ELLA & LEILANIE ENCOUNTER
Nasaan na ba si Carl. Kanina ko pa siya hinahanap eh. Ibibigay ko na mga articles na ginawa ko para sa mga shots niya.
Patingin tingin lang ako sa buong campus na parang gaga dahil di ko makita si Carl. Like heck, nasaan ba yung lalaking yun.
And finally, nagpakita din. Habang papalapit ako kay Carl ay bigla nalang...
"Hey ugly little nerd!" Harang sa akin ni Jenny Ong.
Kasama niya si Fritzie Lee.
"Akala mo ba dun na lang matatapos yon? Hello. Wala kang karapatang pagsalitaan kami ng ganun. You are nothing, but a nerd with big glasses. No one notices, unless you get embarassed" dagdag pa niya
"So, we will make you embarass. Sayang exposure" sabat din ni Fritzie
At ang ikingulat ko ay noong lumabas mula sa likod nila si Leilanie Worelock.
Aba at nagsumbong pa talaga ang dalawa. Ako pa lang ito ah. Ella pa lang ako, napapalaban na sila. Heck, what would I expect. Eh hanggang paa ko lang naman itong mga ito.
"Who...are.....you?" Tanong sa akin ni Leilanie
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Hahaha. I just asked your name, bakit takot na takot kana?" Sabi niya.
Hindi ako natatakot. Sinusuri ko lang ang pagmumukha nito. At confirmed, mas maganda nga ako dito. Now I know why JV chose me over this girl. No doubt.
"I am Ella" sabi ko.
Syempre naman, di ko sasabihing Estella ang pangalan ko. Nako, pang matanda. Pagtawanan pa ako neto. Wala pa eh talo na ako.
"Oh. Interesting. I do not know you." Sagot niya
"What is your connection to JV? Bakit ipinagtanggol ka niya kagabi at isinama ka pa niya?" Nagulat ako sa mga sinabi niya. Woah.
Ang bilis nakapagsumbong ng dalawang ito. Akala ko si Carmen lang ang kilala kong chismosa. Ano pa bang dapat kong iexpect sa dalawang ito. Cheap nga pala sila.
"Nothing" sabi ko
"No one answered me like that in my entire existence" sabi niya
"Ngayon meron na. I did. Congratulations!" Sambit ko.
*pak
Aray! Why did she slap me? Anong problema nito? Pikon agad? Wala pa akong sinasabi!
"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan. You are nothing! But a Nerd, just a Nerd!" Sambit niya at umalis na siya.
Nakatingin lahat ng estudyante saamin. Ang dami palang mga usisera at usisero dito.
Well, tama siya. I am nothing as Ella. But, as Fatricia Nicole Williams, I do not think so.
Oo, walang karapatan si Ella na pagsalitaan siya ng ganun. But Fatricia has.
---
Nasa may bench ako ng school, kung saan ako laging nakaupo.
Iniisip ko yung nangyari kanina. Baka magtaka na ang ibang estudyante kung bakit ako nilalapitan ni JV. Lalo na si Leilanie.
She used to be obsessed with JV. Lahat halos ng lumalapit at nilalapitan ni JV na babae ay pinag iinitan niya.
Last time nabalitaan ko na binuhusan niya ng Iced tea yung babaeng lumapit kay JV. Yuck, napaka low class niya. Talagang magkakaganon siya dahil sa isang lalaki na hindi naman siya gusto? Buti na lang talaga at ako ang nagustuhan ni JV. Kaya hindi niya ako masasaktan as Fatricia.

BINABASA MO ANG
Both Identities Fell Inlove
General FictionIs it possible that both identities fell inlove? Isang maganda, mayaman pero malditang tao si Fatricia. Wala siyang sinasanto. Lahat ayaw sa kaniya. Pero sa isang iglap, lahat ng yaman at kagandahan niya ay pansamantala na munang mawawala dahil kail...