Immortal

324 27 5
                                    

Pagsasalaysay

Lumipas na ang limang araw at unti-unting humihina ang isyung naganap nitong mga nakaraang araw. Ngunit iba't ibang pakiramdam ang unti-unting namamayani sa puso ng lahat ng nilalang sa maraming bahagi ng Blood Sapphire. Nandoon ang takot at tuwa o kaya'y mga hindi mapakaling nilalang.

Nakakaramdam ang marami ng takot dahil sa pagsilang ng animnapu't tatlong imortal, limang araw na ang nakararaan. Habang ang ibang nilalang naman, kung saan ang kanilang mga ninuno ay kabilang mahigit animnapung nilalang na nakaakyat sa 'immortal stage' ay labis ang kagalakan ang kanilang mga puso. Subalit ang mga pangkat (sect) na may hindi pagkakaunawaang namamagitan sa mga pinalad na angkan at 'sect' ay patuloy na nababahala.

"Tila wala pang palatandaan ng kaniyang paggising."
Nababahalang saad ni Granny Helyria habang tinitingnan ang walang malay na si Dravius.

"Maayos ang buo niyang katawan at higit sa lahat, tila nagkakaroon ng pagbabago ang kaniyang mga 'meridians' dahil sa pinagdaanan nitong pagkasaid sa enerhiya."
Saad ni Clorvio.

"Sa tingin ko naman ay hindi magtatagal at magigising na siya. Ngayon ang kailangan nating isipin ang paparating na 'Mellinnium War,' pagkakataon na natin ito."
Saad ni Xuan.

---

Dalawang araw pa ang lumipas saka nagkaroon ng pagbabago sa buong Blood Sapphire.

Sa araw na ito ay isang misteryosong himig ang tumutogtog mula sa kalangitan.

Nakakapanindig-balahibo ang misteryosong himig na tila nag-uudyok na sambahin ang 'langit' sa bawat alon ng musika.

Nabalot ng katahimikan ang buong planeta.

Nandilim ang buong bahagi nito. Ang dating maaraw ay tuluyang naging gabi.

Kulay gintong mga ulap, malinaw na kalangitan na tila ang mga tala'y nagsasayawan at halos abot kamay lamang.

Nagpatuloy pa ang malamig na tugtugin ng plauta sa langit. At ilang sandali pa, nahawi ang mga ulap at maraming nagliliwanag na pigura ang nagpapalipad-lipad sa himpapawid. Ang mga pigurang ito ay tila mga anghel, mga nilalang na may anyong tao ngunit nagtataglay ng dalawang pakpak na singputi ng ulap at singlambot ng hamog. Mga maaamong mukha, at masayahing mga ngiti at halakhak na kay dalisay sa pandinig ang sa himpapawid ay nagbibigay-buhay.

Isang salita lamang ang sa kanila'y mailalarawan, 'sagrado.'

Pagkamangha, pagsamba, at pagpapakumbaba ang nararamdaman ng marami.

Oo, marami, sapagkat hindi kailang marami ring mga nilalang ang isinusumpa ang 'langit' na sa kanila raw ay nagdudulot ng pasakit at pagdurusa. Sila ang mga nilalang na masasabing tagapagtuklas ng sikreto ng langit. At ang pangkat nina Granny Helyria ay isa sa karaming halimbawa nito.

“Sambahin ang bagong tagapagbantay ng langit! Tagapagligtas ng lipi ng liwanag, sugo ng kabutihan! Alagad ng 'tagapaglikha' at mandirigma laban sa kadiliman! ALL HAIL, JILLAN!”

“HAIL JILLAN!”

“HAIL JILLAN!”

Kasunod ng sigaw ay ang pagsisiluhuran ng napakaraming nilalang sa lupa habang puno ng pagsamba ang kanilang mga mata.

Hindi mawari kung ito ba'y dulot ng kanilang paniniwala sa langit o kaya'y epekto ng misteryosong himig ng plauta, ngunit ano't ano pa man, ang nangyayari sa lupa, ang mga nilalang, napakaraming nakaluhod at nagpupugay sa kung sinumang nagngangalang 'Jillan' na siyang bagong tagapagbantay ng Blood Sapphire.

Ilang sandali pa ay natanaw ng lahat ang isang binatilyong balot ng ginintuang roba. Maliit at payat kung mailalarawan ito. Kulay puti ang kaniyang natural na buhok at ang kaniyang mga mata ay kulay ginto. Nakapaskil sa kaniyang labi ang matamis na ngiti ngunit kung titingnan sa malapitan ay masasabing isang nilalang na walang maidudulot na kabutihan ang inilalarawan ng ngiting iyon ni Jillan.

Ardon (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon