Part 6: Status Update

13 1 3
                                    

Mag to-two weeks na simula ng mag OJT kami. Oo, nangyari ang extension dahil maayos raw yung performance namin. Hanip!

Gabi na at nag so-scroll down ako sa facebook ko. Napag desisyonan ko na mag update ng status since, wala nanaman akong ginagawa. Oo, nga pala inapprove na ako ni Emmy >_> Araw-araw yata ako nag sta-stalk sa FB niya. Nakaka inis nato ah.

Panay ang reactions niyang HaHa! sa ibang status ko. >_> kulit ah, wag mo pansinin Ed, wag kang mag chat. Kahit anong mang yari panigurado may mangyayari nanaman. Maiinlove ka Gago!

Nag update na nga ako ng status at this time may shinare akong picture. Ang nakalagay ay "What do you want for 2018" naalala ko may plano nga pala akong lumabas ng bansa para maka pag trabaho, gusto ko kasi mabigyan ng bahay ang auntie ko na siyang nag sakripisyo para sakin at lahat lahat. Kaya yun, ang nilagay ko (medyo corny) ay A whole new world.

*Beeeeeep*
aba may reaction na agad at guess who si Emmy. Nanaman :D.
Teka, sobra nato ah e memention kita sa comment (Parang gumagawa lang ata ako ng rason para meron lang ako masabi sa kanya).

Typing........

*Beeep* ha? may nag comment.

Emmy Dimaglangit: That is impossible sir HAHAHA

Aba, naunahan akong mag comment ah. Napaka literal naman ng understanding niya hay naku hahaha. Sasagutin ko nalang siya sa Chat.

"Ms.Dimaglangit?" unang send ko sa chat

"oy sir :)"

"Yung ibig kong sabihin sa--"

nagpatuloy ang pag cha-chat namin, napunta pa nga kami sa iba't-ibang klaseng topics. Narealize ko rin, kahit mag chat pa kami mag damag okay lang. Masaya siyang kausap kahit medyo mahilig mag assume hahaha. Pero bilib na bilib ako ang dali niyang nabasa ang personalidad ko.

Natapos ang Gabi ng ako'y naka ngiti. >_> pinipigilan ko, pero heto nanaman ako, tumitibok nanaman si puso.

That Scene with YouWhere stories live. Discover now