IDENTITY 4

22 2 0
                                    

Jeffrey Vs. JV

Estella's POV

Huhuhu. Sana lobo na lang ako. Para pwede na lang ako pumutok at makaalis sa sitwasyon na ito. Hanggang ngayon ay nakatakip parin ang hawak kong libro sa pagmumukha ko. Ayokong alisin. Kahihiyan to. Heck. Bakit koba kasi sinagot sagot itong lalaking toh. Eh hindi naman ako ang dating ako. Lakas pa nang loob kong gawin yun. Eh nerd look ako ngayon eh. Kakainis.

"Ms. Nerd, kinakausap kita" sabi pa niya

"Huh? Ako ba kinakausap mo?" Sagot ko pero nakatakip parin ang libro sa pagmumukha ko.

"Oo, kaya give respect. Don't cover your face when someone's talking to you" sabi niya.

Kaya tinanggal ko nang dahan dahan ang libro sa mukha ko. Pero noong makita ko na nakatayo siya sa harapan ko ay mabilis kong binalik sa pagkakatakip ang libro sa pagmumukha ko. The hell.

"Ano ba? Ako nga, ang gwapo ko, pero hindi ko tinatakpan mukha ko. Tapos ikaw? Tatakpan mo? How dare you" sabi pa niya saakin. Naiinis nananaman ako. Pero kelangan pigilan.

Kaya tinanggal kona nang tuluyan ang libro sa mukha ko. Pero hindi ko siya tinitingnan,nakayuko ako at nakatingin sa sahig. Lamunin na lang sana ako nang lupa. Takte.

"Oh? Kanina napakatapang mo, you look like a tiger. Pero ngayon, daig mopa ang tuta" sabi niya sa akin at medyo natatawa tawa pa siya.

"Ano ba kasi kailangan mo JV?" Sabi ko sa kanya.

"Woah woah woah. Do not call me on my nickname. Hindi tayo close. Only people who are close to me and is my friend could call me JV. Call me on my whole name" sabi pa niya.

Aba! Ang yabang talaga, gusto pa whole name. Pero tama siya, he only allows those who are close to him to call on his nickname.

"Ok fine, Ano pong kailangan niyo Mr. Jhon Van Ford? Is there anything po ba na mapagkakaloob ko sainyo?"

Sabi ko, pero mahina na lang. Kelangan maging mahinhin eh.

"Hahaha. Wala naman Ms. Nerd, I just want to inform you na kilalanin mo kung sinong kinakalaban mo. You do not even know who I am. I suggest na kilalanin mo muna ako. You can ask some students here in our school. They know me. I am famous. If you do not know me, you better do" pagmamayabang pa niya.

Ang yabang ni Mr.... Aba! Pake alam ko kung famous siya. Bakit ako dati? Pinagmalaki ko ba? Kakabwisit 'to ah. Atska. I know him, a lot. Eh kaya nga alam ko whole name niya eh. Ang yabang. Yung hangin niya, liliparin na ako.

"Ang hangiiiin!" Sabi ko sa kanya.

Napapansin ko na marami na ang nakatingin sa amin. Sabi ko na nga ba eh. Magtataka pa ba kayo? Eh feymuss daw tong lalaking toh. Sabi niya. Well, Oo nga. Napapansin ko naman. Kung makatili mga babae sa kanya. Huwagas.
"Ano sabi mo?"

"Ah wala naman 'Mr. Jhown Vawn Fowrd' " pang aasar ko sa pangalan niya.

"I am telling you again Ms. Nerd, you better kn--"

"Hoyyy!"

May biglang nag interrupt sa usapan namin.

Napatingin ako sa sumabat.

"Ano ginagawa mo kay Estella?"

Oh. Si Jeffrey pala ito. Siya na ba ang aking Superman?

"Who are you?" Tanong ni Mr. Yabang

"Jeffrey Cabrioza, kaibigan niya ako. At ikaw? Sino ka? Ano ginagawa mo sa kaniya?" Sagot ni Jeff.

Natawa lang si Mr. Yabang
"You do not know me? Really. Well, you better do"

Both Identities Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon