Batas ng Langit

291 31 3
                                    

Pagsasalaysay

"FIVE ELEMENT OF LIGHT, TRIBULATION OF HEAVENS!"

Isang sigaw mula sa langit. Ang tinig ay tila isang banal na tagapaghatid ng kaparusahan sa mga mga may salang nilalang sa kailaliman ng sansinukob.

Umalingawngaw ang mahiwagang tinig kasabay ng paglabas ng ginintuang liwanag.

*Booom!*
Malakas na pagsabog kasunod ng pagtama ng kidlat sa katawan ni Dravius na siya namang nagpatilapon sa kaniyang katawan paibaba.

*cough!*

Napaubo siya ng dugo at naramdaman niya ang pamamanhud ng kaniyang katawan... Ngunit kumpara sa huling estado ng kaniyang laman, ngayon ay hit na matatag na itobkaya mabilis ring naghilom ang kaniyang mga sugat at nagsilbi na lamang isang toniko ang naturang kidlat.

Ngunit muling nagsalita ang tinig sa langit.

"Anak, ika'y nagkasala... Ang batas ng kalangitan, sinuman ang lalabag ay tatanggap ng naturang kaparusahan. Ang balanse ng sanlibutan, sa pagsilang ng isang nilalang na labis-labis ang taglay na kapangyarihan ay siya ring pagkasira ng daigdig, maraming buhay ang maaaring maglaho sa iyong mga kamay..."

Saad ng mahiwagang tinig-lalaki sa likod ng ulap. Mababanaag sa tono ng kaniyang pananalita ang pag-aalala sa mga nilalang sa paligid.

Dahil sa malakas na tinig ay milya-milya ang inabot nito at dinig na dinig ng milyon-milyong nilalang sa buong siyudad.

Mabilis na nagbago ang timpla ng mukha ng marami. Idagdag pa ang nangheheleng tinig nito ay mabilis niyang nahuli ang damdamin ng napakaraming nilalang. Sino nga bang nilalang ang walang takot sa kamatayan? Sino nga ba ang nais nang salubungin ang kanilang hantungan?

Napaisip ang marami, at sa sinabi ng mahiwagang tinig na puno ng kabanalan, biglang napuno ng galit at pangamba ang mga puso ng mga nilalang na nakarinig sa mga salitang ito.

"Dapat siyang mamatay..."

"Kailangan siyang paslangin!"

"Nais niyang labagin ang batas ng langit! Pahirapan siya at hiwain ang kaniyang katawan ng isang milyong beses!"

"Pahirapan!"

Magkakasabay na sigaw na ng mga nilalang sa paligid. Sa kanilang mga mata'y paniwalang-paniwala sila sa mga salitang ibnato ng misteryoso, mahiwaga at banal na tinig mula sa langit...

"Aking mga nilalang... Puso niyo'y tuluyan nang nilamon ng kadiliman. Ang pahirapan ang kapwa nilalang ay isang malaking pagkakasala sa langit at sa may likha... Ang gawaing ito ay gawain ng mga nilalang na kauri ng kadiliman..."
Muling sambit ng tinig, at dahil dito ay natahimik ang buong paligid.

Napuno ng pait ang damdamin ni Dravius...

Ano bang mali sa pagiging malakas? Ano bang mali sa paghahangad ng kapangyarihan sa ngalan ng kaniyang mga mahal sa buhay... Para sa kaniyang mga kaibigan.

Sa pagbubukas ng kaniyang mga mata sa katotohanang ang kaniyang planeta, ang munting Irebus ay isang pinakamababang-uri ng planeta na kayang pulbusin ng sinumang nagtataglay ng lakas. Ngunit narito ang kaniyang mga kaibigan. Dito siya isinilang. Dito siya lumaki. Dito nagsimula ang lahat para sa kaniya. Kaya naghahangad siya ng kapangyarihan para sa kaniyang mundo...

Mali bang maging malakas?

"Anak... Pagnilayan mo ang iyong mga kasalanan... Ang paghahangad ng sobra-sobrang kapangyarihan  ay gawain ng mga sakim na nilalang, ang labis na kapangyarihan ay maghahatid ng kapahamakan sa mga nilalang sa iyong paligid..."
Saad muli ng banal na tinig.

Ardon (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon