na saad ni Feng.Ngunit mas galit si Dravius nang muli namang iginiit ni Feng ang pagiging panig nila ng sa kabutihan...
"Hah!"
Isang sigaw mula kay Dravius at maliban sa dako ni Granny Helyria ay biglang bumigat ang hangin sa paligid."Gurlg!"
"Ahh!"
Ngayong nabuo na ang kaniyang 'energy seed,' lumakas ang kaniyang kapangyarihan ng halos isang-daang beses... Kaya ang presyur ay mabilis na kumalat sa ilang daang libong kilometro.
Sa bilis ng pangyayari ay wala man lamang nagawa si Feng nang mapaluhod ang napakaraming nilalang sa pwersang pinakawalan ni Dravius.
"Napakalakas..."
Saad ni Granny Helyria.Ang totoo niyan, siksik si Dravius ng maraming kaalaman sa iba't ibang batas ng sanlibutan, kagaya na lamang ng batas ng hangin, tubig, apoy, halaman, kalikasan, at higit sa lahat, ang oras at kawalan kasami ng napakarami pang uri ng batas sa buong sansinukob. Ang mga kaalamang ito'y nakuha niya sa kaniyang 'samsara' o ang pagdaan niya sa maraming buhay at kamatayan.
"Heavenly Light Clan? Hmmph!"
Saad niya saka lalo pang tumindi ang pinakawalan niyang kapangyarihan."Hindi nga ako nagkamali... Ang labis na kapangyarihan ay naghahatid ng kapinsalaan... Oh tagapaglikha, iyong lagpapatawad ay una ko nang hinihingi sapagkat angbaking mga kamay ay madudungisan ng dugo at utang na buhay... Oh-"
Banal na sambit ni Feng, ang kaniyang mga kilos ay tila siya'y banal na alagad ng liwanag...Ngunit nakakaawang isipin na hindi pa man natatapos ang pagbigkas niya ng mga salita ay gumalaw na ang mga kamay ni Dravius.
"I am the Universe!"
Makapangyarihang turan ni Dravius. Ang mga salitang kaniyang binitawan ay higit pa sa banal, animo'y isa siyang diyos, sa kaniyang pagbigkas ay waring nagsasayawan ang mga elemento ng kalikasan. Ito ay dahil sa kaniyang 'cultivation technique,' ang Eternal Cycle Universe na kaniyang pundasyon sa pagbuo ng kaniyang 'energy seed' na siya namang kumukonekta sa kalikasan at sa buong sansinukob.Itinuro niya ang dakong kinaroroonan ni Feng, kung saan ang huli ay nababalot ng ginintuang liwanag na nagkukubli sa kaniyang buong katawan. Napakasagradong anyo.
Ngunit para kay Dravius, ito ang anyo ng tunay na diyablo, higit na nakakatakot ang ganitong uri ng mga nilalang kung saan ikinukubli ng liwanag ang tunay na laman ng kabilang puso't isipan. Mga mapanira't hudyo, patago kung lumaban...
"Tearing the Heavens!"
Sigaw ni Dravius habang nakaturo sa dako ni Feng ang kaniyang hintuturo. Tila isa lamang itong normal na salita ngunit mapapansin kung papaano tumugon ang enerhiya sa kaniyang paligid. Mararamdaman ang panginginig ng kaliit-liitang butil ng enerhiya sa loob ng ilang daang libong kilometro...Nang maramdaman ito ng lahat, sumambulat ang kanilang mga mata kabilang na si Granny Helyria, bilang nilalang na pinakamalapit sa kinatatayuan ni Dravius, ramdam niya kung gaano katindi ang paggalaw ng mga kaliit-liitang butil ng enerhiyang hindi na nakikita kahit ng kaniyang makapangyarihang mga mata.
"Hindi nakapagtatakang, nalalabag niya ang batas ng langit..."
Mahinang saad ni Granny Helyria sa kaniyang sarili.*RIIIIIIIIIPPPP!*
Hindi pa man nakakavawi ang lahat, ay isa na namang sorpresa ang kanilang nasaksihan ng makita mismo ng kanilang mga mata ang pagkapunit ng kalangitan.
"Sapatial Tear..."
Nanginginig na saad ni Granny Helyria. Bilang isang makapangyarihang nilalang na nabubuhay na ng maraming siglo, alam na alam niya ang 'spatial tear,' ito ay ang pagkapunit ng kawalan o ng tinatawag na space, at ang paglabas ng nakakatakot na 'void,' kung saan ang lahat ng mga nilalang o bagay na hindi sinasadyang makapasok rito ay walang awang matatatadtad ng pinong pino, hanggang sa wala nang matira kahit ang kaliit-liitang butil... Ito ang kapangyarihan ng kawalan o void at ang pagkakaroon ng spatial tear ay dulot lamang ng dalawang bagay, ang pagkakaroon ng napakalakas na kapangyarihang kayang labagin ang batas ng kalikasan, o ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagkontrol ng 'law of space and time,' at si Dravius, kahit na labis na makapangyarihan, ay alam ni Granny Helyria na nabibilang sa ikalawang pangkat, sapagkat hindi naglabas ng 'raw force' o lakas ng katawan ang huli."AHHHHH!"
Malakas na sigaw ni Feng nang magkaroon ng napakalaking spatial tear sa kaniyang likuran. Ang laki nito ay nasa kalahating kilometro, at ramdam na ramdam niya ang pagtakas ng kaniyang kapangyarihan mula sa kaniyang katawan.Ito ang katangian ng 'spatial tear,' nagagawa nitong higupin ang mga nilalang at lahat ng bagay sa paligid na abot ng kapangyarihan nito.
"Hindiiiii!"
Sigaw ni Feng mula sa kalangitan. Pinilit niyang pinagalaw ang kaniyang kapangyarihan at magsagawa ng 'agility-type skill' ngunit bigo pa rin siyang lisanin ang sakop ng 'spatial tear' sapagkat lalo lamang lumalakas ang 'suction force' nito."Dravius! Granny Helyria! Hindi kayo palalagpasin ng Heavenly Light Clan! Ahhh!"
Sigaw ni Feng bago siya lamunin ng 'spatial tear.' Kitang kita ng lahat kung papaano pagpira-pirasuhin ng 'void' ang katawan ng huli sa isang iglap.A/N:
Sorry sa typo errors guys.
Vote and comment, tnx sa support 😊
![](https://img.wattpad.com/cover/132907343-288-k18908.jpg)
BINABASA MO ANG
Ardon (Slow Update)
FantasyPanibagong kabanata, sa pagwawakas, siyang pag-usbong ng bagong simula... Sa likod ng bughaw na langit ay panibagong kalawakan ang matutuklasan, bagong mundo, bagong simula, kaganapang nakatala, mundong sinilangan, saan kaya nagmula? BOOK 2 of The D...