Part9: That Scene w/ Her (1)

12 0 3
                                    

York New Museum 12PM . Friday.

Schedule ng pag memeet namin. Oo sa isang museum, buong akala ko magkasama kaming pupunta pero nalaman ko di pala siya sumasama sa kahit kaninong lalaki na mag isa lang. Naiintindihan ko dahil medyo sensitive yung karanasan niya sa isang lalaki at yun yung rason she does not trust any guy at all. Lalo na ako >_>. Pero ang purpose ko lang ay pasiyahin yung pasko niya sa paraang alam ko. Basta makita ko lang siya ulit okay na yun.

*Beeeeep*

"Ed? " mensahe ni Emmy.

"Ah,Em, Kumuzta ^_^ ano yun?" Bati ko sa kanya.

"Ah- alam mo, bibigyan kita  ng chance, dahil pasko ngayon, at wala akong maisip na eregalo sayo, kaya esasama nalang kita sa Museum , okay ba yun?" tanong ni Emmy.

Nagtatanong ka pa?, sobrang saya ko malaman yan, My God I'm on cloud 9. Salamat Lord!!!

"Ahh, oo okay lang, basta mabigay ko lang tong Christmas gift ko sayo" sagot ko , pabebe si Sir bwahaha.

"Then it's settled :), See ya" Pamaalam na sagot ni Emmy at nag offline na rin ilang saglit pa.

Napaka saya ko ng gabing ito, Panigurado di nanaman ako makaka tulog :D

(..........)

*Emmy's POV

I'm shaking, di ko pa nasubukan ulit, sumama sa isang lalaki, well, teacher ko naman siya kaya okay lang, pero iba yung kinatatakotan ko, di dahil ay baka may gagawin siyang masama kundi, dahil baka,-- baka, .. mapalapit ako sa kanya <_< . No, no , no never Emmy, Conceal it, don't feel. Elsa tayo et.

Makakain na nga lang nagugutom ako sa pa cute na student teacher na yun, tse. >_>

.
.
.
.
@Ed's Dream

" Wag!!!!,wag mo gawin yan Ed!, ano kabang bata ka? ano na problema mo? " sigaw  ni Auntie habang kinukuha ang kutsilyo sa kamay ko.

"Naka droga ka ba?, ha? katulad ka lang nila! letse!" Sigaw ng tiyohin ko

----

Bigla ako nagising dahil sa mga nakaka tayong balahibo na mga salitang yun.

"Panaginip lang pala" sabi ko sa sarili ko.

Maraming beses ko ng natanong, Pinanganak ba akong Adik?, kahit kailan di ako nag try mag drugs, kahit kelan di ako na liligayahan sa alak, ba't ganun? hinahanap ng katawan ko. :'(

Di ko nalang inisip, kailangan kong ibura sa isipan ko yan, dahil kahit kailan di ako tutulad sa kanila.

Friday nga pala ngayon kailangan ko ng mag handa.

******************

11:57 at nakarating na ako sa YorkNew Museum. Sakto lang dating ko, dapat mauuna ang mga lalaki para mag hintay.

Hanip yung damit ko naka loose sweatshirt na may kasamang Cap at dala dala ko pa yung napaka laking box na may lamang regalo. Perfect Ed, mukha kang delivery boy hahays.

"Sir,?" may biglang tumawag

Sh*t si Emmy, Ang layo niya kung maka tawag. Ah, oo nga pala uncomfortable siya sa mga lalaki so, kailangan ill keep my distance.

"Ahm, Hi :) so, Ready kana ?" tanong ko.

"Oo naman, pero mukhang uulan yata" sagot niya habang naka titig sa mga ulap.

"Okay lang yan, favorite ko yung ulan :)" pabiro ko siyang sinagot.

Mayamaya pa'y pumasok na kami sa Museum, it was struggle dahil saktong 12 pm lunch break ng accounting office at kailangan namin magbayad muna bago maka pasok sa Museum.

That Scene with YouWhere stories live. Discover now