IDENTITY 9

6 2 0
                                    

CARL ESPEN'S POV

Hey. I am, Iron Man and I love fighting evils. Joke lang. Hehehez.

I'm Carl Joseph Espen. I love photography. I love to study. I love playing video games. Ang iba sa inyo siguro kilala na ako. Hindi naman sa pagmamayabang, pero matalino ako. Sa katunayan, valedictorian ako nung elementary at highschool at sigurado akong magiging Summa cumlaude ako ngayong college. JV was my first friend. Siya ang pinakauna kong kaibigan. At ako rin ang pinaka una niyang kaibigan. Pero bago kopa siya naging kaibigan ay wala talaga akong kaibigan, mag isang kumakain lagi sa canteen, mag isang nakaupo sa classroom. Mag isang naglalaro. Pero, ok lang noon yun kasi hindi naman ako pinapabayaan ng parents ko. They have time for me. I was the only child. Wala akong kapatid. Naglalaro kami ni Papa pagkagaling niya sa trabaho. At si Mama ang naghahanda ng pagkain ko kapag umaga bago siya umalis papuntang trabaho. But then, I saw JV, lonely as I was in school. Pareho kaming walang kasama, pareho kaming laging mag isa. So I decided to approach him. We were in 4th grade that time Nilapitan ko siya, I asked him kung pwede ko siyang maging kaibigan. But, he rejected me. Sabi niya wag na wag kona daw siya lalapitan. And that was what I did. Di ko na siya nilapitan. It was so hard to be rejected. Kahit sino naman ay takot ma reject. Minsan ko na nga lang gawin yun, minsan na nga lang akong kumausap ng kapwa bata ko noon eh. Ganon pa naging resulta. Kaya that time,I promise to myself that I will never do that thing again. But, biglang nag iba ang simoy ng hangin. Lunch time, kumakain ako noong bigla niya akong nilapitan at tumabi saakin. He also asked me if he could be my friend. Ofcourse I said yes with a smile.

Close naman kami ni JV kaya pwede ko siyang tawagin sa nickname niya. Kapag kasi tinawag mo siya sa nickname niya, at hindi kayo close. Humanda ka.

I am specifically his confidant, para na kaming magkapatid niyan. And as you know, sobrang daming nagkakagusto diyan. Yun na nga problema ko eh, ako ginugulo ng mga nagkakagusto sa kanya. Badboy yang si JV, maraming natatakot sa kanya sa school. Siya lang naman kinatatakutan at kinaiinlove-an sa school. But I am sure, na mabait yan. It is hard for you to believe I know. Pero mas kilala ko siya, araw araw kaming magkasama niyan. Kaya alam ko na mabait yan. Siguro naging badboy yan dahil walang atensiyon ang mga magulang niya sa kanya. His parents were always busy to work back then until now. That might not be a big deal to JV pero. Napansin niya na iba ang trato sa kanya at sa kuya niya. Feeling niya unfair ang mga magulang niya sa kanya. Lahat kasi ng atensiyon ng mga magulang niya ay nasa Kuya niya. Si Kuya Kenzo. Bata pa lang sila, laging si Kuya Kenzo ang pinupuri. Puro magaganda at papuri ang sinasabi kay Kuya Kenzo, kapag masama ay kay JV na.

Naiintindihan ko naman siya, kahit sino naman ay magagalit kapag nailagay ka sa sitwasyon na iyon. Hanggang ngayon, si Kuya Kenzo parin ang laging binibigyan ng atensiyon. Lalo pa at nakapagtapos na ang Kuya niya. At siya ang magiging tagapagmana ng Company nila, ang Ford Company Incorporation. Bakit ko kinukwento sa inyo toh? Alam ko namang never ikukwento ni JV sa inyo toh. He hates telling this story, napilit ko lang siya noon.

Tama na muna ang storytelling, bigla akong pinatawag ng principal.

"Carl Espen?" Napatingin ako sa teacher ko at napatigil sa pagsusulat ko.

"Yes Ma'am?"

"Pinapatawag ka ng ating mahal na Principal" sabi sa akin ng teacher ko. (Tagalog talaga yan dahil Filipino ang subject niyan)

Tumayo ako agad sa kinauupuan ko at agad pumunta sa Principal's office. Hmm. I think she needs something or she wants me to do something again. I'm used to it. Nasanay na rin naman ako. Nothing's new.

*knock knock

"Get in!" Sigaw ng mula sa loob ng principal's office and I know it is our principal. Kaya, pumasok na ako.

Both Identities Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon