Part 4:Butterflies and Memory

10 1 3
                                    

"All black tayo ngayon ah, kamukha mo na si Gung Yu sa Goblin" pabirong sinabi ni Jen

"MyOb jen, wag ka nga makulit nag popokus ako dahil first day kong mag tuturo, oh yeah" Sabi ko kay Jen

"Wow, excited parang kailan lang ang lungkot2x mo dahil di ka naging under ni madame" Paalala ni Jen

"Ikaw na nga nagsabi diba, e appreciate nalang" sagot ko na nagmamadali na para maka punta sa klase ko.

(Ilang saglit pa)

Nakaka inis naman napaka layo ng classroom nasa 4th floor. Di pa ako nakapag sasalita sa harapan pinagpapawisan na ako. Oo nga pala, kaharap ko na sila, naku! ano una ko gagawin nalimutan ko plans ko LoL.

"Good Afternoon guys" nag greet ako sabay smile sa kanila.

"Sir, single ka po?" pabirong sabi ng isang estudyante ko.

"That is out of the topic na, ahm-- ano nga pangalan mo?" striktong sinabi ko habang tinatanong ang kanyang pangalan.

"Nina po sir *sabay kindat*" sagot ng estudyante.

Nagpakilala ako ng maigi sa buong klase pero di lahat, of course pinipigilan kong mag share ng personal na bagay tungkol sakin kasi, mala MMk yung estorya mg buhay ko.

kakaunting segway lang haha

*Lumaki ako na wala ang parents ko, Maganda't sexy ang aking ina, at energetic ang aking ama. Double meaning dba haha, sa mga napa isip, Prosti si mader at Lord si pader, drug lord. Kaya malamang hindi sila responsabling mga magulang at bata pa sila ng isilang ako. Inampon ako ng aking lola at ipinaubaya sa aking tiyahin, kaya lumaki ako na di nasanay na may ama at ina, ibang iba kas yung tiyahin pero nagpapa salamat parin ako na nasa mabuting kalagayan ako. Oo nga pala, dito rin nag originate yung pagiging loner at introvert ko, lagi kasi akong kinukutya ng mga pinsan ko na di raw ako nararapat tumira samin, bakla,iyakin, anak ng -- wag na, ayaw ko talaga makarinig ng masasamang salita tungkol sa aking mga magulang. Galit ako sa kanila pero inintindi ko nalang kasi wala na akong magagawa eh, nangyari na ang mga nangyari. Eka nga nila, that's life.

balik na nga pala tayo sa klase ko haha*

Mga 30 minutes ng nakalipas matapos ako magpakilala at nag bigay na rin ako ng activity.

"Okay, so magtatawag ako ng pangalan para sa unang tatayo at mag sasalita tungkol sa quote that I wrote on the board" sabi ko.

"Sir, paano nyo kami matatawag eh di niyo nga kami kilala, diba"

Naku, naka limutan ko nga pala yung masterlist LoL.
teka yung nag sabi nun si---

"Sir, pwd po ako mauna? by the way ako po si Emmy Dimaglangit isang Mass Com student and I am on my 3rd Yer-- ayh este year pala" Confident siyang nagsalita

"ah- ah okay ms.Dimaglangit you can be the first" Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko , grabe ang Guts ng isang to, woah pinag papawisan ako. Teka, bakit ba.. di ako maka tingin sa kanya habang nag sasalita, parang sasabog na yung dibdib ko sa kaba.

"That is why change should always start with ourselves, thank you :)" confident rin niyang tinapos ang speech niya at parang inesmilan niya pa ako. >_> nakaka inis nato ah, pero I have to admit hindi talaga siya masamang tignan.

Natapos ang klase ng matapos mag salita ang pang huling estudyante ko, oral activity narin kasi yun kaya pinagsalita ko lahat.

papalabas na ang mga students ko at ako naman nililinis ang chalk board. Good bye sir sabi ng grupo ng Mass Com students, nginitian ko sila sabay nagsalita ng bye ^_^"

Nasa hulihan ng kanilang grupo nakita ko siya at sa di inaasahang pagkakataon nag ka salubong ang mga mata namin, Nakita ko ng up close gaano ka ganda ang kanyang mga mata >_> pero dali dali akong bumitaw sa pag tingin sa kanya.

"Bye sir, :)" Sabi ni Ms.Dimaglangit

"ahm, --" bago paman ako makapg salita ng bye sa kanya nawala na siya na parang bula. Bilis maglakad eh.

Teka, (Bigla akong napa isip dahil may naalala ako sa mukhang yun) parang nakita ko na yung mukhang yun. Di ko lang talaga maalala.

That Scene with YouWhere stories live. Discover now