Kulay Pulang Karagatan

255 28 9
                                    

Pagsasalaysay

Isang suntok ang pinakawalan ni Dravius sa kaharap na halimaw. Ang kamaong iyon, kung pagmamasdan ay napakasimple at walang anumang liwanag ang nakapulupot rito, subalit mararamdaman ang koneksyon ng naturang kamao at ng kalikasan. Ito ang kapangyarihan ng daigdig. Isang kamao ngunit tila taglay nito ang bigat ng buong sanlibutan.

Ilang saglit ay nagkalat ang mga abong kulay dugo mula sa halimaw.

Ngunit simula pa lamang ito ng lahat. Dahil nang masaksihan ni Dravius ang nangyari ay waring nag-alab ang kaniyang damdamin at napukaw ang kaniyang malahalimaw na katauhan.

"GROWWL!"
Nagpakawala si Dravius ng ungol na kasing tunog ng sa mga halimaw at tila isa uhaw na lobong itinapon sa mga kawawang karnero. Mabilis niyang napapatay ang mga halimaw za paligid at patuloy ang pag ambon ng pulang likido at mga naabong laman.

Unti-unting nagkakulay ang maingay na karagatan ngunit tila wala ring katapusan ang ang baha ng mga halimaw. Ilang sandal ay nagsisidatingan ang mga halimaw na may kakaibang anyo, kawangis ng ahas ngunit may matatalim na buto ang nakausli sa kanilang likuran hanggang sa kanilang buntot, mapupula ang kanilang mga mata at may na ngipin ang kanilang labing tila gutom na gutom. Sa bawat ungol ng mga halimaw na ito ay nayayanig ang paligid at lalo pang nagugulo ang karagatan, ang nakakalasong likido na inilalabas ng kanilang katawan ay siya ring nagpapakulo sa karagatan.

Napahinga ng malalim sina Granny Helyria nang masaksihan ang bagsik ng mga halimaw, ngunit lalo pa silang natutop sa kanilang mga kinatatayuan nang Makita nila ang mga galaw ni Dravius.

Nagningning ang mga mata ng binata at biglang nagkaroon ng maraming kamay na hulma mula sa itim na usok sa kaniyang paligid, nakakonekta ito sa likuran ng huli at mistulang isang malaking gagamba kung pagmamsdan sa malayo, ngunit ang higit na nakakapangilabot sa lahat ay ang mga kamay na iyon na parang sumasakal lamang ng mga maliliit na bulate hanggang sa maging abo ang mga ito. Isang nakakatakot na tanwin.

Gayunpaman, hindi nagpahuli ang pangkat nina Granny Helyria. Nagningning ang iba't ibang kulay sa paligid at namayani ang mga magkakaiba-ibang sining sa pakikipaglaban. Nagkaroon ng maraming ipo-ipo na gawa sa matutulis na hangin. Nagkaroon ng espadang gawa sa apoy na siyang humati sa kalangitan at mistulang katapusan na ng mundo. Hindi nagpahuli sa bagsik ni Dravius ang mga martatandang immortal.

Kitang-kita ang pamamayagpag ni Granny Helyria. Ang bawat lugar na kaniyang nadadaanan ay nag-iiwan ng ga pugot na ulo ng mga halimaw. Sadyang napakabilis kumilos ng matanda at halos hindi na siya makita-kita. Hindi naming nagpadaig ang kaniyang mga ksamahan at saka mabilis na nagsasayawan ang magkakaibang elemento sa gitna ng karagatan. Sa gitna ng makulimlim na ulap ay nagkaroon ng napakalakas na pgbuhos ng ulan. Ang ulang ito ay pakawala ni Clorvio. Ang bawat ay nagtataglay ng kakaibang btas na tila nagpapataw ng kaparusahan sa bawat nilalang sa karagatan.

"GROWWWL!!"

"ROAAARRR!!"

"HURRRGG!!"

Iba't ibang tunog ngunit ang lahat nang ito ay iyak at galit ng mga halimaw. Anumang uri ng halimaw ang natatamaan ng ulang nagtataglay ng napakatalim na katangian ay halos magkagutay-gutay hanggang sa mawalan ng buhay, lalo na ang mga mahihinang halimaw na may mlalambot na balat.

Sa gawi ni Ji-son naman ay isang kakaibang penomina ang nangyayri. Taas-baba ang tubig sa kaniyang paanan at tila may kung anong misteryosong butas ang hmihigop nito mula sa ilalim at lahat ng mga halimaw na napupunta rit ay nagllaho sa kawalan. Walang emosyong nakatitig ang mga malalaking mata ni Ji-son sa ibaba kung saan nagaganap ang penomina sa ilalim ng karagatan. "Vanish for eternity..." Simpleng wika ng huli ngunit nang marinig ito ng mga halimaw ay animo'y isang salita ng kamatayan kung ituring. Ngunit wala na silang magawa nang tuluyan na silang lamunin ng isang misteryosong butas sa ilalim ng karagatan.

Ardon (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon