FATRICIA IS BACK!
~
Ang sarap lang sa feeling na maging ikaw ULIT. Ang sarap huminga not as Estella but as Fatricia.
Everyone notices not because you are ugly but because you are definitely beautiful.
You get attention not because you are embarassed, but simply because you take the whole hall when you roam.
You can walk confidently, concealing NOTHING!
Bawat estudyanteng nadadaanan ko ay nanlalaki ang mata. Hindi nila alam kung ano'ng gagawin nila. Pa'no sila magsasalita. Di nila alam kung paano nila sasabihin sa mga kasama nila na nandito na ako.
Finally, nakita ko na ang mga epalaytis sa may cafeteria. Nakatalikod sila but I know na sila 'to.
At hula ko may binubully nanaman sila.
Nakatalikod sila habang papalapit ako.
"Hey" sabi ko sa kanila.
Napalingon si Leslie. Napanganga siya at nanlaki ang mga mata niya.
Kaaagad niyang kinalabit si Stephanie para tumingin sa akin.
Nang napatingin si Stephanie ay napatingin na rin si Sassy. Tulad ng reaksiyon ng kaibigan nila. They were shocked. Isang pitik at mahihimatay na.
"Girls. I AM BACK" sabi ko sa kanila. Binagalan ko pa ang pagsabi niyan para dama nila.
I can see the astonishment in their face. The jolt that they enclasp and concealed from within themselves.
"Fa-Fatricia?" Gulat na sabi ni Stephanie
"Oh. Bakit parang naka kita kayo ng multo? Ako lang naman 'to." Umikot pa ako sa likuran nila para makita kung sino ang inaapi nila.
Nerd din, malaki ang salamin at... maraming dalang libro. May carbonara pa siya sa ulo. THE HECK! NANGGALAITI AKO SA GALIT. Really? Carbonara? Gaganunin lang nila? The heeeck? It is more important than them.
"What are you doing to her?" Tanong ko sa kanila habang nakangiti pa rin. I am trying to keep the composure into me.
Marami pa ring nakatingin sa aming mga estudyante. Waiting for my next move.
"Ah-ah. Kase, kase she is not beautiful. Ang panget niya. We are annoyed by her face. So we did that" sagot naman ni Stephanie na medyo nauutal pa.
Kinuha ko ang natirang Carbonara sa may lamesa.
At binuhos ko sa mga ulo nila, EQUALLY.
Then...
*pak
*pak
*pakTatlong sampal para sa tatlong makakapal.
Nasaktan ako do'n ah. Ang titigas talaga ng mukha.
"So, parang sinabi niyo na rin na may karapatan akong gawin sa inyo yan. Panget kayo. Nakakabanas mga pagmumukha niyo. Confirmed, pwede ko kayong ganyanin"
Tiningnan ko sila ng masama.
"As usual rule girls. Mang-api ka, kung kasing ganda mo ako!" Sabi ko sa kanila habang hawak nila ang mga mukha nila.
Napaurong silang tatlo, and I can see the tears forming on their eyes. The fear that went away so long when I left. But I can see that it is back again, as I remind them who they should fear.
"Which means, wala kayong karapatan kahit kailan na mang api kahit sino kung ka api api naman ang mga pagmumukha niyo!" Dagdag ko pa. Tumalikod ako at inirapan ko sila. Hinarap ko yung babaeng Nerd na inaapi nila kanina. May carbonara pa siya sa ulo.

BINABASA MO ANG
Both Identities Fell Inlove
General FictionIs it possible that both identities fell inlove? Isang maganda, mayaman pero malditang tao si Fatricia. Wala siyang sinasanto. Lahat ayaw sa kaniya. Pero sa isang iglap, lahat ng yaman at kagandahan niya ay pansamantala na munang mawawala dahil kail...