The next destination ng aming historical tour ay ang fort san pedro at Cathedral Museum. Di alintana ang ulan, di kami nagpapigil.
(Oo, tama iniisip niyo nagka part two siya pero di namin planado, iwan ko baka gusto nya talaga ako makasama uli o timing lang na papunta siya sa mga historical spots na yun and she let me tag along)
Chance ko natong mas makilala pa siya. Di ko rin inakala na magkaka second part pa yung ina akala kong una at huli naming pagkikita. Niyaya niya kasi ako.
Sa puntong yun, nakalimutan ko na yung plano kong kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya, O di lang talaga malimutan, bahala na nga.
Nag hihintay ako sa may Lobby ng school, di nanaman ako mapakali.
*Woooooshhhhh* ?? may dumaan, napaka ganda at naka suot ng puti, medyo na aninag ko yung silhouette pero alam kong siya yung tumatakbo , sigurado nakita niya ako naka upo dito.
Oo nga pala, May kukunin siyang Somewhat napaka anghang na Pancit.
Ilang minuto pa,
"Ed, Tara na" Sabi niya
"Ah, cge tara, Fort San pedro tayo ngayon diba?" tanong ko sa kanya
"Yes ^_^" Pangiting sabi niya
Nahahalata ko, medyo iba yung kilos niya ngayon. Napa ngiti nalang akong nag isip at habang tinitignan siya.
"Hoy, mauna ka ngang maglakad, di ko gusto yung tinitignan ako sa likuran" Biglang sabi niya
"Ah-eh, Ah, ah s-sorry cge cge hahaha" nabubulol ako habang sumasagot.
Mas komportable na siya ngayon compared noong kahapon. :)
Maya-maya pa'y nakarating na kami ng Fort San Pedro at first time kong makapasok doon -_- sa tinagal tagal ko dito sa city namin, ngayon ko lang napasok to. I think marami talaga akong namiss dahil sa pagiging introvert ko. Introvert ako sa paraan ng pag iisip at pag o-open up saking nararamdaman. Sumasama naman ako minsan sa Friends, pero kailan ma'y di nila nakilala ang totoong ako.
Sa puntong yun tanaw-tanaw na namin ang mga historical figures, crafts at antiques. Hanip ang lugar talagang classic, panahon pa ato to ng mga kastila.
"Ed, tumayo ka sa corner at medyo mag pose ka" biglang request niya
Ako naman di nalang umangal at nag pose -_-
*Click*
dinig ko yung shutter sound ng camera. Okay lang siguro isa lang naman.
...... (30 minutes later)
Dyan!!, tayo ka dyan, yannn wag masyadong stiff Ed!" Sabi niya
-_- Ang dami ko ng pics siguro kanina pato eh. Di talaga ako komportable sa harap ng camera huhu. Selfie lng talaga ako magaling.
Mayamaya pa bigla ako napa titig sa mga mata niya at ang napaka ganda niyang ngiti :)
Grabeeee, ang ganda niya talaga :) Di ko na namalayan naka ngiti na pala ako.
*Click*
"Sa wakas Ed, nice yung smile dito oh" biglang sabi niya pagka tapos nya akong kunan.
nakalimutan ko naka pose nga pala ako. Stolen shot na ata yun.
Nalibot na namin ang buong fort san pedro at naisipan niyang lumipat sa pangalawang destination namin. The really old cathedral museum. Wala akong ideya ano nasa loob doon.
"Ed tara, Lipat na tayo, this will be enough hehe" pa smile niyang sabi
"Ginawa mo akong model Ms.dimaglangit" -_-
"Nyori naman, Namiss ko lang to"
"Ang ano?" tanong ko
"yung photography" :)
Naka tingin lang ako sa kanya habang nakikita yung smile niya. Ganito pala siya kaganda pag ang say saya niya.
"Em, souveiner shop oh, gusto ko bumili" nakita ko yung isang shop ng kwentas tsaka bracelet
Nag hanap2x ako ng pwd kong ibigay sa kanya. Hanggang sa may nakita akong isang bracelet na may naka lagay FRIEND. Oo ladies and gentlemen. Friend, Friend lang ako, hanggang doon lang. Haha lalo kong sinaktan sarili ko pero yun ang binili ko.
Naisip ko mas mabuti na to kaysa wala.
"Eto nalang oh, cute. :) tawag dito Friendship Bracelet, total tinuturing mo naman akong Kaibigan ko dba?" tanong ko
"Aba, oo naman sir. Teacher ko at kaibigan pa" Pabiro niyang sagot.
"Para naman di masira yung pagkakaibigan natin, gusto ko ikaw mag tali ng bracelet sa wrist ko, at vice versa"
Actually, gawa gawa ko lang yan, gusto ko lang talaga na , siya yung mag tali noon sa kamay ko. Diskarteng mang Juan eh. -_-
Tinali na niya at ako naman kilig na kilig.
"Ayan, Tapos na" Sabi niya
"Salamat, sa puntong eto, hindi masisira yung pagkakaibigan natin kahit kailan" sabi ko
Naka ngiti ako sa moment na yun pero sa kaloob looban , para na akong mamamatay sa sakit. Damn, it hurts. Kaibigan lang naman talaga kami.
"Tara na!," anyaya niya
"Sige tara " sagot ko, habag kinoconceal yung pain na nararamdaman ko.
Ilang lakad pa nakita na namin ang harapan ng Cathedral Museum.
YOU ARE READING
That Scene with You
Short StoryThis is my first time to ever write here on wattpad. I just cannot store these feelings I have for someone so I decided to make a bit of a story to let these feelings wander and be expressed. : This story centers on the melancholy of Eddy Manalo at...