Loose

341 24 9
                                    

Pagsasalaysay

Tila panaginip para sa marami ang pagpasalang ni Dravius sa isa sa mga miyembro ng Heavenly Light Clan. Bulag man ang marami sa paniniwalang ang angkang ito ang panginoon ng langit, may iilan namang mulat ang mga mata sa totoong mga kaganapan sa ilalim ng langit, kagaya na lamang ni Granny Helyria kasama ng iilang binansagang 'old demon' o mga nilalang na nasa level ni Granny Helyria at hanggang ngayon ay patuloy pang nabubuhay.

"Demonyo... Pinatay niya ang sugo ng langit!"

"Kampon ng kadiliman!"

"Diyos na may likha! Ang iyong sugo'y pumanaw upang isakatuparan ang iyong mga salita..."

"Diyos ng liwanag, alagad ng kabutihan, tagapagtanggol sa kasamaan..."

Hindi mawari kung sino ang nagpasimuno, ngunit parang bombang sumabog ang laman ng isipan ng nakararami. Dala ang hinagpis, waring sa kanilang puso'y isang diyablo ang biglaang lumitaw mula sa kailalinan ng daigdig upang maghasik ng lagim, at magpalaganap ng kasamaan.

Ngunit wala nang panahon si Dravius na dinggin ang kanilang 'walang kwentang' hinaing sapagkat bakas sa putlang putla niyang mukha ang pagod, maliban dito ay para siyang sisdlang walang laman, naubos ang buo niyang lakas sa isinagawang pagpunit sa kawalan. Masasabing ang ginawa niyang pagbali sa batas ng langit gamit ang kaniyang kaalaman sa 'space and time' na ganoon kalawak ay maituturing na kaniyang 'all out attack.'

Patuloy ang pagtagas ng dugo sa kaniyang labi ngunit nandoon pa rin sa kaniyang mga mata ang katigasan ng ulo at hindi pagsuko kahit na nalagay na siya sa panganib.

Idagdag pa ang mga bulong-bulongang patuloy na umaalingawngaw sa kaniyang pandinig, lalong tumindi ang galit ni Dravius. Kaya-

"Hah!"

"Argh!"

*crack!*

Hindi niya napigilang muling magpakawala ng lakas sa kabila ng kaniyang pagod.

At sa ilalim ng kaniyang nagkikiskisang ngipin, siya'y nagwika...

"Heavenly Light Clan, isinuspa kong uubusin ko kayong lahat!"
Galit niyang sigaw sa kalangitan.

Nanginig naman ang lahat ng nilalang na nakarinig sa kaniya. Sa loob ng milyon-milyong taon, wala pang kahit isang nilalang ang tahasan at harapang kumalaban sa angkang ito.

"Dravius!"
Napasigaw si Granny Helyria nang matumba si Dravius dulot ng labis na kapaguran.

Agad na kumilos ang matandang babae at gamit ang kaniyang kaalaman sa mga batas, kaniyang inutusan ang hangin. Unti-unting nagkaroon ng ipo-ipong bumalot sa kanilang dalawa hanggang sa tuluyan na silang nawala kasabay ng paghina ng hangin sa paligid.

---

Sa isang lugar kung saan ang kapaligiran ay naiiba, kung saan ang mga halaman ay magiliw na nagsasayawan sa nakakaginhawang simoy ng hangin, sa isang paraiso kung maituturing, ay isang malungkot na balita ang gumulantang sa katahimikan ng paligid.

"Ang tagapangalaga ng Blood Sapphire, ay patay na. Sa isang mababang uri ng planeta ay hindi mawari kung isang kampon o kaya ay isang nilalang ang lakas loob na kumakalaban sa langit."
Turan ng isang lalaking tila nasa limampung taong gulang na, tineternohan ng kaniyang kulay puting kasuotan at ginintuang sinturon ang kaniyang kulay puti at mahabang buhok na abot sa kaniyang pwetan. Malumanay naman kung tumingin ang kaniyang ginintuang mga mata. Tila naglalabas ng sagradong kapangyarihan ang buo niyang katawan. Isang kakaibang pakiramdam na tila ika'y tumitingin sa kalangitan, kung mailalarawan ang nilalang  na ito, ang Great Father.

"Si Feng, ng Blood Sapphire? Imposibleng may kakalaban sa atin sa lupaing iyon... Alam nila ang kaparusahan ng pagsuway aa batas ng langit."
Saad ng isa sa walong lalaking nakaupo sa mataas na silya, sa estilo ng kanilang pagkakaupo ay madaling maiintindihan na ang walong mga nilalang na ito ay pumapangalawa sa nilalang na nakaupo sa gitna, ang Great Father.

Ardon (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon