***USUAL WARNING: FICTION***
"hey friend!"
"hey."
"you should try this wicked rollercoaster! grabe sya! as in!"
"hmm."
"huy. i thought you'd be excited. you love those rides, too, di ba?"
"yeah. sure."
"eh bakit ganyan ka?"
"wala."
"wala? wala kang kagana-gana! bakit ba ganyan ka? kasi paalis na kayo ng japan? tapos na bakasyon nyo?"
"wala nga to..."
"ako tigilan mo, bakit ba ganyan ka?! sobrang excited ko tapos ganyan ka!"
"yung post mo kasi..."
"ano na naman yung post ko?! yung reply ko kay kuya sam na naman? selos ka na naman?! excuse me, di ba nga 'friends' tayo as of this moment..."
"hindi yun. pero oo, yun din... pero hindi nga yun!"
"ano nga?!"
"yung nakabalitad ka! yung sa roller coaster! bakit ka ba nagpi-picture ng nakabaliktad ka?! papano kung nalaglag yung camera?!"
"ah ganun? inggit ka lang kasi kaya kong magpicture ng ganun..."
"PAPANO KUNG MALAGLAG KA?!"
"...awtsu. concerned ka friend?"
"tigilan mo na nga ko dyan sa pag-friend-friend mo sa kin. humanda ka sa kin pagbalik mo, makita mo kung gaano ako ka-'concerned' sa yo..."
"...weh. now na lang, friend."
"huy."
YOU ARE READING
Quickies
Fanfictiona mix of fanfic, shorts, and maybe everything in between. clearly, these are quickies. most are un-edited and may be blah. but i will still do this, just to get it out of my system.