F I C T I O Nfirst posted on twitter
*****
"zee, huwag kang kabahan anak ha."
"ok po tatay."
"yung itinuro ko sa yo huwag mong kalimutan"
"ok po tatay."
"kapag ipinaikot na ni moses yung drum sticks..."
"tsaka po ako mag-fly."
"very good anak!"
//
"nanay tama na po..."
"konting ayos pa anak, kumukulot ang bangs mo."
"kabado ka nay?"
"ha? halata ba?"
"kasi puro laway pinangpapahid nyo sa bangs ko!"
"ay. sorry baby boy. basta ha, pag lumipad ang kapatid mo..."
"bigla ko hahatawin yung bass drum."
"ang galing-galing ng moses ko!"
//
"handa ka na?"
"kanina pa."
"yabang nito. love, tandaan mo ang usapan natin."
"mahal, andito naman tayo para alalayan sila. alam kong magkaiba ang powers ng ating kambal, pero tinuruan na natin sila."
"kung bakit kasi sa ganitong panahon pa dapat para lang mapagkaisa yung lakas nila."
"huwag ka nang kabahan. halika nga dito. kelangan mo ata ng power kiss..."
"ayiee, para-paraan ka talaga..."
//
"moses? di pa ba tayo magstart?"
"ewan ko nga zee eh. sabi ng nanay dapat nakatiming sa kulog at kidlat yung gagawin natin."
"eh wala na kayang kulog at kidlat. puro ulan na nga lang o, andun pa din sila sa kuwarto ni tatay."
"hay. tara na nga. laro na lang tayo ulit."

YOU ARE READING
Quickies
Fanfictiona mix of fanfic, shorts, and maybe everything in between. clearly, these are quickies. most are un-edited and may be blah. but i will still do this, just to get it out of my system.