*** F I C T I O N ***
"ma...?"
"..."
"mahal..."
"..."
"kibuin mo naman ako..."
"..."
"huwag ka na magalit..."
"...hindi naman ako galit..."
"eh bakit ang tahimik mo?"
"..."
"huy, ma..."
"...(sniff)..."
"nakupo, umiyak na...menggay...sabi mo hindi ka galit..."
"...hindi nga...(sniff)..."
"eh bakit may iyak?"
"kasi...kasi....waaaaahhh!!!"
"patay na...teka, teka, igigilid ko muna ang sasakyan..."...
"tingin ka nga sa kin."
"...(sniff)..."
"bakit ka umiiyak, mahal? di ba usapan natin kapag may nararamdaman ka sasabihin mo agad sa akin?"
*nods
"aber. bakit?"
"hindi tayo compatible."
"ha? ano?"
"kanina dun sa reception, yung game...sablay yung mga sagot natin..."
"ano naman ngayon?"
"hindi tayo compatible!"
"eh ano nga ngayon?!"
"waaaah! hindi nga tayo compatible, tapos magtatanong ka ng ganyan?!"
"wala namang kaso yun!"
"walang kaso?! balewala sa iyo kung hindi tayo compatible?!"
"laro lang naman yun! "
"huhuhu! bakit mo ako pinagtataasan ng boses?! hindi mo talaga ako mahal!"
"huy huy huy, wala akong sinasabing ganyan! halika nga dito...mahal naman eh..."
"tse! ewan ko sa iyo! siguro nga hindi talaga tayo compatible! hindi tayo mag-soulmate!"
"laro nga lang kasi iyon...huwag mong seryosohin kasi..."
"laro lang? bakit sina bossing at poleng, si sir joey at tita eileen...parehas sila ng mga sagot...compatible sila!"
"so hindi lang tugma ang sagit natin hindi na tayo soulmate agad-agad?"
"bakit kasi mali ang mga sagot mo..."
"hindi naman mali ang mga sagot ko..."
"ano, ako yung may maling sagot?!"
"wala akong sinabing ganun..."
"eh bakit nga kasi parang balewala sa iyo lahat?!"
"hindi mo ba narinig yung mga sinagot ko?"
"narinig ko! nandun ako di ba?! ako yung kahawak-kamay mo di ba?!"
"huwag na kasi sisigaw...look, narinig mo naman ang sagot ko di ba?"
"sablay nga, sablay! tapos inilulusot mo na lang..."
"hindi yun palusot..."
"anong hindi palusot, bakit 8 ang sinabi mo nung sinabi kong 3?!"
"kasi 8 symbolizes infinity, eternity, ganun tayong dalawa. yung love natin is for eternity, di ba? walang hangganan. at totoo yung sinabi ko na yung kalahating itsura ng 8 is 3 din naman, di ba? nakaharap sa 3 mo...kasi di ba nga you're my mirror staring back at me?"
"..."
"tapos yung 2 mo, 4 ako...kasi hindi lang tayong dalawa, di ba? ang lahat ng iyo, dodoblehin ko, dahil ganoon tayo...we will always multiply in any which way...our blessings, our success, our love, our life...doble-doble lahat mahal...tsaka magiging 4 naman na talaga tayo di ba?"
"eeehh..."
YOU ARE READING
Quickies
Fanfictiona mix of fanfic, shorts, and maybe everything in between. clearly, these are quickies. most are un-edited and may be blah. but i will still do this, just to get it out of my system.