Pagsasalaysay
"Eternal Cycle Universe Seed, form!"
Biglang huminto ang lahat.
At lalo pang tumindi ang pag-higop ng enerhiya. Mapapansing ang mga pananim sa paligid ay unti-unting nalalagasan ng mga dahon. Nabibitak at unti-unting nawawala ang masiglang kulay ng lupa at pati ang maliliit na nilalang na palipad-lipad at nagsasabog ng mga kulay ay lalong nanghihina habang nawawalan ng kinang ang buo nilang katawan.
Ngunit higit sa lahat, ang mas nakakapanindig balahibo ay ang pakiramdam ng lahat nang sa tila'y isang oras ang nawala sa kanilang buhay sa loob ng maikling paghito ng oras.
Walang nakatakas sa buong siyudad na iyon. Ang sinumang sakop ng paghigop ng enerhiya ay biglang napahinto ng isang segundo.
"Hoy! A-ayos ka lang ba!?"
"Ha?"
"Bakit ka biglang natulala?"
"Hindi ko alam..."
Iling ng isang lalaki sa kaniyang kausap.Magkakatulad na pangyayari naman ang nagaganap sa buong siyudad na iyon.
"May nangyari..."
Saad ng City Lord mula sa kaniyang upuan. Naramdaman niya ang panlalmig ng kaniyang batok at likuran."Nagulo ang orasan. Lumipas ang isang sandali nang hindi natin namamalayan. May lumabag sa batas ng oras."
Saad ng lalaki sa harapan ng City Lord.---
Sa kabilang bahagi naman ng siyudad kung saan isang maliit na kubong gawa sa kawayan nasa gitna ng mayabong na kakahuyan ay isang matandang babae ang nananahanan. Tahimik itong nakalumpasay sa sahig na animo'y isang istatuwa habang kaniyang mga mata'y nakapikit at katawang tila wala nang buhay.
Ngunit sa pagkakataong ito, biglang nagmulat ang mga matang kumikinang tanda ng malawak a kaalaman ng matandang babae.
"Isang nilalang ang muli na namang sumuway sa langit... Ang silakbo ng unos ay nalalapit na... Hahaha! Langit! Isa na namamg nilalang ang sa iyo'y sumusuway! Nawa'y magtagumpay siyang labagin ang iyong mga batas!"
Masayang turan ng matandang babae habang nakaguhit ang masayang ngiti sa kaniyang labi. Ang kaniyang mga mata'y nakatingin sa kalangitan at tila nagbibigay ng hamon.Ngunit ilang sandali pa ay nandilim ang kalangitan at biglang nabuo ang itim na kaulapang naglalabas ng nagsasayawang kidlat.
*Thunder! Thunder! Thunder!*
*Bang!*
Ilang sandali pa ay biglang humampas ang kidlat sa dako ng matanda. Ang kulay puting kidlat ay tila gawa para sa matanda dahil sa laki nitong eksakto lamang sa buong katawan ng huli. Ngunit habang papalapit ang naturang kidlat ay nakangiti lamang ang matandang babae habang tila naninigas ang buo niyang katawan, sa tensyong nararamdaman ngunit gayunpaman ay kita pa rin sa mga mata ng matanda ang tapang na harapin ang ganti ng kalangitan sa kaniyang hamon.
*BOOM!*
Dinig ang malakas na pagsabog kasama ng malakas na igik ng matanda. Habang nayanig naman ang paligid sa pwersa ng kidlat.
*Cough! Cough! Cough!*
Sunod-sunod na pag-ubo naman ang maririnig sa loob ng nagliliparang alikabok sa paligid. At nang mahawi ito ay lumitaw ang matandang babae habang may tumatagas na dugo sa kaniyang labi.
Pinunasan muna ng huli ang pulang likido sa kaniyang labi saka siya muling nag-angat ng tingin sa kalangitan. Sa kaniyang mga mata ay naroroon pa rin ang paghahamon.
"Isang nilalang na naman ang sumusuway sa iyong mga batas oh 'langit!'"
---
Sa dako ni Dravius ay napakalaking black hole ang nabubuo sa kaniyang paligid habang ang enerhiya nito ay sa kaniyang katawan napupunta.
BINABASA MO ANG
Ardon (Slow Update)
FantasyPanibagong kabanata, sa pagwawakas, siyang pag-usbong ng bagong simula... Sa likod ng bughaw na langit ay panibagong kalawakan ang matutuklasan, bagong mundo, bagong simula, kaganapang nakatala, mundong sinilangan, saan kaya nagmula? BOOK 2 of The D...