Pagsasalaysay
Sa kulay bughaw na planeta kung saan ang buwan ay kakulay ng karagatan at ng dugo, isang lagusan ang nagbukas sa himpapawid. Ang lagusang ito ay kulay itim at nilikha gamit ang konsepto at batas ng kawalan.
Isang binatilyo ang lumabas sa lagusan, kulay itim ang buo niyang kasuotan, naging kulay ube ang kaniyang mga mata at kulay itim naman ang kanitang buhok, habang sa gitna ng kaniyang mga kilay ay isang marka ng kulay ubeng kristal o diyamante ang naroroon.
Ito ay si Dravius.
Walang kahit anong bahid ng nagsasayawang enerhiya ang lualabas sa kaniyang buong katawan, at maliban sa kulay ubeng marka sa pagitan ng kaniyang mga kilay ay walang kahit anong espesyal sa kaniya maliban sa kaniyang maamo at pagkamagandang-lalaki.
Sa labas ay tila isa lamang siyang mahinang nilalang na maliban sa paglipad ay walang lakas sa pakikipaglaban.
Lumingon-lingon siya sa kaniyang paligid at nakita niya ang tipikal na siyudad sa kaniyang paligid.
Ngunit ang kaibahan lamang, ang siyudad na ito ay higit na mas malaki kesa sa buong Irebus. Mas malaki ng dalawang beses, at ito ay isa lamang kontinente sa buong planeta.
Kung ihahambing, ang Irebus ay sinlaki lamang ng kulay asul na buwan ng planetang ito.
"Isang manlalakbay?"
Isang lalaking nasa kaniyang gitnang gulang ang sa kaniya'y lumapit. Sa bihis nito ay tila karaniwang lamang siya kumpara sa mga tao sa paligid. Suot-suot nito ang kaniyang magiliw na ngiti habang kausap si Dravius.
"Opo, maaari ko bang malaman ang tawag sa planetang ito?"
Magalang na tanong ni Dravius sa lalaki."Ito ang Blood Sapphire, pang-isangdaan sa mga pangunahing planeta sa buong Mortal Plains."
Saad ng lalaki.Tila naguluhan naman si Dravius nang marinig niya ang mga katagang iyon.
"Mortal Plains?"
Tanong niya rito.Nabalot naman ng pagtataka ang mukha ng lalaki ngunif sinagot niya pa rin ang katanungan ni Dravius.
"Mortal Plains, isa sa mga sandaigdigang sakop ng Myriad Stars."
Paliwanag ng lalaki.Napatango na lamang si Dravius, ngunit ang totoo, hindi niya talaga maintindihan ang mga winiwika ng lalaking kaniyang kaharap.
"Mayroon bang akademiya sa planetang ito?"
Tanong niya ulit.Para kay Dravius, upang lubos niyang malaman ang lahat tungkol sa mundong ito at maintindihan ang mga katagang winiwika ng lalaki sa kaniyang harapan, mainam na siya'y mag-aral sa isang akademiya at doon ay unti-unti niyang matututunan ang lahat.
"Heh, bata, kung akademiya lamang ang hinahanap mo, sa buong kontinenteng ito ng Raging Soul Continent, ang Laws of Heaven Gates ang sinasabing pinakamalaki at pinakamaunlad na paaralan sa lahat. Doon ay mapag-aaralan mo ang angkop na paggamit ng nga batas ng elemento at ng daigdig."
Nang marinig ni Dravius ang sinabi ng lalaki ay biglang kumabog ang kaniyang puso sa tuwa. Nais niyang makapag-aral sa isang napakalaking akademiya, kung saan natitipon ang mga pinakamalakas na nilalang sa buong lupain, ito ang kaniyang pangarap noon pa man.
"Papaano ho ba pumasok sa sinasabi niyong akademiya?"
Nasasabik niyang tanong."Simple lang, kailangan mo lamang pumunta doon, sumulat ng iyong pangalan, at pasok ka na. Huwag kang mag-alala ang Laws of Heaven Gates ay bukas sa lahat ng nais na mag-aral. Iyon nga lang, kapag hindi ka nakapasok sa hanay ng mga pinakamagagaling na mag-aaral sa loob ng anim na buwan ay matatanggal ka sa paaralan."
![](https://img.wattpad.com/cover/132907343-288-k18908.jpg)
BINABASA MO ANG
Ardon (Slow Update)
FantasiaPanibagong kabanata, sa pagwawakas, siyang pag-usbong ng bagong simula... Sa likod ng bughaw na langit ay panibagong kalawakan ang matutuklasan, bagong mundo, bagong simula, kaganapang nakatala, mundong sinilangan, saan kaya nagmula? BOOK 2 of The D...