Chapitre Neuf
TiredIlang gabi din akong hindi nakatulog kakaisip nung "good night, love" na yon. Hindi ko alam kung pinagt'tripan niya ba ako, o ano. Hindi ko naman siya nireplyan, tska wala rin naman akong balak itanong kay Charles yung tungkol bagay na iyon, ayokong umasa sa bagay na wala namang kasiguraduhan.
Delikado na, kumplekado pa. #notsafe.
Katatapos lang ng class namin ni Aika, we went straight to the cafeteria and texted Charles that we will wait for him there. Nakarating na kami doon, kakakunot noo na binabasa ni Aika yung text sakanya.
"Is there something wrong?" nagaalalang tanong ko sakanya.
"Ha? Eh, nagtext si Mama, may problema daw sa bahay..." sagot niya sakin, dahan-dahan na niyang niligpit yung mga gamit niya.
"Ha? Ano daw? Uuwi ka na?"
Tumango siya, "Walang sinabi eh, basta sabi lang umuwi na daw muna ako. Magt'text nalang ako, besfran kung ano man ha? Una na ako...." nagmamadaling sabi niya, tumango naman ako.
"Okay, sige magingat ka ha?" paalala ko sakanya, naglakad na siya palabas ng cafeteria.
Maya maya lang din, dumating na si Charles.
"Si Aika?"
"Umuwi na, may emergency daw sakanila."
"Ano daw nangyari?"
"Walang sinabi si Tita eh, basta pinauuwi lang siya..."
Tumango siya, "Tara.."
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ha? San tayo pupunta?"
"Sa tapsilogan, sa España.." nakangiting sabi niya.
Hindi naman na ako nagreklamo, lumabas na kami ng school tapos nagaantay ng masasakyang jeep.
"Why?" tanong ko out of a sudden, nagets niya naman agad kung para saan iyon.
"Wala lang, namiss ko lang kumain doon. Tska diba, sabi ko din babalik tayo?"
Sumakay na kami ng jeep, pagkarating namin doon, umupo na rin kami agad tapos nagorder na. Nilabas ko naman yung phone ko kasi may text doon, binasa ko iyon. Kumunot yung noo ko, nakatingin naman si Charles sakin.
"Si Aika, nagtext.... Gelo got someone pregnant..." I looked at him.
Si Gelo, bunsong kapatid ni Aika.
"Ha? Diba senior high school lang iyon? Still a minor?" kunit noo tanong niya sakin, tumango ako, sagot sa lahat ng tanong niya. Iniling niya yung ulo niya, "Ang bata pa non," I agreed, "Pag ako yon, mapapatay ako ni Mama." he joked to lighten the mood, I smiled at him.
I checked my phone again, umilaw yung phone ko, exposing its lockscreen, I smiled... Wala naman ng reply si Aika.
"Since when?" biglang tanong ni Charles sakin.
Nagtataka akong lumingon sakanya, "Since when, what?"
"Lockscreen..." sagot niya habang nakanguso, tinutukoy yung phone ko.
Tinignan ko naman iyon, pinailaw ko ulit yung phone ko, napangiti naman ako nung makita ko si Justin doon.
"Ah, ito? Kahapon lang..." pinalitan ko kasi ng bagong picture ni Justin yung lockscreen ko.
"No, I mean the story...."
Dumating na yung inorder namin, just like the first time, inabot niya sakin yung spoon and fork, tinanggap ko naman iyon. Nakakunot yung noo ko sakanya.
BINABASA MO ANG
L' amour De Ma Vie (On-hold)
General FictionTravel places, and fall inlove with Aira as she meets the guy she knew in a social media site, three years ago. Experience a lot of exciting adventures, kilig moments, life struggles, and maybe, a little bit of a heartbreak? Join her as she discover...