Part 3:Sir Ed

9 1 2
                                    

Wednesday ngayon at first time ito na papasok ako sa classroom para mag observe. Inaayos ko muna sarili ko bago ako papasok sa classroom kasami si mam.Julie. Ang classroom ko ay nasa 4th floor at ang schedule ay 3:00-4:00 pm. Oo nga pala, hindi p.e binigay sakin ni mam.Julie, meron rin pala siyang Social Science na Subject at yun ang ituturo ko. Wala nga pala akong alam sa social science kaya mag aadvance reading ako mamaya.

5 minutes bago mag a-alas tres ng hapon, medyo excited ako makita students ko. (May passion si sir).

"Are you ready "Sir.Manalo" tanong ni mam.Julie na may kasamang sarcasm haha.

"Oo naman mam, Ako pa :)" with confidence kong sinagot dahil di nga naman talaga ako kinakabahan.

Papasok na kami sa classroom at pumunta ako agad sa likoran para mag observe, napansin ko na medyo kaunti palang ang students, late ata ang iba.

Nagsasalita na si mam.Molina at heto nanaman ako nag iisip ng malalim. Ilang saglit pa ay may narinig na akong mga tunog ng naglalakad na mga naka high heels na estudyante. Nakita ko ang uniform nila at na conclude ko mga Mass Com. Students sila. Parang na challenge ako bigla dahil alam akong magagling sila.

nakapasok na lahat at--- teka meron pa palang isa, "Good Afternoon mam!!" sabi ng isang Mass Com. "Late" student. 15 minutes nga nga naman siyang late at napaka jolly pang nag greet, nakakatawa tong isang to. Di ko siya masyadong nakita kasi natakpan ang side ng face niya sa mahaba niyang buhok. Pero nasesense ko maganda siya.

Tumahimik na ang classroom ng simulan na ni mam.Julie ang unang activity niya for this semester. Eto ay ang pag sasaulo ng preamble of the Philipine Constitution.

"Any volunteers?" tanong ni mam.Julie sa klase.

"Mam, ako po!" Sabi ni Ms.Late

"Okay, ms.Dimaglangit come here in front" sagot ni mam Julie.

Tumayo si ms.Late at stylish pang tumatayo parang ewan, pag lapit niya gilid bigla pa siyang natumba dahil nahagip ng sapatos niya ang paa ng upuan. Palakad na siya sa harap at parang di yata maayos ang kaliwang paa niya dahil hirap etong maglakad, para tuloy siyang tipaklong.

Humarap na siya sa klase at dun ko unang nakita ang mukha niya. Tama nga ako maganda siya, napaka ganda. Yung mata niya ang sarap tignan, yung careless niyang smile na napaka attractive, di ko namalayan naka tulala na pala ako kaya ginising ko sarili ko at nag observe muli.

"We the Sovereign Filipino People impyoring- ayh mali imploring the aid--

Hirap siya ng bahagya sa pag sasalita pero may potential naman. Na didistract lang talaga ako sa ma amo niyang mukha.

(Fast forward)

Natapos ang klase ni mam.Julie ng maayos at walang gusot. Marami rin akong natutunan sa pag oobserve at by friday mag sisimula na ako sa una kong pag tuturo.

Mag fifive na at tapos na ako sa mga ginagawa ko kaya nakapag decide nalang ako na umuwi na.

Naglalakad ako papuntang Gate para umuwi na ng may makita akong anino sa harapan ko. Inayusan ko ang pag tingin at nakita ko si ms.Late. Naglalakad siya sa mismong harapan ko parang ilang feet lng ang layo. Naaalala ko tuloy yung sobrang ganda niyang mukha at sigurado may maraming fans ito. Di ko na pinansin at nag patuloy ako sa paglakad.

Palapit na ako sa gate at di ko na nakita si ms.late dahil papunta siyang second floor. Pero sa isipan ko parang pamilyar yung Scene nayon. >_< di ko lang ma alala.

That Scene with YouWhere stories live. Discover now