F I C T I O N
first posted on twitter
*****
"tatay, karga."
"come here, baby girl. antok ka na ba?"
"opo."
"hintayin lang natin si nanay at si moses ha? gusto daw ng kapatid mong sumakay dun sa rollercoaster kasi."
"takot po sa rollercoaster si moses."
"ha?"
"si nanay po yung may gustong sumakay dun. hindi lang po yun makatanggi kay nanay."
"naku menggay..."
//
"nanay, masakit na po ang paa ko."
"kapag nakasakay na tayo sa rollercoaster anak, mapapahinga din yang paa mo. dali na, maikli na ang pila o!"
"nanay, dun na lang ako kina zee at tatay."
"baby boy naman, di ba love mo si nanay?"
"opo. love ko din si tatay tsaka si zee. tara na po nanay, dun na tayo sa kanila."
"eh anak... ayan na o, konti na lang nasa pila..."
"nanay hintayin ko na lang kayo dun sa bench. pila na kayo dali!"
"sige sige, sandali lang si nanay!"
//
"moses!"
"zee! tatay!"
"bakit ikaw lang? nasan ang nanay mo?"
"nasa pila po, tatay."
"iniwan ka dito mag-isa?!"
"sabi ko po dito lang ako sa bench, kasi po masakit na ang paa ko."
"tapos tumuloy pa din sa rollercoaster?!"
"anong rollercoaster? hoy ricardo, sa ibang pila ako pumunta. ano akala mo sa akin, pabayang ina?!"
"ah, mahal, hehe."
"o zee, moses, tag-isa kayong ice cream. huwag magtulo ha. manlalagkit kayo."
"paano naman ako, mahal? wala ba akong ice cream din?"
"hmp. jinudge mo ako agad. na-hurt ang feelings ko."
"nag-alala lang ako sa inyong mag-ina, siyempre.
"di kita binili ng ice cream, isa na lang ito."
"eh di padila na lang..."
"hmp. ikaw...isa lang ha...hmmm..."
"mmm...ang tamis..."
"..."
"moses, tara dun sa kabilang bench. malagkit na dito."
"oo nga zee. ang tamis pala talaga."
YOU ARE READING
Quickies
Fanfictiona mix of fanfic, shorts, and maybe everything in between. clearly, these are quickies. most are un-edited and may be blah. but i will still do this, just to get it out of my system.