Part 11: Ghostly Encounter

11 1 4
                                    

"Di ako maka paniwala, napaka eerie ng atmosphere dito, Hindi ito mukhang museum parang bahay lang talaga na napaka tanda na" bulong ni Emmy habang nag oobserve kami sa buong paligid

"Ah, Mam/Sir , gusto nyo po e tour ko kayo ? , o gusto nyo po kayo nalang" Nag offer yung Girl na nasa lobby.

Nagka tinginan lang kaming dalawa habang ngumingiti, At ibig sabihin ng mga pilyo naming ngiti, Gusto naming mag explore ng walang kasama. Dahil hindi yung artifacts yung habol namin kundi yung ghostly encounter. :D

Sa pagkakataong yun, Di pa kami umaakyat sa 2nd floor kung nasaan ang totoong katakutan. Dito pa kami sa may mga paintings section ata.

"Punyita!, ang mamahal ng mga paintinf " biglang napa strong yung reaction ko matapos makita yung price na 20,000

"Malamang di basta2x yung mga painters nyan noh" Sagot naman ni Emmy.

.........

"Ah, puwede mag tanong?" Bigla akong nag salita matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Yan naba tanong mo?" patawa nyang sagot

Pilosopa talaga haha.

"LoL, gusto ko lang sana malaman, anong tipo mo sa lalaki? " Walang hiya bat ko natanong yan, hay naku!

"Bat, mo naman gustong malaman Sir >_>"_ bigla siyang napa look away nang matapos kong tanungin iyon.

"Ah-Eh..ah, h-hindi mo kailangan sagutin yun Ms.dimaglangit hehe, Stupid question para tuloy ako teenager"

"Okay lang sir, ano eh, pare pareho lang naman tingin ko sa mga lalaki, walang pinagkaiba" Sagot niya

Napa tingin nalang ako habang iniisip yung sagot niya, medyo malungkot ang naisip ko kasi alam ko kasi ng slight yung past niyang experience sa ex-boyfriend niya. Noong malaman ko tungkol doon, unang una naisip ko , napaka gago ng lalaking yun paano niya magagawa sa isang ganitong babae yun, si Emmy ay hindi yung klase ng babae na basta basta nalang binibigay yun, para siyang glass na kailangang kailangang alagaan dahil madaling mabasag, pero siguro mahal na mahal niya yung lalaking yun dahil, nagawa nya ngang maibigay sa lokong yun ang pagkababae niya.

Napabuntong hininga nalang ako at para bang nawawalan ng pag-asa. Pero di importante yun, ang importante mapasaya ko siya, okay lang sakin kahit huli natong araw nato , okay lang na maisip niyang wag na kaming mag kita pa o mag spend time together tulad nito. This Scene is enough for me.

Natigil ang pag-iisip ko ng  nagsalita si Emmy.

"Hoy, tara na, punta na tayo sa 2nd floor"

"Ah-sige tara" nag smile ako sa kanya ngunit iniwasan ko yung tumingin sa mga mata niya baka kasi maiyak ako.

Papunta kami sa may hagdanan at di pa kami umakyat agad agad.

Ilang saglit pa ng makita namin ang hagdanan patungong 2nd floor. Nagka tinginan kami at nag smile sa isa't-isa pero may halong kaba. Para kaming mga bata na naka discover ng magic portal.

"Ako na mauna" sabi ko

Paikli ikling mga steps patungong taas, aaminin ko di talaga ako madaling matakot pero sa puntong yun di mapakali yung nararamdaman kong kaba.

Malapit na ako sa taas at nung nasilip ko ang lugar napakaaaa dilim pero na aaninag ko yung mga santo at rebolto.

Lumingon ako kay Emmy na papaakyat palang sa hagdanan. Pag lingon na paglingon ko, Biglang may dumaang shadow na napaka weird. Nagulohan ako dahil nakita ko yung shadow sa likoran ni Emmy pero di ko maipaliwanag dahil sa salamin ng rebolto ko nakita yung anino.

That Scene with YouWhere stories live. Discover now