Chapitre Trois

2 0 0
                                    

Chapitre Trois
Something Else

Mabilis na lumipas yung mga araw. School at bahay lang ako, ilang linggo din akong nagbakasakaling magt'text si Charles sakin, pero wala. Para akong tangang tingin ng tingin sa phone ko na parang hindi ko alam na may girlfriend siya. Nakakagago lang diba? Asa pa Aira, go lang. Katatapos lang ng class ko, naglalakad ako sa field para puntahan si Aika sa tambayan namin, vacant niya na din.

"Uy, besfran," bati ko nung nasa harap niya na ako.

Nung una, biruan lang namin yung tawagang iyan hanggang sa nakasanayan na namin.

I sat beside her, "Bakit tulala ka jan?" curious kong tanong sa kanya.

Yung totoo, balak ko nang sabihin sakanya na matagal ko na kilala tska crush si Charles, naguguilty na kasi ako.

"There, oh..." may tinuro siya, nilingon ko naman yon.

Doon ko nalaman na nagpapantasya pala ang gaga, akala ko dadrama siya sakin. Nakita ko si Charles na nakaupo don sa may bench, magisa. Lately, laging ang lalim ng iniisip niya, ano kaya yon?

Eh bakit ko ba iniisip kung anong problema niya?

"Ang gwapo niya besfran, no? Kahit anong angle, fuck! Ang yummy!!!!" sabi pa ni Aika na halos maglaway na. Heart emoji na nga yung mga mata niya.

Natawa ako sakanya pero hindi ko parin hindi maiwasan ang magisip. Madalas ko kasi makita si Charles magisa, hindi siya masyado sumasama sa mga tropa niya. Tapos sa class naman na kasama ko siya, magkatabi sila nung girlfriend niya pero hindi sila naguusap, or kahit maghawak man lang ng kamay. Eh, dati lagi silang naglalandian doon. Tska, tamihik din siya lately, maingay kasi siya onti, yung natural na siya. May problema kaya? Ano kaya yun? Okay lang kaya siya? Wait nga, bakit ko ba kasi pinoproblema yun?

"Uy!" nagulat ako nung pinitik ni Aika yung kamay niya sa harap ko.

"Aiks, um, may sasabihin ako..." seryoso pa din akong nagsalita sa harap niya.

"Ay teka, pag name to name basis, no time for joking na eh. Alam ko yan, oh ano ba yun?" nagbiro pa siya, she smiled, pero sumeryoso din siya pagkatapos.

Pareho kaming nakaindian sit sa field, nakaharap kami sa isa't isa.

"Matagal ko nang kilala si Charles, u-uhm, crush ko din siya..." sabi ko, tinignan ko siya. Halatang nagulat siya.

"What? Kelan pa? Akala ko ba hindi mo siya kilala? Wait, bakit ngayon mo lang sinabi? Wait..." huminto siya na parang prinoproseso pa yung sinabi ko, sunod sunod yung tanong niya pero naintindihan ko lahat yun. Hinahanap ko yung galit sa mga mata niya sa pagsisinungaling ko pero wala akong makitang galit na emosyon doon.

"Um.... Matagal na. Tatlong taon, though not personally..." kunot yung noo niyang nakatingin habang nakikinig sakin, "Highschool pa ako non, nakita ko siya sa isang social media account. Hindi ko sinabi sayo kasi crush mo siya, baka magalit ka sakin, ayokong hindi mo na ako kaibiganin, Aiks..." sagot ko sa mga tanong niya kanina. Nakatingin lang ako sakanya, tumingin din siya sakin tapos ngumiti siya, pinipigilan niyang matawa.

"Hindi ka galit?" kumunot yung noo ko, nagtatakang tanong ko sakanya.

"Ano ka ba? Bakit ako magagalit? Gaga ka. Nagulat lang ako no! Dapat sinabi mo sakin una palang para sabay tayong pagpantasyahan siya! Oh, tignan mo, ang yummy talaga, omg!" turo niya kay Charles. Hinampas niya ako tapos inalog alog pa, tumatawa tawa pa siya.

Natawa nalang din ako tapos yinakap ko siya, ewan ko ba, medyo sensitive talaga ako pag dating sa mga kaibigan.

"Thank you, besfran..." sabi ko, yakap ko padin siya.

L' amour De Ma Vie (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon