*bang *bang *bang
Ano yun? Is that a gunshot?
Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko.
I looked outside, and I can see nothing kahit may mga dim lights sa labas ng bahay namin. Masyadong malawak ang bahay namin para makita ko kaagad kung may tao.
"Maids! Maids!" I shouted habang papalabas ng kwarto ko.
Wala akong makitang tao, siguro dahil anong oras na din.
"Maids!" I reiterated.
"Ma'am!" Sigaw ng isang maid na finally ay sumagot din.
Ang dami dami nila dito tapos wala ni isa ang gising.
"Did you hear the gunshot?!" I shouted to her habang paakyat siya ng hagdan papunta sa akin.
"Opo Ma'am!" Sagot naman nito
"Call the guards, sabihin mo kumalat sa buong mansion! At tingnan mo kung saan galing ang putok na iyon!" Sabi ko sa kaniya ng natataranta.
Paano ba naman ako hindi matataranta? Hindi ko alam kung sino ang nagpaputok? I do not even know where that gunshot came from. Malay malay ko ba kung galing sa mga kaaway ng Dad ko yun?
I do not know why, but I am foreseeing the end of my life. Heck! What's happening to you Fatricia?!
I went down to 2nd floor dahil nasa 4th floor ang kwarto ko at nakita ko na lahat ng singkwentang katulong namin na nagsilabasan sa mga kwarto nila. Sa 2nd floor kasi nandoon ang mga kwarto nila.
"Ano? Tatanga nalang kayo diyan? Magbantay kayo sa buong bahay!" Sigaw ko sa kanila at agad naman silang nagsigalawan.
Bumaba pa ako sa 1st floor dahil nandoon ang main living room namin. Heck, bakit ba walang elevator sa bahay na ito. Nakakabawas ng beauty ang ginagawa ko.
Habang pababa ako ay dumating na ang inutusan kong maid.
"Ah. Ma'am" panimula ng maid.
"Oh?" Sagot ko naman.
"Ma'am, yung putok daw po ay galing sa labas sabi ng isa sa mga guard na pinadala ng Daddy niyo" sabi ng katulong.
"Guard?" Pagtataka ko.
"Opo" tipid na sagot naman nito.
"Ilang guard?" Pagtatanong ko sa kaniya.
"Hmm. Mga nasa isang daan po ata" sagot niya.
Grabe naman itong Dad ko? Isang daan? Talaga?
"Eh bakit isang daan lang? Tumawag ka sa agency nila. Sabihin mo magpadala pa ng dalawang daan" utos ko sa kaniya.
I might be exaggerated but heck, kaligtasan ko ang pinag-uusapan.
"P-po?" Sabi namn nito.
"Bakit ba lahat ng katulong dito ay bingi? Hindi pa ba sapat ang pinapasweldo sainyo para bumili ng cotton buds?" Sabi ko sa kaniya.
Agad naman siyang umalis sa harap ko. Doon niya pa lang siguro naintindihan ang sinabi ko. Heck.
I went into my bedroom noong dumating na ang mga guard na inutos ko dun sa bobitang katulong na iyon.
Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa contacts, I pressed Carmen's number.
Kailangan niyang malaman ito.
Pero...
I will just bring down my pride. Heck. Baka isipin niya pa madali akong mag give up at hindi ko kayang panindigan ang ginawa ko.

BINABASA MO ANG
Both Identities Fell Inlove
General FictionIs it possible that both identities fell inlove? Isang maganda, mayaman pero malditang tao si Fatricia. Wala siyang sinasanto. Lahat ayaw sa kaniya. Pero sa isang iglap, lahat ng yaman at kagandahan niya ay pansamantala na munang mawawala dahil kail...