kontrata

1.2K 136 10
                                    


*U S U A L   W A R N I N G:    T H I S    I S    F I C T I O N*


***


*FACETIME RINGING*

'ma? hi ma!'

'oy iho, kumusta? korea na ba kayo?'

'bukas pa po. singapore pa lang. si kuya?'

'ayun. nagho-host pa.'

'daming post ng fans. mugto pa din ang mata niya...'

'panong hindi mamumugto, kapag wala na sa camera, iyak. pagpasok sa sasakyan, iyak. pag kinukumusta ng dabarkads, iyak. hay. eh yang ate mo, ano na?'

'ayun. hindi na halos makadilat. pagsakay pa lang ng eroplano, hindi na natigil ngumawa. kundi ko lang kapatid to, naku...'

'maayos pa naman siya nung sa xphone ah?'

'iphone x yun ma.'

'o yun nga.'

'kelangan niyang umayos dun. daming nilagay ni ate nikki na concealment sa mata nun.'

'concealer.'

'ganun din yun. eh ma, pano na ba gagawin natin dito? bawal pa din bang magkita? naaawa na ko dito eh.'

'hindi pa nga muna pwede, di ba? utos ng mga boss.'

'eh ma...kinukulit na ko nito. kahit man lang daw boses sana marinig niya...'

'eto nga din, inuulit-ulit na lang sa kotse yung kanta nila eh, basta madinig daw niya.'

'hindi pa ba talaga pwede ma?'

'ma, si dean ba yan? dean!?'

'ah, sige na ma, thanks for calling! bye!'

'dean! nasan si...'

'ay, in-off na. sorry, 'nak.'

'ma naman...saglit lang naman, please. ang hirap na eh...'

''nak, alam kong mahirap, parehas lang naman kayong nahihirapan...'

'nakita mo ba siya ma? nakausap mo? kumusta na sya ma?'

'tama na yan 'nak. may sunod ka pang schedule.'


*FACETIME RINGING*

'akina yan, ma...'

'j, teka...oy!'

'meng, akina yan! mapapagalitan ako!'

'rj?! j! love!'

'meng! mahal!'


*CLICK*

'dean! ano ba!'

'mongs, malalagot tayo niyan eh! bawal nga di ba?! ginusto nyo yan eh, ginusto MO yan. pipirma-pirma kayo sa kontrata...tsk, iyak na naman eh. nilamon na ng eye bags mo yang pisngi mo o!'

'gusto ko lang naman siyang madinig, dean...'

'eh di nga pwede. ewan ba sa mga kasunduan nyo dyan sa mga management nyo. pumayag naman kayo. o ayan napala nyo.'

'...'

'huy. tama na kasi. dalawang buwan lang naman di ba? susunod din dito si kuya j. basta ang importante, umayos ka. baka mamya sa lahat ng pwedeng manahin yan pang eyebags nyo ni kuya j ang makuha ng pamangkin ko.'


***

A/N: things are not quite the same, because there's still a certain void that can't be ignored. i suppose i'm still in different stages, bordering on crazy but hey, aren't we all are at some point? we just learn to manage it differently. this is me managing my crazy. but it's getting better. until then, well, allow me to just continue writing these stuff. 

ALDUB PA RIN.

 


QuickiesWhere stories live. Discover now