Pagsasalaysay
*Swoosh!*
Tila ay lagaslas ng tubig ang tunog ng pagdaloy ng enerhiya sa kamay ni Dravius patungo sa metal slip.
"Meridians - daluyan ng enerhiya sa katawan... Ang laki, lawak, at kapal nito ay mahalaga upang maayos at mapabilos ang sirkulasyon ng enerhiya sa katawan ng nilalang... Seed - sisidlan ng enerhiya sa katawan na matatagpuan sa ibabang bahagi ng pusod ng normal na nilalang, habang ang 'soul seed' o ang 'spirit' ay matatagpuan sa misteryosong 'soul space'."
"Soul Space?"
Ipinikit ni Dravius ang kaniyang mga mata at dinama ang kaniyang kaluluwa...
*woooff*
Mula sa kaniyang ulo ay dumaloy ang hindi makitang enerhiya at malakas na bumalibag sa paligid. Bumigat ang hangin na tila ilang tonelada bigat ang bumagsak rito. Ang gravity sa paligid ay bumigat ng halos isandaang beses habang patuloy naman ang paglawak ng sakop ng misteryosong kapangyarihan.
*crack!*
*shoov!*Bagaman hindi man ito makita-kita, patunay ang mga bitak sa apat na sulok ng silid at ang tila binagyong paligid. Ang nagkabitak-bitak na pader ay kumikislap ng kulay berdeng ilaw mula sa mga formation na pumuprotekta rito.
Napulbos ang matigas na bahagi ng katre at iba pang matitigas na bagay sa loob ng silid kabilang na ang mga bintana at pintuan habang naiwan na lamang ang mga nagkalat na bulak mula sa mga nagkagutay-gutay na unan at kama ngunit patuloy pa rin ang mga itong nanginginig.
"Hmm! Bakit?"
Napatanong si Dravius sa kaniyang sarili nang mapagtanto niyang isang lumulutang na nilalang ang ang nasa loob ng kaniyang misteryosong 'soul space,' liban dito ay hawig niya ito habang pinapalibutan ng tatlong mahiwagang kulay ng lila, itim at ginto..."Ito ba ang espirito?"
Tanong niya sa kaniyang sarili...---
Habang hindi namamalayan ni Dravius ang nangyayari sa kaniyang paligid ay isang malaking komosyon ang nangyayari sa labas...
*Bang!Bang!Bang!*
Sunod-sunod na tunog ng pagkasira ang maririnig sa loob ng panuluyan ni Lufeng habang lumalawak ang sakop ng mabigat na gravity mula sa kaluluwa ni Dravius...
"ANONG NANGYAYARI!?"
"HINDI... A-AKO MAKA-G-GALAW..."
"Ahh... T-tulong..."
*Cough! Cough! Cough!*
"Ginoong Lufeng! Bumibigat ang hangin! Anong nangyayari!?"
Balisang tanong ng isang nilalang kay Lufeng habang namamwis ang kaniyang noo..."Ang pakiramdam na ito... 'soul force'... Hindi, higit na malakas ito... 'Emperial Soul Force'... Pa-papaano..."
Napatulala na lamang si Lufeng habang kaniyang naramdaman ang pag-usbong ng takot sa kaniyang katawan. Nanlamig at namawis ang kaniyang likuran habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.Ngunit hindi ordinanryong nilalang si Lufeng, mabilis niyang nilabanan ang takot na gumagapang sa kaniyang katawan at pinadaloy ang enerhiya sa kaniyang 'meridians' saka nabalot ang kaniyang katawan ng kulay berdeng liwanag, ganoon din ang lalaking kaharap pati na ng lahat ng nilalang sa loob ng panuluyan.
"T-t-tingnan mo kung saan n-nanggaling..."
Utos niya sa lalaking kaharap.Tumango naman ito at mistulang may buhay na gumapang ang kulay puting enerhiya sa katawan ng lalaki ngunit...
"May kung anong misteryosong enerhiya na pumipigil sa akin... Napakalakas ng nilalang na ito!"
Nababahalang sigaw ng lalaki nang hindi na magawang umabante pa ng kaniyang kapangyarihan...
BINABASA MO ANG
Ardon (Slow Update)
FantasiPanibagong kabanata, sa pagwawakas, siyang pag-usbong ng bagong simula... Sa likod ng bughaw na langit ay panibagong kalawakan ang matutuklasan, bagong mundo, bagong simula, kaganapang nakatala, mundong sinilangan, saan kaya nagmula? BOOK 2 of The D...