Chapitre Six

1 0 0
                                    

Chapitre Six
Dealing with Issues

Sabado na ngayon, pero yung mga matang mapanghusga tska mga tanong na hindi parin nasasagot, patuloy parin sa pangiintriga. Sabagay, ilang araw pa lang naman yung nakakalipas, magtatagal pa 'to panigurado.

I try to ignore it as much as I could, laging sinasabi ni Aika tska ni Charles na wag ko nalang pasinin yon pero minsan, hindi ko maiwasan. Lagi parin akong napapaisip kung ano bang ginawa kong mali bakit ako naiipit sa sitwasyon na 'to, mali ba na pumayag akong sumama kay Charles para maglunch? Umiling ako. Hindi, alam kong hindi. I'll get used to it, soon, anyway.

Speaking of Charles, madalas na namin siya kasama ni Aika. Sabay kaming tatlong nagl'lunch tska umuuwi. Nang dahil don, parang apoy na lalong kumalat yung mga walang kwentang pagt'tsimisan ng mga estudyante. Nakakagago lang na kahit sa ibang department, ganon narin yung pinaguusapan.

Nakikipagusap parin naman si Charles sa mga blockmates niya pero hindi na siya masyadong sumasama sa mga ito, kung ano yung eksaktong dahilan, hindi ko na tinanong. Hinayaan ko lang siya, that's his privacy, anyway.

"A penny for your thoughts?" bumulong si Charles sakin na nagpabalik sakin sa ulirat.

Sobrang naging close kami, iniisip nga ng iba na may relasyon kami pero wala naman talaga.

But screw what they think, it doesn't matter anyway.

Nilingon ko siya, seryoso siyang nakatingin sakin. "Uhm, wala naman. Inaantok lang ako..." sagot ko sakanya kahit na yung totoo, gusto kong itanong kung hindi ba niya namimiss si Angeline o kaya naman yung mga kablockmates niya.

Tumango siya, "Sleep, then..." hinawakan pa niya yung ulo ko.

"Sira, edi pinagalitan ako? Gago ka rin, no?" inirapan ko siya, natawa naman siya.

For the past months, lagi kaming magkasama dalawa. Pero kahit ganon, hindi parin ako sanay sa presence niya. Nagwawala parin ng husto yung puso ko, lalo na kung ganito kami kalapit sa isa't isa. We were in our first class for today, nagd'discuss yung prof namin sa harap pero hindi ko talaga maiwasan ang magisip sa mga nangyayari lately, ang gulo kasi.

"Uy, let's go. Nagdismiss na si Sir. Hindi ka kasi nakikinig," sabi niya sakin sabay ng pagiling ng ulo niya. "Nagugutom ka na ba?"

Tinignan ko siyang mabuti. Umiling ako tapos inayos ko yung mga gamit sa lamesa para ilagay sa bag ko, kinuha naman ni Charles yung mga libro ko para bitbitin. Derederetso na siyang naglakad palabas ng classroom, hinabol ko siya.

"Hala, uy Charles, akin na yan!" sigaw ko sakanya, tuluyan na siyang tumakbo papunta sa cafeteria.

Para kaming tangang naghahabulan hanggang umupo na siya sa isang table. Pinagtitinginan kami ng mga students dito, nagbubulungan nanaman sila. Paano tska bakit ba kasi kami umabot sa puntong ganito? Hindi ko rin alam, ayaw ko naring malaman.

Hingal akong nagsalita, "Bakit mo kinuha yung mga libro ko? Kaya ko namang dalhin yon ah!"

"Alam ko pero ang bagal mo kasi. Kung hinintay kitang matapos, wala pa tayo dito ngayon." natatawang sabi niya.

Umirap ako, "Pero kahit na, Charles! Hindi mo parin dapat ginawa yon. Mas lalo lang tayong paguusapan nito." naiinis na reklamo ko sakanya.

Kumunot yung noo niya, "Hindi parin pala tayo tapos sa issue na 'to?"

Deretso lang akong tumingin sakanya, "Bitbitin ko man yang mga libro mo o hindi, paguusapan parin naman tayo. Maghabulan man tayo o hindi dito sa buong campus, paguusapan parin tayo. Ngayon nga na nakaupo lang tayo, pinaguusapan parin tayo," nagbuntong hininga siya, "Kahit anong gawin natin, Aira, paguusapan tayo. Ano naman? Mas mabuti ng bigyan natin sila ng paguusapang bago kesa paulit-ulit." hindi na ako nagsalita, sabagay, totoo naman iyon. Umupo nalang ako para hindi na kami magaway pa. Kinuha na niya yung pagkain niya sa bag, ginawa ko din yung ginawa niya. Maya-maya lang din, dumating na si Aika.

L' amour De Ma Vie (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon