F I C T I O N
(from a writing challenge from thirdyisagirl on twitter, to write a one-shot about ice cream, to celebrate Magnolia's latest TVC)
***
bring ice cream.
yun lang ang message niya sa akin. matapos kong magpaliwanag ng pagkahaba-haba dahil hindi ko na naman siya nasundo. yun lang ang isinagot niya.
mahal, i'm really sorry. yung boss ko kasi, hindi niya agad sinabi na ngayon namin i-meet yung client, eh big account kasi yun and ako lang ang pinagkakatiwalaan niya kapag important client. mahal babawi ako promise, i'll go straight sa condo after.
hindi siya sumagot. usually tatawag na din agad yun kapag nakuha na ang message ko, medyo konting galit at tampo, pero nakikinig naman siya sa akin. bumabawi naman talaga ako, at matinding lambingan kapag nagkita na kami ulit.
mahal, sorry na talaga.
sinubukan ko siyang tawagan pero naka-ilang ulit na ang pag-ring at redial ko ay hindi siya sumasagot. kinabahan ako.
mahal, are you ok? please sagot ka naman. malapit na kami matapos, pauwi na din ako maya-maya.
wala pa ding sagot. kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ko. baka kung ano na ang nangyari sa mapapangasawa ko.
coleng? si meng ba nasa inyo? umuwi ba siya? ah, kasama mo kanina? sa iyo nagpahatid pauwi? ah so nakauwi naman na siya? ah ok...oo nga eh, medyo kinabahan lang ako kasi hindi sumasagot...oo na, sabi kp naman babawi ako... ok, salamat coleng... oo na, libre kita ng ramen next week...thanks, bye!
nag-message ako ulit. at ayun nga, sumagot naman.
bring ice cream.
tatlong tag-isang galon at limang pint ng ice cream ang binili ko, iba-ibang flavor. yung mga alam ko na paborito niya. hindi ko pa matantiya ang mood niya batay lang sa message niya, kaya ganun karami ang binili ko na ice cream. malaki naman ang freezer ng ref.
tahimik ang condo pagpasok ko. naiihi na ko sa kaba kasi ni walang ilaw sa may sala. madilim din sa kusina. inilapag ko ang dala kong bag sa couch, at bitbit pa din ang mga ice cream, tinungo ko ang kwarto namin. naka-awang ang pinto, at may kaunting liwanag akong nakita. kumalma ang pakiramdam ko. nasa loob siya ng kwarto, naririnig ko ang tv namin. habang papalapit ako ay narinig ko ang paghikbi niya. parang bumigat ng isang tonelada ang puso ko. ayokong naririnig siyang umiiyak. lalo na at alam kong ako ang dahilan.
humugot ako ng lakas ng loob at pumasok na ako. madilim sa loob, maliban sa umaandar na tv. si popoy at basha ang palabas.
sana ako na lang. sana ako na lang ulit.
waaaaahhh!!!
napatalon ako ng bahagya sa pagiyak niya at dali-dali ko siyang niyakap. yumakap din naman siya sa akin at isinubsob ang ulo sa dibdib ko. yumuyugyog siya sa pagiyak, nataranta na ako. ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-intense umiyak.
sshhh, mahal...tahan na...mahal...di ba ilang ulit mo naman nang napanuod iyan? magkakabalikan din naman sila ni popoy di ba? nagpakasal na nga sila sa part 2 eh.
itinulak niya ako ng bahagya, tiningnan ako ng kanyang basang mga mata, at sinampal ako.
PAK!
hindi ko din inaasahan yun.
aray naman mahal! sorry na! eh di ba napanuod mo naman na talaga iyan? pati yung part two?!
at sa akala mo dahil kina popoy at basha kaya ako umiiyak?! where's my ice cream?!?
bumitaw ako sa kanya at agad na iniabot ang ecobag na naglalaman ng ice cream. tumutulo na ito. hinablot niya mula sa akin at kinuha ang isa sa mga pint.
avocado. napangiti siya, pero saglit na saglit lang ay bigla na naman siyang umiyak.
bakit may mangga kang binili?!? ayoko ng mangga!
ha?! mahal, di ba isa sa mga favorite mo naman iyan? yung may dark chocolate pa?
dati yun! i despise mangoes now! ugh! kainin mo yan!
ayoko din naman ng mangga, mahal...
nalilito na ko at malapit na din akong umiyak. hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya ngayon. tumayo ako.
hep, hep! saan ka pupunta? iiwan mo na naman ako?!
mahal ikukuha kita ng kutsara para sa ice cream. saglit na saglit lang. eto na tatakbuhin ko na ang kusina.
nagmamadali akong bumalik sa kwarto pagkakuha ng kutsara, at laking gulat ko na kumakain na siya ng ice cream gamit ang kamay niya. tiningnan niya ako at ngumiti.
tagal mo eh.
iniabot niya ang kamay nya na idinakot niya sa ice cream, iniaalok sa kin para subuan ako. tinabihan ko siya sa kama at hinawakan ang kamay niya na may isang dakot ng ice cream. isinubo ko ang kanyang kamay, habang nakatingin kami sa isa't isa. may tulo na ng ice cream sa kanyang braso. dinilaan ko ito, hindi ko iniaalis ang tingin sa kanya. napahugot siya ng hininga. nginitian ko siya. inismiran lang niya ako.
hmp. ang lagkit. tingnan mo iyang mukha mo, puno na din ng ice cream.
tumayo siya. napa-iling na lang ako. nang bigla siyang kumandong sa akin at dinilaan ang pisngi ko, patungo sa bibig ko.
hmm. ang lagkit mo talaga.
mmm...mahal...yung ice cream...ahh...
gusto mo pa ba?
binuksan niyang bigla ang suot kong polo, sabay dakot ulit sa ice cream, at ipinahid sa dibdib ko.
ahh...ang lamig...
hmm. iinit din yan.
***
tunaw na ang ibang ice cream makalipas ang kalahating oras. tapos na din ang linyahan nina popoy at basha. tapos na din kaming, ah, kumain ng ice cream. yakap-yakap ko siya habang nilalaro niya ang medyo namumuong cream sa braso ko.
sorry mahal.
sorry din.
bakit parang nagbabanta yung pagpapabili mo ng ice cream kanina? nataranta naman ako.
tinawanan lang niya ako.
mas masarap kaya manuod ng movie with ice cream.
pumaibabaw siya sa akin sabay kuha ng isa pa sa mga tunaw na ice cream.
at saka... masarap din kumain pagkatapos ng movie, di ba?
oo nga naman.
YOU ARE READING
Quickies
Fanfictiona mix of fanfic, shorts, and maybe everything in between. clearly, these are quickies. most are un-edited and may be blah. but i will still do this, just to get it out of my system.