Chapitre Onze
On the RoadMadaling araw iyon nang magising ako sa tunog na nanggagaling sa phone ko. Inabot ko iyon at sinagot, hindi na ako nagabalang tignan kung sino pa iyon. Tinignan ko ang oras at alas tres palang iyon ng umaga.
"Hello?" inaantok ko pang sagot sa telepono.
"Did I wake you up?" he asked over the line.
Bigla naman nagising yung diwa ko nang marinig kung sino ang nagsalita sa kabilang linya.
"Ay hindi, sira ulo ka ba? Alas tres palang ng madaling araw Charles!" kunwa'y inis na sabi ko.
He laughed, "Gusto ko pumunta sa Antipolo..."
"Then go, no one's stopping you..." pagtataray kong sagot sakanya.
He laughed once again, ano bang nakakatawa?
"Samahan mo ako...."
Akala niya siguro, natutuwa ako na gusto niyang akong kasama pumunta sa Antipolo.
Hindi, asa pa siya!
"Ano?" I asked him, trying to suppress a smile.
"I said, I want you to come with me..."
"Ayoko, inaantok pa ako, Cha..."
Hindi ako nagpapapilit. Pero kung pipilitin niya ako, maybe... I would say.... Yes.
"Damn..." he cursed, "Please, Aira, I wanna go there so bad..." he's almost pleading.
Iniling ko yung ulo ko, napangiti ulit ako. Akala niya kinikilig ako? Shit.
"Okay... Fine, sige. Anong oras ba?"
"Ngayon na..." he said, I can feel him smiling over the line.
"What?!" gulat kong sabi.
"Ate! Ano ba yan ang ingay mo! Gabi pa, matulog ka pa!" naalimpungatang sabi ni Ianna.
Bumangon ako, lumabas ako ng kwarto.
"Ngayon na, para makauwi din tayo mamaya kasi may pasok pa tayo bukas, diba?"
"But, Cha, tulog pa si Mommy, abnormal ka ba? Papatayin ako nito pag ginising ko siya."
"Ganito lang, after ko matapos magayos, pupunta ako sainyo. Maligo ka na rin. Antayin nalang natin magising si Mommy, tapos alis na tayo..."
"Anong Mommy? Ulol!" natatawang sabi ko, he laughed too. "Okay sige, maliligo na ako.."
"Alright, I'll see you.."
"Okay, bye..."
And the call ended.
Tuluyan ng nagising yung diwa ko. I went straight to the kitchen, nagtimpla ako ng gatas. I sat and thought to myself, "Ano nanaman ba tong pinagagagawa ko?" Iniling ko yung ulo ko. The moment I said yes, hinayaan ko nanaman yung sarili ko na tuluyan ng mahulog kay Charles.
Ano pa nga bang magagawa ko? Andito na ito, tska kasalanan ko din naman, ayaw kasi paawat ng puso ko... I brushed the falling thoughts away, I keep on telling myself that I did this because I am being a good friend to him but my heart says otherwise.
Nabalik ako sa ulirat nung nagsalita si Mommy, "Ate, bakit gising ka pa?" I looked at her, papunta siyang bathroom.
Ngumiti ako, "Hindi Ma, kagigising ko lang. Tumawag kasi si Charles. Kung pwede daw, magpapasama siya sakin..."
"Ngayon na daw? San kayo pupunta? Boyfriend mo ba si Charles?"
"My, hindi ko boyfriend si Cha,"
BINABASA MO ANG
L' amour De Ma Vie (On-hold)
Fiksi UmumTravel places, and fall inlove with Aira as she meets the guy she knew in a social media site, three years ago. Experience a lot of exciting adventures, kilig moments, life struggles, and maybe, a little bit of a heartbreak? Join her as she discover...