*2 days after Christmas*
------------------
"aah----- sh*t heto nanaman!, "
Nangangalay ang aking leeg at parang I was shaking like hell. Sobrang uhaw ko,para akong , ------ ayaw ko talaga gamitin ang term na ito--- pero kailangan ko aminin, heto ako, ganito ako, pinanganak akong ganito! dahil sila mismong parents ko. Mga pabaya na mga magulang,
Oo, aaminin ko , para akong isang adik. Adik na kapag tumigil sa pag dodroga parang nababaliw ang katawan. Pero kahit minsan di ko kailanman tinikman yang sinasabi nilang droga. That's the thing I hate the most in this messed up world.
"Ahhh----, " lalong tumitindi ang kabog ng puso ko na parang tumatakbo ako ng ilang milya na walang pahinga, Kailangan kong uminom.
(Sa kaalaman nyo, yung case ko ay napaka rare. Isa itong in born problem o syndrome. Nag resesrch ako for a year nito at ang number one cause nito ay drinking, taking drugs at smoking while carrying a fetus or baby, in other words habang nasa tiyan pa ako ng aking ina, hindi siya tumitigil sa kakainom at kaka singhot ng droga. Sa aking pagkaka intindi, wala siyang paki alam sa akin , di nya iniisip ang pwedeng mang yari sa akin kapag pinag patuloy niya yun habang dala-dala ako.
10 years ago---- --------
"O, ayan try mo to, tikim lang" alok ng uncle kong lasing na lasing na.
"ayaw ko po, walang lasa yan" sabi ng 10 year old Eddy
"Alam mo!, lalo mo lang pinapatunayan na bakla ka at iyakin, hala sige!, pag di ka uminom epababalik kita dun sa gilid ng Sapaan, kung saan naka tira yung mama mong adik!" Sigaw ng uncle ko
"Pre, tama na yan, bata lang yan" awat ng kaibigan ng uncle ko
"Wag mo nga akong paki alaman, o heto uminom kana, isang baso lang naman" Sa puntong yun, hinawakan na ng uncle ko mga kamay ko, at pinilit na inumin yung beer sa baso.
Napa iyak nalang ako habang umiinom.
*------ after mga 10 seconds"
Para akong masusuka, kadiri yung lasa. pagkatapos noon, tumakbo nalang ako sa kwarto namin at umiiyak mag isa, Ako lang mag isa sa bahay kasi lahat ng mga cousins ko nandoon sa Super Mall kasama ang auntie namin na taga Australia.
Oo, Hindi ako kasama, kasi ayaw ng auntie ko na sumuka nanaman ako sa Taxi. Madali kasi akong magka travel sick "Whatever you call it" .
Kaya yun, mag isa si Batang Eddy, at napag tripan pa ng
mga tiyohin.Habang nasa kwarto ako, iyak ako ng iyak. Sa kakaiyak ko biglang pumasok yung alaga kong aso si Chubby, Isang maliit at itim na mini-fencer. Para cinomfort pa ako ni Chubby, siya lang nag iisa kong bestfriend dito sa bahay.
Biglang na divert ang attention ko kay Chubby, di ko na namalayan naka tulog na pala ako sa floor ng kwarto at kasama ko si Chubby.
Hapon na ng gumising ako sa mahabang idlip. Tahimik parin ang bahay, di pa yata nakaka uwi ang aking mga cousins.
--------
Nang tumayo ako, bigla akong napatigil, naihi ako sa aking pantalon, nanginginig ng sobraaaaa, ngayon lang to nangyari. Di ako mapakali, umiyak ako ng umiyak. Gustong sumigaw ng tulong pero hindi pwede, dahil baka pagagalitan nanaman ako ng uncle ko.
Ilang saglit pa, hinimatay ako---
*********************
YOU ARE READING
That Scene with You
Short StoryThis is my first time to ever write here on wattpad. I just cannot store these feelings I have for someone so I decided to make a bit of a story to let these feelings wander and be expressed. : This story centers on the melancholy of Eddy Manalo at...