Chapitre Un

7 0 0
                                    

Chapitre Un
First Day of Classes

I took a deep breath as I took a step forward in to the gates of the University infront of me. The environment seems new but then familliarity filled within me as I walk to the corridors of it. The people wearing the same clothes as I do, the meeting of old friends, the professors --may it be the kind or the terror type, the gossips and all.

It is my first day in this university and also the first day of their opening classes. I was half running along the hallways while looking over the room numbers for my first class for today. Nagtanong na ako kanina sa guard tungkol sa directions pero naligaw parin ako. I only have thirty minutes left and getting lost in this huge school isn't helping me even a bit.

Hindi talaga ako kahit kailan naging magaling sa mga directions, kaya nga si Justin Bieber ang inidolo ko at hindi ang One Direction.

Napapadyak na ako sa inis, haggard na nga siguro ako dahil pinagpapawisan na ako. Kahit kailan, hindi ko inaapply sa buhay ko ang "Better late than never" dahil hindi okay ang malate! Badtrip. Patuloy lang ako sa paglalakad, palinga-linga sa mga classrooms na nadadaanan ko nang bumangga ako.

What the fuck? Nagmamadali na nga ako, mababangga pa!!!! Aaaaaahh!!!

"Ano ba naman yan! Hindi naman kasi nagiingat!" pagrereklamo ko pa.

"Sorry, miss! Sorry talaga, hindi ko sinasadya," sobrang pamilyar nung boses kaya bigla nalang napalitan yung inis ko ng kaba.

Dahan-dahan ko iniangat yung ulo ko para makita kung tama yung iniisip ko.

Oh, damn it.

"A-aira?" gulat niyang tanong sakin, habang tulala padin akong nakatingin sakanya.

Hindi magkamayaw sa pagwawala yung puso ko.

Oh dear heart, please calm down.

"Aira, uy!" panitik niya yung kamay niya sa harapan ko, nagulat naman ako.

"H-ha?" natataranta kong sagot sakanya.

"Ako 'to," turo pa niya sa sarili niya, "Charles, yung sa restaurant, remember? Si Chase?"

"H-ha? A-ah! O-oo! Ofcourse, I remember you..." ngumiti ako sakanya, huminga siyang malalim na para bang sign of relief na naaalala ko siya, ngumiti din siya pabalik. "Si Chase nga pala, kamusta?"

"Si Chase agad yung kinamusta? Hindi ba pwedeng ako muna?" nagulat akong tumingin sakanya, then he laughed hard, "Kidding... Well, his okay... Pinapahanap ka nga niya sakin."

Tumango ako sakanya. Nagsimula na siyang maglakad, sumunod naman ako sakanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hinayaan ko lang yung sarili ko sumunod sakanya.

Magsasalita na sana ako ulit nung naunahan niya ako, "Dito ka pala nagaaral? Anong year? Course?"

Inabot ko sakanya yung registration form ko. Huminto siya sa paglalakad, "Transferee ako," binasa naman niya yung mga nakalagay doon.

"HRM ka din pala, parehas tayo..." I nodded at him, "Alam mo kung asaan yung room mo?"

Natatawa akong umiling kay Charles, "Hindi eh, nawawala nga ako..." nahihiya kong sabi sakanya, he laughed too.

L' amour De Ma Vie (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon