Chapitre Dix
Sorry.I woke up even before my alarm started ringing. I checked the time, five am pa lang ng umaga. Agad ko naman kinuha sa bed side table ko yung phone ko, I dialed my bestfriend's number.
"Besfran?" she answered, kinusot ko pa yung mata ko.
"Hm, besfran, ano? Kamusta?" I asked her, bumangon na ako sa pagkakahiga.
"Medyo okay na si Mama, nagising na siya kaninang madaling araw, nilipat na siya regular room, besfran...." rinig ko yung bahid ng saya sa boses niya, kahit papano, naging panatag yung pakiramdam ko.
Napangiti ako, "Talaga? Sige.... Wait lang ha? Pupunta ako, maliligo lang ako."
"Hala, wag na besfran. May class ka ngayong umaga diba? Ano ka ba naman..."
"Ano ba, besfran. Okay lang no. Papasok din ako, dadaanan ko muna si Tita..."
Ilang beses ko pang ipinilit na pupunta ako, kahit naman anong pigil niya, hindi niya naman ako mapipigilan. She sighed, and surrendered. Finally, napapayag ko din siya. Naligo na ako tapos nagpaalam kay Mommy na dadaan muna ako ng hospital bago pumasok.
Nagaantay na ako ng jeep sa sakayan, nung nagring yung phone ko, sinagot ko naman yon.
"Hello?" I said over the line.
"Good morning, love...."
Lumakas naman yung kabog ng puso ko, there he goes again, calling me love. Ewan ko kung nangaasar siya o ano, pero tangina. Kahit anong deny ko sa sarili ko, gusto kong tinatawag niya ako non. Ang sarap pakinggan. #landistrikes
Napangiti naman ako, "Anong love?! Crush mo na talaga ako simula kahapon no?" I laughed, joke kong tanong sakanya,
"Good morning, Cha..."
I can feel him smiling over the line, I calmed my heart...
"Paano kung totoo nga yon?" nabigla naman ako sa tanong niya.
"Nako, Charles Jon ha! Sasapakin kita, wag ako." I laughed, pero shit, nagwawala na yung sistema ko, "Bakit ka tumawag?" I asked.
He laughed too, and god, it sounded so good. I closed my eyes and smiled, "Ah... Papasok ka na?"
Umiling ako na parang nakikita niya ako. "Hindi pa. Pupunta pa ako sa hospital. Kay Aika, gising na kasi si Tita Ruth..."
"Talaga?" he asked, "I'll come too. Doon na tayo magkita tapos sabay na tayong pumasok..."
"Alright... See you, bye..."
"Bye..."
And the phone call ended.
Pumara na ako ng jeep, pagdating ko ng hospital, tinawagan ko ulit si Aika. Sinundo niya ako sa lobby, inabot ko naman sakanya yung dala kong prutas.
"Ay shet, ang effort besfran ah. Ang sweet!" natatawang sabi niya, inarapan ko naman siya.
Umandar nanaman yung pagiging jejemon niya.
"Kamusta si Tita?"
"Okay naman, kailangan pa niya ng pahinga. Hindi na pwede mastress si Mama eh, baka lumala yung sitwasyon niya..." sagot niya sakin, tumango tango naman ako.
"Pupunta daw si Charles..." sabi ko sakanya habang pasakay kami ng elevator.
Tumingin siya sakin, nakangiti siya. Yung nangaasar, tumaas yung kilay ko, "Ano nanaman, Aika?"
BINABASA MO ANG
L' amour De Ma Vie (On-hold)
Ficção GeralTravel places, and fall inlove with Aira as she meets the guy she knew in a social media site, three years ago. Experience a lot of exciting adventures, kilig moments, life struggles, and maybe, a little bit of a heartbreak? Join her as she discover...