-
"WHHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT!!!!!!!!!!"
Hayst. Ang ingay talaga ng babaeng 'to kahit kailan.I don't even know if this is a great idea telling her. Like huh? Maka-sigaw wagas. Well, dapat na akong masanay, I mean sanay na rin naman ako. Nasanay na yung tenga at mata ko sa kanya.
"Ano ba Carmen? Ang ingay mo! Eh kung ipakain ko kaya sayo 'tong sapatos ko? Para manahimik ka. Heck. You make my whole body bicker on you"
Like heck! Nakakairita ang boses niya, at siya. The whole her, I get irritated. But that's not the point here.
"Are you serious?! Carl Espen? As in...kaibigan ni JV? Makakasama mo sa.......sa eklavush something churva na yan?!"
"Oo. I can't say no to the principal" I said at umupo muna sa couch, pagkapasok na pagkapasok ko kasi sa bahay ay sinabi ko na agad kay Carmen, at ayun nga. This witch screamed like there is no tomorrow. Whateverasticalified.
"Why not?" sabi niya at tinabihan ako sa couch
"Why not? What do you mean by why not?" pagtataka ko
"Why not? Why not to say no?" sabi niya
"You are stupid Carmen. Like what you wanted me to do?To say no? And then when she asked why? Ano gusto mong isagot ko? 'Uhmm. Ma'am Principal, kasi po I am just disguising, isa po talaga akong badgirl, ang tatay ko po ay secret agent kaya po kailangan ko mag disguise' . Like that? Ganoon ang gusto mong gawin ko? Hello Carmen. 'Wag mo paganahin ang pagiging stupid mo dito, this is a serious problem" Sabi ko sa kanya. Nakaka sakit ng ulo, eh bakit koba kasi sinabi kay Carmen.
"Oh. Hm, well, wala ka nang magagawa kundi galingan na lang ang pagdidisguise girl! Mabait naman si Carl...."
"Oh yesssiri. Sabihin ko na lang kaya sa kanya? Sabihin ko na lang sa kanya na I am Fatricia. Gaya nga ng sinabi mo, mabait naman si Carl, he'll understand"
Tukk
"OOUUUCHH!" Aww, like huh? Binatukan ba naman ako ni Carmen? Ang bibigat pa ng mga kamay nito. Ouch. Kapag nilagnat ako dahil dito.
"Aray ko naman, bakit ba? Makabatok ka ah! Do you want me to peel you using nailcutter. You freak!" sigaw ko sa kanya
"Eh tanga ka rin pala Estella eh noh! Sasabihin mo kay Carl? Yung totoo? Nababaliw ka na ba huh? Bestfriend yun ni JV, kapag sinabi mo sa kanya lahat, siguradong makakarating ito kay JV. Tapos, kakalat na at malalaman na ng lahat na ikaw si Fatricia. Tapos makikilala ka na nang mga kalaban ng tatay mo at pagbabarilin ka hanggang mamatay ka!"
Napalunok na lang ako sa mga pinagsasasabi ni Carmen, grabe. She's kinda exaggerating, ang OA niya. But, she has a point. Kahit gaano pa kabait si Carl, kapag sinabi ko sa kanya. Siguradong makakarating lahat ng sikreto ko kay JV.
"You have a point" at napabuntong hininga ako
"Alam mo Ella, buhay mo ang nakasalalay dito. Hindi lang ito isang simpleng sikreto na pwede mong ipagsabi kahit kanino. Hangga't nasa panganib pa si Fatricia Nicole, magkunwari ka muna bilang si Ma. Estella Dela Cruz." Tumango na lang ako sa kanya dahil, tama siya. Ano pa bang sasabihin ko.
Tama siya, kahit anong bait ni Carl. Kapag sinabi ko sa kanya ang lahat, he will surely tell JV everything, they were bestfriends since 4th grade, what would I expect?... Atsaka, ang ipinagtataka ko lang, paano naging kaibigan ni JV si Carl? Eh mabait si Carl at matalino, si JV naman ay Badboy at may pagka demonic ang ugali.
I am not supposed to think about it, kailangan kong isipin kung paano ko maitatago kay Carl lahat. Sana lang hindi niya ako masyadong pansinin. At sana lang, hindi niya ako mahalata. Well, hindi ko naman siya nakasama sa buong buhay ko back then, kaya hindi naman siguro niya mahahalata. But, I am famous back then. Kahit anong gawin ko, makikilala niya ako kapag gumalaw o nagsalita ako like how Fatricia does. Isa pa, sabi ko nga. Matalino si Carl. I can't somewhat hide such identity to him.

BINABASA MO ANG
Both Identities Fell Inlove
Genel KurguIs it possible that both identities fell inlove? Isang maganda, mayaman pero malditang tao si Fatricia. Wala siyang sinasanto. Lahat ayaw sa kaniya. Pero sa isang iglap, lahat ng yaman at kagandahan niya ay pansamantala na munang mawawala dahil kail...