Jay, tatakasan mo na naman kami eh! Nakaka-dalawang bote ka pa lang o!
Dude ngayon ka na nga lang ulit namin nakasama tapos aalis ka pa ulit.
Tinawanan ko lang sila habang tinutungga ang ikalawang bote ko ng beer. Alas-diyes na ng gabi at Miyerkules pa lang. Hindi naman ata tama na nangangalahati pa lang ang linggo ay maglalasingan na kami. Minsan talaga itong mga ka-opisina ko ay wagas kung gumimik. Nakakataka nga din kung papanong nakakapasok pa din naman sila ng matino kinabukasan.
"Hoy, may presentation pa tayo bukas baka nakakalimutan ninyo. Hindi tayo pwedeng magdamagan na naman."
Sine-celebrate lang naman natin na natapos yung paggawa natin ng presentation para bukas!
At advanced celebration na din kasi sure-ball na yung account na yun! Dali na, kampay!
Naki-kampay na lang din ako, pero huling bote ng beer ko na lang talaga ito. Hindi dahil sa hindi ko na kaya, pero dahil na din sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Lalo na noong gabing iyon.
***
"Sinabi nang umayos ka Jay eh..."
"Paano akong aayos, ikaw 'tong umiwas."
"Gago ka ba, eh pinahiya mo ako eh! Tinanggihan mo ako, ibig sabihin ayaw mo sa kin, so bakit ko kailangang ipagpilitan pa sarili ko, di ba?"
"Wala akong sinabing ayaw kita...Meng, dito ka lang sa tabi ko, huwag ka palakad-lakad, mas nahihilo ako..."
Buti na lang at tinabihan nga niya ako. Nasa loob na kami ng kuwarto ko, matapos ang ilang minutong nahirapan siya na iakyat ako sa hagdan ng apartment ko. Inakbayan ko siya. Tangina, ang bango niya talaga.
"Meng...kung alam mo lang kung gaano kita gustong halikan noong gabing iyon..."
TIningnan niya ako. Ang ganda ng mata niya.
"...pero hindi sa ganoong paraan...ayokong samantalahin yung pagkakataong iyon dahil lang lasing ka..."
Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.
"Puwes, hindi ako lasing ngayon. Gusto mo pa ba akong halikan?"
Tinitigan ko ang labi nya, at unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Pero sa kung anong dahilan ay umiwas ako, at hinalikan lang ang kanyang noo.
"Gustong-gusto, pero hindi pa din dapat ganito Meng. Lasing ako, baka hindi lang halik ang magawa ko."
"Pano kung hindi lang din naman halik ang gusto kong gawin mo?"
"Meng...hindi dapat ganito...at saka baka hanapin ka ni Jonar..."
Itinulak nya ako ng bahagya. Natatawa siya.
"Selos ka?"
"Bakit mo ba siya kasama? Kayo na ba?"
"Gago ka ba, eh sa iyo may gusto yun."
"Ha?!"
Muntik na akong malaglag sa pagkakaupo sa gilid ng kama kung hindi pa ako nahawakan ni Meng sa braso.
"Sumama siya kasi nakwento kita sa kanya, kung ano yung nangyari...aba ang hitad, baka nga daw hindi ako ang type mo. Kaya ayan, nagprisinta na sumama para amuyin ka. Eh sorry na lang siya..."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinabig ko siya papunta sa akin at hinalikan. Madiin, matagal. Buti na lang at hindi siya nagreklamo sa amoy-chicong hininga ko.
***
"Pang-ilan mo na iyan?"
Nag-angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Menggay! Dali, tagay!
Pangalawa pa lang niyang si Jay pero dinadaya kami eh, pinapatagal yung pangalawang bote.
Tinabihan niya ako at hinalikan sa pisngi. Inabutan siya ng beer ng isa sa mga ka-opisina namin, pero ako ang kumuha.
"Hep, hindi pwede. Ako na sasalo niyan."
Gago tong si Jay o, hayaan mo na si Menggay!
Oo nga, naging mag-jowa lang kayo pinupulis mo na!
Nginitian lang sila ni Meng habang inihilig ang ulo niya sa balikat ko. Binalingan ko ng tingin ang mga mokong.
"Hindi ko na jowa 'to, 'no. Magiging asawa ko na si Meng. At di na pwede ang alak kasi makakasama sa baby."
Kampay!
*** wakas ***
(sabi ko naman maikli lang di ba? gusto ko lang siyang mailabas sa sistema ko. para din maisulat ko pa ang iba kong nakabinbin na mga kwento. dahil hindi pa din ako titigil sa pagsusulat ng kwento kung saan masaya silang dalawa, kung saan hanggang sa dulo ay sila pa din ang magkasama.)
YOU ARE READING
Quickies
Fanfictiona mix of fanfic, shorts, and maybe everything in between. clearly, these are quickies. most are un-edited and may be blah. but i will still do this, just to get it out of my system.