IDENTITY 5

18 2 1
                                    

DADDY

-
"Manong? Pakibilisan po please" pakiusap ko kay manong Driver, kailangan ko nang makarating sa bahay. Ngayon din. I need to see Daddy.

"Sori po Mam, bawal po kase talagang bilisan dito sa daan na ito, baka mahuli po tayo ng pulis"

Nakoo. Baka umalis na si Daddy. Lalo pa't... hindi siya dapat tumagal sa bahay. Mahirap na.

Pagkatapos nang mahigit kalahating oras, ay nakarating na ako.

Nagmadali akong tumakbo papunta sa bahay namin pagkababa ko sa Taxi. Nakita ko kaagad ang isang kotse sa tapat nang bahay namin. I am really sure that Dad is here.

"DAD?!" Sigaw ko pagkabukas ko sa pinto. Nakita ko doon ang isang lalaki at niyakap ko ito.

"Dad! I really miss you!" Sabi ko habang niyayakap ko ang Dad ko.

"Anak?" Sabi nang isang lalaki sa likod ko.

"Uhm. Estella, ito ang Daddy mo" turo niya sa lalaking nasa likod ko.

"He... is my assistant" sabi nang lalaking nasa likod ko.

Napatanggal ako sa yakap doon sa lalaking niyakap ko noong una.

Sorry naman, akala ko kasi si Dad yun. Hindi naman sa hindi ko alam ang itsura ni Dad, nagdidisguise din kasi si Dad eh. Alam mona, for him to be safe.

Unti unting inalis ng lalaking nasa likod ko ang kanyang piluka, pekeng balbas at salamin.

Hayyst. Si Dad nga ito, akala ko kasi yung una.

"Dad!" Sabay yakap ko sa kanya.

"Pwede niyo muna ba kaming iwan?" Sabi ni Dad sa assistant niya at kay Carmen.

Agad namang umalis ang dalawa at nag usap kami ni Dad.

"Dad? Gaano katagal kong gagawin ito?"

"Hangga't kailangan" sabi saakin ni Dad

"But Dad, I can't. Diko na kaya"

"Fatricia, kayanin mo, kayanin mo hangga't kaya mo. Magtimpi ka kung kailangan"

"But promise me Dad, that I will not be like this forever, ayokong maging ganito"

"Of course not. This is just temporary, pansamantala lang ito Anak. When I am done with my mission, everything will be back to normal"

"Paano kung hindi? Paano kung hindi mo magawa?" Sabi ko sa kanya nang marahan

"I will" sagot niya sa akin

"Bakit ba hindi mo nalang talikuran ang trabahong iyan Dad?"

"I cannot, kapag ginawa ko iyon. Baka malagay kapa sa kapahamakan, ayokong mawala kapa Fatricia. Ayokong matulad ka sa Mom at kapatid mo na namatay dahil dito sa trabaho ko"

Niyakap niya ako. Habang magkayakap kami ni Dad ay biglang tumunog ang relos niya. At nagmadali siyang tumayo.

"Sorry Anak, kailangan nanaming umalis. They sent me a message na kailangan na naming umalis. Just always take care. And don't worry, everything will be alright. Okay?" Sabi saakin ni Dad saakin at nagmadali na siyang umalis.

Nagkaroon nang pagkalungkot sa mukha ko. But I smiled. Kase alam ko na mangyayari ang sinabi ni Dad. That everything will be alright.

Nagpunta ako sa kwarto at umupo ako sa kama ko. Naisip ko nanaman si Jhon Van. Nainis nananaman ako nang wala sa oras. Makakaganti din ako doon sa ugok na iyon.

"Oh ano? Kumusta pag uusap niyo nang Dad mo?" Sabi sa akin ni Carmen

"It's Ok" sagot ko sakanya

Both Identities Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon